Chapter 11

616 18 0
                                    

Sa paglipas ng mga araw, naisip ko na ang pagbalik ko sa Korea ay hindi magandang ideya. Simula ng bumalik ako hindi na natahimik parang naging celebrity ako bigla for someone who hate limelight this is really annoying, pero siguro natural na lang to kung ang madalas kong kasama ay mga idols lalo na at sa halos lahat ng pagkakataon magkasama kami ni Jennie.

Hindi ko alam kung paano nangyari, pero naging close ako sa Blackpink, minsan lumalabas kaming apat, minsan naman si Jisoo Unnie ang kasama ko o kaya si Rosé. Bukod sa kanila nakakasama namin minsan ang Red Velvet, may mga time na niyayaya ako nila Seulgi na lumabas pero hindi pumapayag si Jennie. Madalas ko ding kasama and Synx at Aces since inaayos ko ang mga comeback nila. Madalas kasama ko din si Bambam na childhood friend ko at isa sa mga nakakaalam ng totoong relasyon namin ni Jennie.

What drives me crazy is that Jennie is much more clingy than usual, halos lasi kaming magkasama, basta day off nila either lumalabas kami o nakatambay sya sa office ko, Umabot na kami sa point na marami ng nagshiship samin, at may ship name na rin kami. Natatawa na lang sa mga fans ni Jennie, but of course kung merong mga nagshiship samin may mga anti din.

Kasama ko si Bambam na kumain sa isang restaurant, isa to sa mga araw na busy si Jennie at ako naman ang walang ginagawa. Kaya nagkayayaan kami ni Bambam na kumain, papunta na kami sa parking lot para umuwi ng may mga babaeng humarang samin. Nagulat kami ni Bambam ng bigla na lang sinaboy sakin ng isa sa kanila yung hawak nyang juice. Lalapitan pa dapat ako ng isa sa kanila ng humarang na si Bambam sa harap ko at tinago ako sa likod nya.

"Anong ginagawa nyo?" tanong ni Bambam, maririnig ang inis sa boses nya.

"Layuan mo si Jennie!" sabi ng isa sa kanila.

"Tama! Sinisira mo yng career nya!" sabi naman ng isa.

"Hindi ka bagay sa kanya! At saka babae ka! Mandiri ka nga!" sabi naman nung babaeng nagtapon sakin ng tubig.

Umalis ako sa may likuran ni Bambam at hinarap sila. I smile at them.

"Parehas tayo ng iniisip. She is so wonderful at hindi talaga sya bagay sakin." I bow at them. "Please continue supporting her." yun lang ang sinabi ko at naglakad na ako papunta sa parking.

Naramdaman ko ang pagsunod sakin ni Bambam, bago ako makasakay sa kotse ko pinigilan nya ako.

"Lisa Unnie." nagaalalang tawga sakin ni Bambam.

I smile at him. "I am okay, don't worry Bam."

He sigh. "Bakit mo yun sinabi?" tanong nya sakin. "Bakit mo sinabi na hindi sya bagay sayo? She is-"

Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya. "Hindi naman talaga kami bagay."

"Hindi ganyan ang sagot mo nung mga bata pa tayo." sabi ni Bambam.

"A lot change Bam." I sadly smile. "Pero okay lang ako. You should go now Bam, may recording ka pa diba." pagtataboy ko sa kanya.

He sighed. "Bye Unnie. Ingat ka ha."

Habang nasa byahe ako pauwi bigla kong naalala yung sinabi ni Bambam.

Hindi ganyan ang sagot mo nung mga bata pa tayo.

Naalala ko yung araw na nagumpisang magbago yung pananaw ko sa relasyon namin ni Jennie.

***
"Bakit ba lagi kang nakadikit kay Jennie?" tanong sakin nang isa sa kaibigan ni Jennie.

Nandito ako sa school nila Jennie para sana sunduin sya, pero may ginagawa pa sya kaya hindi pa sya lumalabas ng classroom nya.

"Huh?" nagtataka ako sa tanong sakin ng kaibigan ni Jennie. Alam kong hindi nila ako gusto kaya hindi ko sila kinakausap.

"Sabi ko bakit ka laging nakadikit kay Jennie?" ulit nyang tanong.

