Chapter 3

1 1 0
                                        

Kaliyah POV

Phew, buti nalang nakaabot pa kami sa first subject. Sakto ring wala pa ang teacher namin. Hingal na hingal akong umupo sa upuan ko. Hinahabol ko pa ang hininga ko nang nag abot sa akin ng tubig si Arren. Tinanggap ko naman kaagad ito at ininom nang binawi niya ito at uminom din. Eh?

Tiningnan ko siya pero umiwas lang siya nang tingin.

"Awieeeee, para talaga kayong mag jowa" sabi ni Trevor. Siya yung nakaupo sa harapan ko. Eh? Magjowa agad?

"Tsk" sabay naming react ni Arren. Di na namin pinansin ang pagiging malisyoso at malisyosa nila.

Kinuha ko ang bimpo ko sa bag at tinuyo ko ang pawis ko sa noo at leeg.

" Kali "  Arren habang nilalahad sa akin ang isang panyo. Alam ko na to. Hayst parang bata. Kinuha ko ang panyo.

"Talikod" utos ko sa kanya, sinunod naman niya kaagad ang sinabi ko at tinuyo ko na yung pawis niya sa likod.

"Thank you" aniya pagkatapos kong punasan siya. Tumango lang ako at umupo.

Ilang sandali lang ay dumating na ang teacher namin ngayong umaga kaya napaayos kami nang upo.

"Good morning class" bati ni miss. Cas sa amin habang nakangiti. Maganda siya at dalaga pa. Mga nasa mid 20s pa ata edad niya.

"Good morning miss" kami, kasi ayaw niya patawag nang ma'am. Miss lang daw sabi niya. Iwan ko ba sa kanya hehe peace.

"Class, before we start our lesson let us welcome your new classmate, she's from states. A transferee student, so be good to her. Come in ija, introduce yourself" ani miss kaya lahat nang mata namin ay napunta sa direksiyon sa may pinto.

0_0 nanlalaki ang matang nakatingin ako sa babaeng pumasok sa room. Ang ganda na niya, may katangkaran din. Diko nakakalimutan ang mukhang yan. Sh*t.

Nang makabawi ako sa gulat ay tumingin kaagad ako kay Arren. Gulat na gulat din siya sa nakita niya.

"Hi everyone, ahm, Akhira is the name. Akhira Kate Garcia" aniya na nakapag pabalik nang atensyon ko sa kanya. Siya na ba talaga yan? Akhi?

Nagulantang ako nang padabog na tumayo si Arren sa upuan niya at diri-diretsong umalis sa room.

Panay tawag sa kanya ni miss pero parang wala siyang narinig. Nakita ko naman si Akhi na nakatingin sa pintuan kung saan dumaan si Arren.

"Miss, may I go out?" Ako, kailangan kong puntahan si Arren.

"Okay, sige" miss. Nakita ko naman si Akhi na tumingin sa akin pero mabilis kong iniwas ang paningin ko at nagmamadaling lumabas.

Argh, Akhi. She's Akhi na best friend namin ni Arren na umalis 10 years ago na walang paalam sa amin. Alam kong nasasaktan si Arren ngayon kasi sila yung pinaka close noon, ni ayaw maghiwalay kapag nagkasama na, at crush ni Arren si Akhi noon pa. Argh

Dumiretso agad ako sa likod nang school dahil alam kong nandon siya.

Di nga ako nagkamali dahil nandoon nga siya, nakaupo sa damuhan habang nakayuko.

Lumapit na ako kaagad sa kanya at niyakap siya.

" Kali" sambit niya. Nasasaktan pa rin talaga siya.

"Arren, I'm here okay?" Ako habang tinatap ang likod niya. Tumango tango lang siya.

Ilang minuto lang kaming ganon hanggang naging okay na siya.

"Thank you Kali" aniya. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango tango.

"Arren, pano na yan? Palagi na natin siyang makikita. Okay lang ba sayo yun?" Tanong ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin at ngumiti kaya kitang kita ang isang dimple niya sa kanang pisngi niya.

"Okay lang, nandito ka naman eh. Tsaka nabigla lang naman talaga ako kanina eh" siya. "Tsaka namiss ko siya, 10 years din eh" aniya.

"Hmm. 10 years. Mas lalo siyang gumanda. Miss na miss ko na rin siya. Hays, diko alam kung paano ko siya pakitunguan ngayon," ako.

"Oo nga eh, miss ko rin siya pero pano yung pag iwan niya sa atin? Balewala na lang ba yun?" aniya.

"Oo nga eh, bahala na" ako.

"Bahala na, tara na nga, sa next subject nalang tayo pumasok" siya habang hinihila ako patayo.

"Sige, tara." ako at nagpahila sa kanya.

Papansinin ba namin siya na parang wala lang ang nangyari noon o tatratuhin lang namin siyang parang estranghero? Ang hirap magdesisyon.

Ang sakit naman kasi nang ginawa niya. Sana man lang nagpaalam siya diba? Simula pagkabata kami na ang magkakasama tapos iniwan niya lang kami basta basta. Ang unfair lang.

We promise to each other na walang iwanan, pero she broke that promise. Di man lang namin alam kong bakit siya umalis. Kung bakit niya kami iniwan.

Hindi rin kasi sinabi nang mga magulang namin ni Arren kung bakit sila umalis nang pamilya niya.

Okay lang naman yung umalis siya eh, basta mag paalam lang siya, hindi yung nang iiwan nalang basta basta ang masakit pa nang dahil don muntik nang masira ang pagkakaibigan namin ni Arren.

________________________

^_^

Crazy In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon