Chapter 3

2.4K 90 0
                                    


Ilang weeks ng nagti-training si Kent sa De Villa Industries, inilagay muna siya ng Kuya Rain niya sa Accounting Department.

Business Management graduate siya pero sa Accounting siya nilagay ni Rain kaya naiinis siya sa kapatid, parang inaasar pa yata siya.

Patungo si Kent ngayon sa condo ni Sandra, niyaya siya ng bestfriend niyang si Geo na magbakasyon sa Masbate. Magaganda ang mga beach doon kaya isasama niya si Sandra para na rin makapagbakasyon ito at makapagpahinga sa work. Sandra is a Marketing supervisor sa isang Advertising Company.

Agad na nag-doorbell si Kent nang makarating siya sa tapat ng pinto ng unit ni Sandra, napakunot ang noo niya ng ang magbukas ay ang Marketing Manager ni Sandra sa kompanya nito, tanging maliit na towel lang ang nakatakip sa pang-ibabang bahagi ng katawan nito.

"Hey babe, who's that?" Si Sandra na nakatapis lang ng tuwalya na halatang kalalabas lang ng bathroom at bagong shower.

Her eyes went wide nang makitang si Kent ang nasa labas ng pintuan. Sabado ngayon kaya alam ni Kent na walang pasok si Sandra.

Napaatras si Kent saka tinalikuran na ang mga ito, mabilis siyang nakasakay sa elevator pababa sa parking area. Pagkalabas niya ay mabilis ang mga hakbang niya patungo sa sports car.

Kinapa niya ang sariling damdamin. He was angry, yes. Hindi dahil sa nasaktan siya kundi dahil na saling ang ego at pagkalalaki niya lalo na ang pride niya. Hindi naman siya nagseselos, kahit pa anong gawin ng dalawa ay wala siyang pakialam. But he doesn't share his woman, seryoso man siya rito o hindi!

Damn it!

"Kent!"

Napahinto siya sa pagbukas ng sports car niya ng matanaw si Sandra na tumatakbo palapit sa kanya, nakasuot na ito ng white robe ngayon. Humihingal ito ng makalapit sa kanya. And with a teary eyes ay hinarap siya.

"Kent i'm sorry, that was a mistake. Let me explain, please." Ani ni Sandra sa nakikiusap na boses. Nakita niya sa mga mata nito ang pagsisisi. He just smiled at her and shrugged his shoulder.

"It's okay Sandra, you don't need to explain and besides i don't care anymore. I hope you will be happy with him."  Walang emosyong saad niya kay Sandra.

Mas lalong nag-panic si Sandra sa sinabi ni Kent, hinawakan niya ito sa braso.

"Kent, i love you. Nagkamali ako, please forgive me. I don't want to loss you. I know i hurt you but—"

Tumawa ng mapakla si Kent at iwinaksi ang kamay ni Sandra na mahigpit na nakahawak sa braso niya.

"Hurt? Yes, you hurt my ego and pride as a man Sandra. At hanggang doon na lang 'yon. I cared for you but i don't love you, i don't know what love is... At hindi ikaw ang babaeng makapagbibigay sa akin ng pagmamahal na 'yon."

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Kent. Nag-igting ang panga niya pero pinigilan niya ang sarili. Damn! Siya pa ang nasampal ngayon, sa isip-isip niya pero binalewala niya na lang.

"You're a heartless bastard Kent! Matagal na tayong may relasyon pero hanggang ngayon–you never consider me as your girlfriend! You hurt my feelings." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Sandra sa kanya.

"Wala tayong relasyon Sandra, and now you are free to do whatever you want because i'm done with you. I don't share my woman and you know that!"

Iyon lang at tuluyan ng umalis si Kent at naiwang luhaan si Sandra.

Napasabunot si Sandra sa buhok niya. Kung bakit pa kasi nahuli sila ng manager niya sa condo niya. Nakaramdama siya ng pagsisisi sa ginawa dahil mahal niya talaga si Kent kahit pa hindi nito masuklian ang pagmamahal niya.

