Foreword

94 3 0
                                    

Grade 11. Humss. May project kami sa subject naming Creative Writing, at dal'wa ang pwede kong pagpilian gawin: Gumawa ng Play o gumawa ng Literary Folio.

Sa totoo lang, ang una kong pinili ay play hahaha. Bakit? Kasi pisti, gusto ko talaga no'n um-acting saka bida-bida ako, medyo. Aba naman, sa mga skit lang ako nakakapag-act ta's ang role ko pa eskandalosang bata o matanda lagi na sigaw nang sigaw. 'Pag pangmalakasan na kasi, its either nagii-scriptwrite ako o naggawa ng props. Masaya naman, pero madali kasi ako maumay 'pag paulit-ulit na lang. In short, gusto ko ng thrill. Hehe.

Pero ewan ko ba, no'ng halos lahat sa mga kaklase ko pinili ang play, napaisip na 'ko. Isa lang no'n ang original na pumili mag-Folio sa 'min. Tropapips ko na magaling naman um-acting ta's kasama ko sa Campus Journ, at ayon, hanggang sa napasama isa pa namin friend na Campus Journ din. So dal'wa na sila. At 'yong tinamaan ng magaling naming frenny na president ng room na inaasahang mag-direk kasi passion niya paggawa ng film or play, aba nag-Folio rin. At oo, campus Journ din siya, at sa 'ming aapat na Campus Journalist, ako na lang ang naiiwan sa Play.

Ending, nagsama-sama kaming apat. Walang titibag kuno.

Nag-away sa room. Wala raw magli-lead kung magpe-play sila, pero ayaw naman nila mag-Folio kasi hindi raw lahat marunong magsulat .#TeamFolioVs.TeamPlay

At kahit muntk na magkawatak-watak, haha, nanindigan kami. Char, ang deep masyado tunog matino ako, ew.

Nag-Folio kami kahit aapat noong una hanggang sa nadagdagan kami umabot ng sampo yata gano'n. Sumama sa 'min mga nahihiya um-acting at kahit kakaunti kami, masaya naman.

Overnight sa apartment. Kunwari gagawa pero makakatulog o kaya mag-m-ML.

Mag-aaway kasi may entry na gusto ilagay pero ayaw ng iba.

May tamang tawa lang ang ambag, char hahaha. 'Di naman ako galit. Grrr.

May naging mag-jowa pa ng wala sa oras yiee, pero nag-break din. #GinamitLangParaSaFolio #Pain

Mag-aaway kasi gahol na sa oras. Nagkapalitan na ng responsibilities. (Sorry naman, 'di talaga 'ko marunong mag-layout ng mga panahong 'yon ta's ang sabaw ko pa, ebarg.)

Pero happy ending naman, nakatapos din kahit papaano.

So bakit ko sinasabi mga 'to?

Wala lang. Nakita ko kasi memories ko sa Facebook ta's nakalagay ro'n ginawa naming Folio. Edi syempre, nakaka-miss, hindi naman ako pusong bato. No'ng mga panahong 'yon kasi, do'n na 'ko nagseryoso sa pagsusulat kahit 'di naman talaga ako seryosong tao, awit.

At dahil nami-miss ko na talaga 'yong feels no'ng mga panahong 'yon, naisipan kong ituloy na lang nasimulan namin. Hehe. Sayang naman kasi kung teacher lang namin makakaita, e may Wattpad naman ako so push.

So ayon na nga. . .

Punta sa create a new story. Nag-publish.

O

M

S

I

M

.

OmsimWhere stories live. Discover now