Chapter 2

1 1 0
                                    

Kaliyah POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang naglalaro nang games sa phone ko, it's sunday at kakatapos lang namin magsimba buong pamilya.
Habit na kasi naming magsimba tuwing linggo.

Kasama rin namin si Arren sa simbahan kanina. Wala naman masyadong nangyari sa nakalipas na araw, as usual nakakatamad pa rin mag aral hahaha joke lang, any way ayon ang mukong nasa baba nanghihingi na naman ng cookies kay mommy.

"Sh*t, sh*t, sh*t, argh, muntik na ko don ahhh" ako. Walanghiya namang mga kalaban to oh, backstabber. Hmp.

Busy ako sa paglalaro ko nang may umupo sa likuran ko at sinabayan akong maglaro. So ang pwesto namin ngayon ay, parang nakaback hug si Arren sa akin.

"Oh, ito, ito patay na" aniya pa. Ako yung naglalaro eh. Wengya, tatayo na sana ako dahil siya na naman ang may hawak nang phone ko nang pinigilan niya ko.

"No, dito ka lang. Alam mo namang di ako nanalo dito kapag wala ka" aniya at pinatong sa balikat ko ang baba niya. Tsk, ganyan talaga siya. Bumilis naman ang tibok nang puso ko. Sh*t anong nangyayari?

"Oo na, ayan ayan, patayin mo" ako habang nakaturo sa mga kalabang gustong pumatay sa amin.

Ganon lang ang naging posisyon namin, sinusubuan ko siya nang cookies na dala niya kanina.

"Ahhhh" aniya habang nakanganga. Tsk, magpapasubo na naman. Sinubo ko sa kanya ang kalahati ng cookie at ako ang kumain sa isa pang kalahati.

"Argh, huwag mo ngang kagatin ang kamay ko" pagrereklamo ko. Nangangagat eh.

*Chuckles* " ang lambot kasi nang kamay mo, sarap kagatin" siya. Bw*sit dapat masanay na ako sa mga ganito niya eh. Bigla na namang bumilis ang tibok nang puso ko. Eh? Anong nangyayari sa akin?.

"Hmp, ikaw kaya kagatin ko, dika masasaktan?" Ako.

"Ako?, Kakagatin mo?, Sige ba" na may malademonyong ngiti sa labi. Ano na namang iniisip nito? Argh, na ge-green na naman to. Bw*sit.

"YES, panalo" aniya pa at nakayakap sa akin. Bigla naman uminit pisngi ko. What's happening to me?. Argh. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at umayos na nang upo.

"Oii, bakit ang pula mo?" Aniya na may pagtataka. Sabi ko na nga ba eh, namumula ako. Argh.

"Wala to, mainit lang" palusot ko.

"Ahh" siya at tumango tango.

Umayos ako nang upo at sa tabi at kinuha ang bowl nang cookies sa side table ko at nag simula nang kumain nang humiga siya sa lap ko. Argh ayan na naman siya.

Pinaglalaruan ko lang ang buhok niya, habang siya nag ce-cellphone na naman. Ganyan siya sa palagi sa akin. At iwan ko kung bakit masaya ako tuwing naggaganyan siya sa akin, kasi sa akin lang siya ganon.

"Kali, may transferee daw" aniya habang nakahiga pa rin sa lap ko. Kitang kita ko ang matangos niyang ilong, magagandang itim na mata, mapupulang labi-

"Hoy, nakikinig ka ba?" Aniya na bumangon na at nakatingin sa akin na nagtataka. Eh?

"May sinasabi ka?" Ako. What the.... Wahhhh huhu, bakit ko ba siya kasi dinescribe.

"Hmp, sabi ko may transferee daw" aniya at inirapan ako. Lah hahahha umirap siya.

"Ahh, eh ano naman ngayon?" Ako at sumubo ng cookies. Ngumanga naman siya kaya sinubuan ko na lang din siya.

"Wala, sabi ko lang" aniya at bumalik na naman sa paghiga sa lap ko.

Bakit parang iba yung nararamdaman ko sa transferee na sinasabi niya? Hayss, ganon lang ang naging posisyon namin nang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si mommy.

"Halina kayo, may ginawa akong cake" ani mommy na ngiting ngiti.

Bumangon naman si Arren at agad sumunod kay mommy na lumabas na pala. Bitbit ko ang bowl nang cookies habang naglalakad ako pababa.

Naabutan ko sila don, nagkukulitan kaya napangiti na lang ako.

Si kuya na may icing na sa buhok, si daddy rin na may icing na rin sa mukha at buhok. Nakisali na rin sa kanila sila mommy at Arren.

Bigla na lamang silang lumingon sa pwesto ko kaya nanlaki ang mata ko dahil mukhang may masamang plano.

"No, no, no, ,no, huwag niyo ko idamay diyan" ako habang paatras na nang paatras. Ngumisi lang sila sa sinabi ko. Bw*sit.

"Wahhhhhhhhhh" sigaw ko habang tumatakbo dahil sa paghabol nila sa akin.

"Huli ka" Arren habang nakayakap sa bewang ko. Sh*t walang hiya.

"Kuya Gab, nadakip ko na siya" Arren.

"Argh, bitawan mo ko" pagpupumiglas ko. Pero.....

What the.... Wahhh ang lagkit. Pinagtutulungan na nila akong lagyan ng icing sa mukha, nadamay pa ang buhok ko. Wahhhh ang hirap tanggalin nito.

Tawanan, takbuhan at kulitan. Yan ang ginawa namin. Tawa lang kami nang tawa sa mukha nang isa't isa.

Natapos kaming magkulitan nang napagdesisyonan naming mag ayos na dahil sobrang dungis na namin.

Naligo na ako at tumagal ako nang isang oras sa banyo dahil sa icing na ang hirap tanggalin.

Nang matapos akong maligo ay humarap ako sa vanity mirror nang cr ko.

Hayss, nakakamiss siya. Ganito rin kami noon, masayang naglalaro. Bakit ka ba kasi umalis? Miss na miss ka na namin. Napabuntong hininga na lamang ako sa naiisip ko. It's been a decade simula nang umalis ka nang walang paalam.

Ano na kaya ang nangyari sayo?

Napailing iling na lamang ako sa mga naiisip ko.

____________________________

^_^

Crazy In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon