Chapter 1

4.3K 99 4
                                    

"Are you done, Kuya?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Kent sa Kuya nitong si Rain.  Kasalukuyang nasa De Villa Industries siya ngayon, kaharap ang nakakatandang kapatid sa opisina nito.

Ang De Villa Industries ay family business nila na ngayon ay ang Kuya Rain na nila ang nagpapatakbo, bawat isa sa kanilang magkakapatid ay may shares sa company.
At heto nga siya ngayon in-o-obliga na siya ng Kuya niya na magtrabaho sa kompanya.

"Are you with me, Kent? " Naiiritang saad ni Rain sa nakakabatang kapatid nila, para na itong ligaw na hayop na hindi na nila maawat o mahagilap dahil kung saan-saan na lang sumusuot. Though he never missed to attend their family dinner or gatherings.

Gusto na ni Rain na pamahalaan ng kapatid ang isa sa Hotels nila at magtrabaho rito sa kompanya bilang isa sa mga executive officer niya. Nasa tamang edad na ito, noong una ay pinagbibigyan niya ang mga excuses nito at pati ka-pritso.
Pero ngayon nag-aaksaya na ito ng oras at panahon.

Tanging ito na lang ang inaasahan niyang katuwang sa family business nila dahil si Marco ay mas gustong manatili sa Hacienda De Villa, pero paminsan-minsan kapag may board meetings ay um-a-attend ito habang si Shawn naman ay may sariling pinamamahalaang Resort, buong buhay nito ay doon na yata iginugol ang atensyon at panahon.

Hanga rin naman si Rain kay Shawn dahil mas lalo pa nitong napalago ang sariling Resort, katulad sa paghanga niya kay Marco. Ganoon din siya ka-proud sa nag-iisa nilang kapatid na babae na si Georgia, kaso nga lang ay ang ikinahiligan nito ay ang photography.

Kahit nag-iisang babae ay hindi ito lumaking maluho at spoiled brat kabaliktaran naman sa bunsong kapatid nila.

Si Kent lagi ang nagbibigay ng sakit ng ulo niya.  Hindi niya alam kung ano na ang gagawin niya sa kapatid. Matanda na ang Mommy at Daddy nila para bigyan pa nito ng sakit sa ulo ang mga magulang.

"Kuya, i'm not yet ready and besides i'm still enjoying my life as a bachelor. Masyado pa akong bata para tumanda lang dahil sa kaka-trabaho–"
Hindi na natapos ni Kent ang sinasabi dahil pabagsak na inilapag ni Rain ang hawak na files sa desk nito.

"Don't give me that damn excuses, Kent! Ilang beses ko na iyang naririnig mula riyan sa bibig mo! I didn't offer you a marriage, i offer you a job. You can still be a bachelor for the rest of your life, the hell i care. All i want is you start working with me." Iritableng sagot ni Rain sa bunsong kapatid. Kent rolled his eyes to his brother's outburst.

Naisip niya na magmula ng ma-missing si Ate Adriana ang asawa ng Kuya Rain niya ay lagi ng mainitin ang ulo nito.

"How's my nephew and neice?" Tukoy ni Kent sa 5 years old na si Adelyn at 10 years old na si Kael para na rin maiba ang usapan pero mukhang alam yata ng Kuya niya ang gustong mangyari kaya mas lalong naningkit ang mga mata nito.

"They're fine and don't changed the topic Kent." Mariing sabi ni Rain na ang mga tingin ay hindi inaalis sa bunsong kapatid. Napasipol na lang si Kent pero nakahinga siya ng maluwang ng tumunog ang cellphone ni Rain kaya ang atensyon nito ay nabaling doon.

"Yes Mom?"

Narinig ni Kent na usal ng Kuya niya sa kabilang linya. He saw the sudden changed of his Kuya Rain's face, he was worried.

"Okay, we will be there. No need to call him, he's with me right now. Okay Mom, bye." Mabilis na pinatay ni Rain ang cellphone at agad na tumayo, napatayo na rin si Kent.

"What's wrong? May emergency ba?" Nag-aalalang tanong ni Kent kay Rain, bumuntonghininga si Rain bago nagsalita.

"George is in the Hospital." Sagot ni Rain sa kapatid at nauna ng lumabas sa office, kasunod nito si Kent.

"Ano raw ang nangyari Kuya? Bakit isinugod sa ospital si George?" Muling tanong ni Kent, halata sa boses nito ang pag-aalala.

"Malalaman natin iyan mamaya kaya bilisan na natin." Nakatiim-bagang na sagot ni Rain, kinakabahan siya baka kung ano na ang nangyari sa kapatid nila. Mabibilis ang ginawa nilang hakbang para makarating sa elevator pababa sa parking area.

"We will use my car." Si Kent, nauna na itong lumabas sa elevator nang bumukas ito.

"No, Kent. We will use my car." Mariing saad ni Rain, sa totoo lang takot siyang sumakay sa kotse nito dahil sa klase ng pagmamaneho ng bunsong kapatid, pakiramdam niya'y mapapadali ang buhay niya kapag ito ang kasama.

"Kuya, mas mapapabilis ang dating natin sa ospital kung ang sports car ko ang gagamitin." Pangangatwiran ni Kent, muling bumuntonghininga si Rain at hindi na ito nagprotesta pa, sumunod na lang siya rito sa nakaparada nitong kulay pulang Audi R8 Spyder.

And riding with his brother Kent was a suicide!

"Damn you!" Asik ni Rain nang makababa sa sports car ni Kent, nakakaloko ang tawang isinagot ni Kent sa pagmumura ni Rain. Napansin ni Kent na halos putlang-putla ang mukha ng Kuya niya kaya mas lalo siyang napatawa.

"Relax Kuya, kulang ka sa enjoyment sa life mo." Nakangising sabi ni Kent sa kapatid, katakot-takot na tingin ang ipinukol ni Rain dito, halos panawan siya ng ulirat nang makarating sila sa ospital dahil sa sobrang bilis magpatakbo ni Kent na halos paliparin na ang sports car nito.

Agad na silang pumasok sa ospital, una nilang nabungaran si Marco at Shawn na nasa labas ng Hospital room, may kasama ang mga ito, isang lalaki na tulad nila ay puno rin ng pag-aalala ang naka-rehistro sa guwapo nitong mukha.

"Marco, what happened?" Si Rain na puno ng awtoridad ang boses. Ipinaglipat-lipat nito ang tingin sa tatlo. Napa-buntonghininga si Marco, si Shawn naman ay nakasandal lang sa sementong pader at tahimik na nagmamasid sa kanila.

Napakunot pa ang noo ni Rain dahil nagtataka kung bakit nasa labas ang mga ito, magsasalita na sana siya nang biglang tumikhim ang lalaking kasama nina Marco at Shawn.

"Excuse me, Mr. De Villa. I am Trace Evan Hudson, Georgia's boyfriend."

Pagpapakilala nito kay Rain na ikinabagsak ng panga niya, atubiling  tinanggap niya ang nakalahad nitong kamay.

Ni minsan ay hindi niya narinig na nagkaroon ng boyfriend si Georgia. Napatingin siya kina Marco at Shawn, kapwa nagkibit-balikat ang dalawa. Siguro alam na ng mga ito since nauna ito sa kanila. Pagkatapos ay nagpakilala rin si Trace kay Kent.

"Care to tell us what happened?" Tanong ni Kent sa mga kapatid nito. Hanggang sa ipinaliwanag na ni Marco ang nangyari kay Georgia, nakunan ito dahil sa pagsugod nito kay Marga sa trabaho, nagpangbuno ang dalawa, and the rest was history. Nasa loob pa ang mga magulang nila kausap si Georgia.

Bumuntonghininga si Kent, sigurado siyang iiyak silang lahat dahil mukhang ikakasal na ang nag-iisa nilang kapatid na babae. Masinsinang magkausap sina Rain, Marco at Trace.

Samantalang naiwan naman sina Kent at Shawn na nakatayo sa isang tabi. Napatingin si Kent kay Shawn, kahit may pag-aalala sa mukha nito ay nakikita niya ang kakaibang aura nito ngayon.

"You look blooming." Sita ni Kent sa kapatid.

"Shut up, Kent. I'm not pregnant." Banat ni Shawn sa kanya na ikinatawa niya ng malakas tapos napatigil din ng mapalingon sina Rain sa gawi nila.

"Hmmm, i smell something. Are you in love?" Nakangising tanong ni Kent dito, ayaw naman itong sagutin ni Shawn dahil alam niyang nang-aasar lang ito.

"Baka mamalayan ko na lang na ikakasal ka na." Dagdag pa ni Kent dito. Nakita niya ang pagsilay ng makahulugang ngiti ni Shawn, napangiti na rin siya.

Makalipas ang ilang araw ay bumuhos ang luha sa pamilya De Villa, hindi dahil sa pamimighati kundi dahil ang nag-iisa nilang babae ay ikakasal na.

~•~

Thank you for the support.
Please votes and comments.
Thank you so much. ❤️

De Villa Series 5: Kent's Thief of Hearts [Completed]Where stories live. Discover now