Si Kent ang tipo ng taong kahit tahasang nagpi-flirt ng mga babae ay hindi ito isang womanizer. He is a one-woman-man kahit pa sabihing hindi siya seryoso sa babaeng kinakasama niya. And now is over! Nanlumo si Sandra na bumalik sa unit.

Kinabukasan nagtungo agad si Kent sa Masbate, ang bestfriend niyang si Geo ang sumalubong sa kanya sa Airport. Alam niyang magagalit ang Kuya Rain niya sa ginawa dahil hindi siya nagpaalam dito, bigla na lang siyang nag-AWOL sa kompanya.

He wanted to unwind from the stressful days na ginugol niya sa kompanya, napagtanto niyang nakaka-stress ang mamalagi sa kompanya, magtrabaho at pag-aralan ang mga bagay-bagay tungkol sa ikakaunlad ng kompanya.

And about Sandra? Maraming beses itong tumatawag sa kanya simula pa kagabi pero hindi niya sinasagot ang mga tawag nito.

"Welcome to Masbate Island bro, my hometown," proud na saad ni Geo sa kanya. Kent know that Masbate Province have three major Islands, at isa na ang Masbate Island kung saan siya dinala ngayon ni Geo. At ang Masbate Island ang pinakamalaking Island sa Masbate Province.

Sa isang Hotel sila tumuloy ni Geo, na pagmamay-ari ng pamilya nito. Ang ancestral home ng bestfriend niya ay nasa City pa, medyo malayo sa Island kapag doon sila nag-stay kaya mas pinili niya na lang sa Hotel.

Simple lang ang Hotel pero maganda ang ambiance. Sa kuwarto kung saan siya dinala ni Geo ay makikita ni Kent ang malawak at magandang beach kapag lumabas siya sa may terrace. Hindi mahilig sa beach si Kent pero ngayon niya na appreciate ang ganda ng beach at mga tanawin. Ang puting buhangin at kulay asul na dagat ay parang babaeng nakakaakit pagmasdan.

No wonder his brother Shawn was so smitten of his Paradise Beach Resort, na halos buong buhay nito ay ginugol na sa Resort.

"Nagustuhan mo ba, pare? Pasensya na hindi ganoon ka high class at kagandahan ang Hotel namin." Nahihiyang saad ni Geo, sinapak niya ito sa braso. Since College ay ito na ang lagi niyang kasama, sa mga kalokohan at galaan.

"Your Hotel is simple yet so elegant. Ang ganda ng ambiance. " Puri ni Kent sa Hotel. Malapit na rin kasi ang kaarawan nito kaya inimbitahan din siya rito sa Isla.

"Hindi na ako makapaghintay na libutin ang buong isla, alam ko madami pang mga karatig na beach dito." Sabi ni Kent na ang mga tingin ay nasa labas ng terrace. Sumilay ang ngiti ni Geo.

"Madaming mga beach dito, pare. I know you will enjoy while staying here, kahit wala ang sports car mo," natatawa nitong saad. "But you need to rest first, kung nagugutom ka ay may restaurant sa baba. And of course it's not for free." Pigil ang tawang dagdag ni Geo sa kaibigan.

"Damn you." Palatak ni Kent na tuluyan ng ikinatawa nito.

"I'm just kidding, bro. Of course, just tell your name, binilinan ko na ang mga staff dito na may VIP guest ako kaya free ka sa lahat."

Geo winked at him before he left. Napahikab si Kent saka napahiga sa malambot na kama. Kanina pa naka-off ang phone niya, sigurado siyang madami ng tawag ang Kuya Rain niya ngayon. Saka na niya haharapin ito pagkauwi niya sa Maynila. Mag-e-enjoy muna siya sa lugar na ito without his beloved sports car.

~•~

Thank you for all the support. Please don't forget to votes and comments.
Thank you so much ❤️

De Villa Series 5: Kent's Thief of Hearts [Completed]Where stories live. Discover now