"Masama ba? Papakasalan ko sya kaya natural lang yun." Sabi ko sa kanila.

"Ikaw papakasalan ni Jennie?" nagtawanan yung mga kaibigan ni Jennie ng sinabi ko.

"Magpapakasal sila." pag sang ayon sakin ni Bambam na kasama ko.

"Babae ka, imposible yun." sabi ng kaibigan ni Jennie.

"Ano naman? Jennie love me." I proudly said.

"Eww, sinabi ba nya yun?" sagot naman ng isa pang kaibigan ni Jennie.

Napasimangot ako sa tanong nya, because Jennie never said that. Magpapakasal kami, kaya dapat lang na mahal nya ako diba.

"Wala kang masabi diba?" nagtatawanan sila na umalis.

"Lisa Unnie, wag kang makinig sa kanila." sabi sakin ni Bambam.

"Tatanungin ko si Jennie." determinado kong sabi kay Bambam. Ngumit sya sakin.

"Sige,puntahan mo na sya, hihintayin kita dito." sabi ni Bambam.

Namamadali akong nagpunta sa room nila Jennie, pero nasa may pinto pa lang ako narinig ko na yung sigaw ni Jennie.

"Eww! Babae kaya sya! As if naman magkakagusto ako sa kanya!"

Bigla akong napatigil lalo na ng marinig ko ang pangalan ko.

"Lisa is like my little sister, I have to take care of her." sabi ni Jennie.

"Sabi ko na nga ba, I mean it's disgusting kung totoong papaksalan mo sya." narinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan nya.

***

I sigh. "Drop me at the CE." sabi ko sa driver ko.

Pumasok ako sa building ng CE, nararamdaman ko ang mga tingin ng tao sakin pero wala akong kahit sinong pinansin, buti na lang walang kahit sinong nagtangakang tawagin ako, Agad akong nagpunta sa Private studio ko, bumungad sakin ang isang malawak na studio, merong booth dun, waiting area, meron ding dalawang pinto yung isa sa pinto ay papunta sa dance studio ko at ang isa ay papunta sa music room. Dumiretso ako sa music room at agad umupo ako sa harap ng piano.

I just randomly play some tunes not really know where it is going.

"Baka magkasakit ka nyan."

Napatingin ako sa pinangalingan ng boses at nakita ko sa pinto si Hyun Oppa. May kinuha syang towel sa cabinet at lumapit sya sakin.

"Anong nangyari? Bakit basa yang damit mo?" tanong nya, binigay nya yung towel sakin.

Tinangap ko yung towel, nawala sa isip ko na basa nga pala ang buhok at damit ko. Kaya siguro pinagtitinginan ako kanina sa lobby.

"Paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko.

"You are understimating how important you are in this company. I told the reception and the security to let me know pag pumunta ka dito. Since wala kang schedule tapos bigla kang nagpunta dito naisip ko na baka may problema." paliwanag nya. "So what happen?"

"Ah, may nakasalubong akong mga fans ni Jennie." sabi ko.

"They did that to you?! What the hell!" Sabi bigla ni Hyun Oppa.

I chuckle. "It's okay."

"Kung okay lang wala ka dapat dito." naka simangot na sabi nya sakin.

"Hindi naman dahil sa nangyari kaya ako nandito." totong hindi dahil sa nangyari kaya ako nandito. Ayos lang sakin yun, naiintindihan ko ang sinabi nila at tama sila.

"What happen Lisa? Bakit ang lungkot mo?" tanong nya sakin.

"Oppa. Bakit ba may mga bagay na gustong gusto nating makuha pero hindi pwede?" balik tanong ko sa kanya.

Tinignan nya akong mabuti tapos bigla syang ngumiti. "Baka naman kasi akala mo lang di mo makukuha."

I chuckle. "Sinubukan ko dating tanungin sya." I sadly smile. "I end up composing my first ever song."

He knows exactly what song I am referring to, after all umiyak sya ng unang beses nyang marinig yung kanta.

"You know Lisa, sometimes we have to give a try. Minsan kasi akala natin alam na natin yung mangyayari, pero hindi pa pala, iba pala ang kakalabasan." He pat my head. "Lisa, kung gusto mo mag move on kailangan mo magconfess, gusto mo syang maging masaya but you also deserve to be happy."

Yours To ClaimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon