Chapter 1

4 1 0
                                        

Dedicated to k_chichoo

PROLOGUE

" KALI!!!!!!!!!" Malakas na sigaw ang dumagundong sa buong mansyon ng mga Romualdez.

"Arghhh, walanghiya" napahawak ako sa likod ko ng dahil sa sakit ng mahulog ako dahil sa gulat ng kung sino man ang sumigaw na iyon. "Ang sakit ng pwet ko" pagrereklamo ko pa habang tumatayo na sa pagkakahulog sa kama habang himas himas ang pwet ko na napuruhan din sa pagbagsak ko.

""Kaliiiiiiiiiii, gising na pasok na tayo sa school" sigaw na naman ng walang hiyang lalaking nahimigan ko na kung sino.

"Ito na , ito na. Bwesit ka, bakit ka ba kasi nandito" naiinis kong tugon sa kanya at tumungo sa cr ko para maligo. Bwesit, nauna pa ang malakas na sigaw niya sa alarm clock ko. Bakit ba kasi ang aga niyang mambulabog.

Naligo na agad ako at nagbihis ng uniform. Nang bumaba na ako para mag almusal ay nakita ko ang demonyong sumigaw kanina na nakaupo sa pwesto ko habang kumakain. "Ang kapal talaga nang mukha ng lalaking to" mahina kong tugon.

"Good morning Kali" aniya na may malapad na ngiti sa labi.

"Walang good sa morning Arren, lalo pa at ikaw ang una kong makikita. Parang wala kang bahay ah" ako na tinaasan siya nang kilay. Ganito ko talaga siya tarayan. Magkapitbahay lang kami, kaya nga kami naging mag best friend eh.

"Ayy, ganon. Tita ohhhh, yung anak niyo pinapaalis na ako" aniya kaya napakunot ang noo ko. Pinapaalis? Lah!, Walanghiya. Di naman ah. Bwesit makapagsumbong to ah. Close na close din kasi sila ni mommy, ni kuya at ni daddy kaya ganyan siya umakto. Close din naman ako sa mga magulang niya kaso masyadong busy sila tita eh, kaya dito yan tumatambay, nakikikain. Kapalmuks.

"Kaliyah Eunice Romualdez, bakit mo ginaganyan ang kaibigan mo" si mommy na kakalabas lang nang kusina. Bwesit talaga ang lalaking to. Nakita ko naman yung bwesit na binilatan ako.

"Grey Arren Guevara, humanda ka sa akin mamaya" bulong ko sa kanya nang papaupo na ako sa tabi niya. Nakita ko naman na nawala ang ngisi niya at napalunok pa. Takot sa akin to eh, matigas lang yan kapag nandiyan si mommy.

Kumain na kami ng agahan at pagkatapos ay nagpaalam na kami ni Arren para pumunta na sa school.

As usual nandito ako ngayon sa classroom nakikipag chikahan sa iba ko pang kaibigang babae habang yung mokong na nasa tabi ko ito pinaglalaruan na naman ang buhok ko. Bwesit na to.

"Ano ba, Arren. Tigilan mo nga yang buhok ko" sita ko rito.

"Kali, bakit ba ang sungit sungit mo ngayon?, Meron ka noh?" Aniya na nakanguso. Ayyy akala mo naman cute. Mukha siyang pato.

"Huwag ka ngang ngumuso para kang pato," saad ko at inirapan siya. Galit pa ako sa kanya kasi nambulabog siya kaninang umaga.

"Argh, sorry na kasi. Sabi kasi ni tita tulog ka pa eh, kaya ayon ginising na kita" nakanguso pa ring saad niya.

"Ginising, pwede mo namang dahan dahanin paggising mo sa akin eh, hindi yung para kang nakalunok ng megaphone sa lakas nang boses mo, nahulog tuloy ako sa kama, bwesit ka" litanya ko at inirapan siya.

Nakita ko ang pag ngiti niya kaya natigilan ako. Napapailing na lamang ako, bakit ganon? Gumwapo ata siya ahh. Aysstt. Lalaki na naman ulo niyan.

"Ang cute , cute mo talaga Kali, sorry na kasi. Promise di na mauulit yun." Aniya na parang bata kung magsalita habang pinipisil ang pisngi ko. Argh ito na naman siya. Kapag gusto niyang makipag bati sa akin, nagiging childish siya masyado.

Crazy In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon