Chapter 5

2.7K 89 3
                                    

Naka-suot ng kulay pink na bestida si Lori na hanggang tuhod ang haba. Simple pero maganda siyang tingnan. Inimbita siya ni Geo, isa sa mga taong naging kaibigan niya sa Isla. Kaarawan nito kaya pinaunlakan niya hindi niya akalain na ganito pala kadami ang bisita nito, sa mismong Hotel na pagmamay-ari ng pamilya nito ginanap ang selebrasyon.

Naiilang siya dahil wala siyang kakilala maliban kay Geo. Nagpalinga-linga siya sa paligid hanggang sa magtama ang paningin nila ni Kent, ang lalaking ilang gabi ring hindi nagpatulog sa kanya simula nang makilala niya ito.

Kent give her a killer smile. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil papalapit ito sa kanya.

"Hi." Ani ni Kent ng makalapit sa kanya. Tipid siyang ngumiti rito.

"Hi. Nandito ka rin pala." Naiilang niyang saad.

"Of course, Geo is my bestfriend." Sagot ni Kent, hindi pa rin mawala ang ngiti nito sa labi. "Para kanino 'yan?"

Puna nito sa dala niyang maliit na paper bag.

"Ah, para kay Geo. Regalo ko sa kanya." Sagot niya.

Napataas ang isang kilay ni Kent saka nawala ang ngiti sa mga labi nito. Bigla na lang nitong inagaw ang dala niyang paper bag.

"Ako na ang magbibigay sa kanya mamaya, may inaasikaso pa siyang bisita. Ako na lang muna ang mag-entertain sa'yo." Saad ni Kent sa seryosong boses. Hindi naman nakasagot si Lori, tumango na lang siya.

Dinala siya ni Kent sa isang table at saglit siyang iniwan doon, pagbalik nito ay may dala na itong bulaklak.

"For you." Sabi ni Kent sabay abot sa kanya ng bulaklak. Naiilang siyang tinanggap ito, pinamulahan siya ng mukha at nakaramdam ng hiya sa paligid.

"Thanks. Bakit nagbigay ka ng bulaklak?" Nagtataka niyang tanong.

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Kent saka tinabihan siya ng upo at tinitigan siya ng mariin.

"Hindi ba obvious? I want to court you. Gusto kitang ligawan."

Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito, masyado itong direct to the point. Pilit siyang ngumiti rito.

"I'm just 19 years old, hindi pa ako nagpapaligaw." Sagot niya rito, ang bibig naman nito ang napaawang dahil sa sinabi niya. Malaking bulas siyang babae kaya hindi halata na 19 years old pa lang siya.

"Oh." Tanging naiusal ni Kent na ikinatawa niya. Nakisabay na rin ito ng tawa nang makabawi sa pagkabigla.

"I thought you're 21 years old. So, ilang years ang hihintayin ko?" Sabi ni Kent sabay pa-cute sa kanya.

Hindi ko alam dahil ngayon pa lang gusto ko ng magpaligaw sa'yo.

Iyon ang nasa isip niya na gusto niyang sabihin. Buti na lang nanaig pa ang katinuan ng isipan niya.

"Hindi ko alam." Tipid niyang sagot saka yumuko siya. Itinaas naman ni Kent ang baba niya kaya nagtama ang mga mata nila.

"I'm willing to wait, princess." Masuyong sabi ni Kent, nagwala naman ang puso niya dahil sa kilig. Bakit ba kasi ang guwapo nito at ang lakas ng dating?

"Thanks." Tanging naisagot niya. Kent chuckled at her response. Amused itong nakatingin sa kanya.

"Kumuha na tayo ng pagkain." Yaya ni Kent kay Lori, tumango naman si Lori at sabay na silang pumunta sa buffet table para kumuha ng pagkain.

"Nag-aaral ka pa ba?" Tanong ni Kent kay Lori, masyado itong tahimik. Isang tanong isang sagot lang.

"Oo."

De Villa Series 5: Kent's Thief of Hearts [Completed]Where stories live. Discover now