Chapter 3

13 1 0
                                    

Great is your love,
Oh God in Me
Great is your love,
Oh God in Me
And I pray that all the world will see and know and sing your name alone 🎶🎵

(One of my favorite too, play the song on the header. Happy reading everyone)

Shan's POV

Two weeks pagkatapos ng camp, dalawang linggo na din akong nagpapahangin at nagpahinga dito sa transient house namin sa Pangasinan. Maraming nagbago sa dalawang linggo, bumalik ako dito para maalala ang nangyari dalawang taon na ang nakakalipas. Dalawang taon na pinagtaguan ko, simula ng pagkatapos ng camp nagpaalam na agad ako kay Kuya Shen na uuwi dito sa Lingayen.

"Ija, kailan ka pa dumating?"

"Nung isang linggo pa po nanay, itatanong ko lang po sana kung saang cemetery nandun ang puntod ni Leo."

"Umupo ka muna Ija, anong gusto mo? Juice, kape or tsaa?"

Pinagmasdan ko ang bahay, dalawang taon na akong hindi nakakapunta dito simula ng mabalitaan kong namatay si Leo sa aksidente. Tanging pictures na lang ang tinitingnan ko ng mga panahon na wala na siyang buhay dahil hindi ko kayang makita siya ng personal. Sana grinab ko na yung opportunity na yun para magpaalam sa kanya at para sabihin na tutuparin ko yung pangako ko sa kanya.

"Hindi na po nanay, aalis na din naman po ako. Gusto ko lang po sanang bisitahin si Leo."

"Hintay lamang apo ah at tatawagin ko lang ang iyong Tiyo Berson."

Si nanay Lucila, ang lola ni Leo. Ang nagalaga sa amin noong bata pa kami hanggang sa mawala si Leo. Simula grade 2 ay magkaibigan na kami ni Leo, kilalang kilala na namin ang isa't-isa, magkabarkada kasi ng hayskul ang mga magulang namin.

"Berson, samahan mo naman si Shan sa may dalampasigan."

"Sige ho nanay, tara na Shannea"

Nagtataka akong sumunod kay Tito Bert, dito lang ba nakalibing si Leo?

"Shan, dito sinaboy ang ilang abo ni Leo. Dito lang din namin siya binibisita ni Nanay kapag naalala namin siya o kapag gusto namin siyang kamustahin."

"Nasaan po ang ilan sa abo ni Leo?"

"Nasa states na, pagkatapos ng burol at crimation process inilipad na kasama nina Ate ang abo ni Leo. Gusto daw nilang isama sa pagbabalik nila ng America, tulad ng pangako sa kanila ni Leo bago mangyari ang aksidente. Maiwan na muna kita dito Shan, magaasikaso pa ako sa mga guest na dadating maya maya."

Nakatulala lang ako sa dagat at pinagmamasdan ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Wala ako noong mga panahon na iyon, ngayon ko lang nalaman na inilipad din pala ang abo ni Leo pa-america.

"Shan, aalis lang ako ng saglit. Pangako ko sayo babalik ako, babalikan kita."

"LEO! SANA NARIRINIG MO AKO. SORRY AH! DI AKO LUMABAN NAGING MAHINA AKO NUNG NAWALA KA, NAGING DUWAG AKO AT NAGTAGO AKO SA NAKARAAN. NA DAPAT HINARAP KO NATAKOT AKO NA BAKA DI KA NA BUMALIK."

At muling tumulo ang luha ko. Nanginginig ako habang sumisigaw.

"LEO! PANGAKO KO SAYO NA GAGAWIN KO YUNG DI NATIN NATUPAD. MAGIGING SUCCESFUL AKO AT MAGIGING MAAYOS ANG LAHAT."

DESTINED BROKEN PIECESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon