CHAPTER: 3

4 4 0
                                    


Nagising ulit ako at ginawa ang mga nakasanayan kong gawin ngunit Ang kaibihan lang ngayon ay nagtungo ako sa isang beach resort na lagi kong pinupuntan hindi para panoorin ang pag silay ng araw kundi para panoorin ang hampas ng mga alon sa dagat.

"Woi, nandito kana naman? Ang aga aga ah," kinulbit pa niya ako dahil tulala lang ako sa payapang dagat.

"Dito ka ba ngayon nagtratrabaho, Margarette?" Tuluyan ko siyang hinarap, maganda naman siya, mas matangkad siya sa'kin, matalino, maputi, matangos ang ilong, may mahabang pilik mata, ngunit hindi ko tinignan ang kaniyang mata dahil kapag napatulala ka dito ay parang kang nalulunod.

"Kasama ko 'yong sugar daddy ko," tumawa pa siya ngunit ramdam mo 'yong lungkot sa pagtawa niya. Totoo na kung kani kanino siya sumasama, hindi para magpakasarap sa buhay kundi para mapa aral ang sarili niya at matulungan ang pamilya niya. But her family keep on calling her p*kpok, whore, hostes at kung ano ano pang tawag without even thinking 'yong paghihirap na ginawa niya.

"Kakadirihan mo rin ako?" May bahid ng lungkot ang kaniyang tanong, ngunit tinawanan ko lang siya.

Schoolmate dapat kami ngayon pero hindi siya nag aral sa dream University na gusto niyang pasukan at sabi niya sa'kin ako nalang daw mag aral do'n at feeling niya para na rin daw siyang nag aral do'n.

"Ano kayo na ba ni Evo? Niligawan kana ba niya? Dapat mag celebrate tayo!" Masayang sabi niya. Alam niyang gusto ko si Evo pero alam din niyang malabong maging kami.

"May klase pa ako eh. I have to go. Catch up nalang soon, I love you beb. Take care." Naglakad ako papalayo sakaniya at tinanaw siya mula sa malayo, I wish someday someone will love and accept her too.

"Oh ngini ngiti mo diyan?" Bungad kong tanong kay Calvin pagpasok ko sa classroom namin, pero ang gago agad na tinago 'yong cellphone niya.

"Sinagot ka na siguro no'ng nililigawan mo 'no? I'm happy for you," tumango lang siya at ngumiti. Nakilala raw niya 'yong babae noong may pinuntahan silang party at nagkagustuhan daw kaya ayon. Pumapag ibig talaga ang Calvin na 'yan. Sana ol!

"Oh ayan na pala, dapat ilibre mo ako mamaya. Dami mo nang utang sa'kin." Inabot ko 'yong sinagutan ko sa isang subject namin dahil wala na naman itong assignment. Kawawa naman. Inabot niya naman ito at nag thumbs up sa'kin hudyat na ililibre talaga niya ako.

Dumaan ulit si Evo dito sa classroom ko para ihatid 'yong pagkain na ginawa niya. Kaya libre ako palagi ang lunch dahil hinahatiran ako ng pagkain ni Evo.

"Hoy Aphrodite pinapapunta pala tayo ni ma'am Gali sa office niya, mukhang may iuutos ata ang tanda," humagikgik pa siya kaya sinaway ko. Naglakad kami palabas ng room ni Marian at nagtungo sa office ni Ma'am Gali, isang matanda at dalagang profesora na.

"Wala kayong klase ngayon sa klase ko, dahil may meeting ako." Wika niya at pinaalis na kami sa office niya. Puro ngawa nang ngawa naman itong si Marian na kisyo nakakabwesit na teacher 'yon puro walang natututunan 'di nalang mag saya dahil walang pasok.

"Oo nga inabutan na naman ako ni Evo ng pagkain kanina, dumayo pa siya sa classroom ah para lang talaga abutan ako ng pagkain," hindi pa kami nakakarating sa room namin ay may narinig akong nag uusap sa hagdan, si Dalvina, pinsan ko, isa sa paborito ng Lola ko.

Pagkatapat namin sa pwesto nila ay nagulat siya dahil nakita niya ako at narinig ang sinasabi niya. Napatingin ako sa hawak niyang tupperware na kagaya ng akin ang kulay kaya't alam kong kay Evo talaga ito galing, hindi siya nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo

"Ate Aphrodite," alanganin niya akong tinawag, at parang anghel ang kaniyang boses kaya't tumingin rin ako sakaniya at tinaasan siya ng kilay, feeling close ang gaga.

Hindi pa man kami nakakalayo ay nakasalubong ko si Evo, he was holding a bottled of water. I know that this scene will break me into pieces again. But I didn't let them to see me broken. I walk passed them, hindi ko rin nakitang hinabol ako ni Evo. Hindi niya ako hinabol, hindi siya nag paliwanag that made me broke more. That I am just nothing but only his friend. Kailan ba ako matatauhan sa katotohanang kapatid lang ang turing niya sa'kin at wala nang iba.

Pag pasok ko sa room namin ay nakita kong pinagpapasa pasahan nila 'yong notebook ko upang kumopya ng sagot, hindi ko sila sinaway at hinayaan lang sila, dahil wala akong gana. Wala akong ganang magalit kahit ang totoo gusto kong magwala.

"Balita ko sumisilay raw diyan sa kabilang department 'yang si Elliot Vondrick Delos Santos, hoy Calvin sinong sinisilayan niya do'n?" Agad namang nanlaki ang mata ni Calvin sa mga sinabi nila at kagaya ng marami ay nagulat din siya. Dahil Sino bang mag aakala na 'yong Evo na parang inlove sa'kin ay may ibang sinisilayan na babae.

"Hoy bobo bakit mo sa'kin tinatanong? Kapatid ko ba 'yon? Dugyot ka talaga!" Sigaw pa nitong Calvin na 'to kaya't tinaasan siya ng kilay ni Anji.


"Pinsan mo 'yon ungas tapos 'di mo alam kung sinong sinisilayan do'n?" Paulit ulit lang silang nagbabatuhan ng mga salita ngunit di ko na narinig ang iba nilang sinabi dahil nabingi ako sa katotohanang, I am not special just like what everyone say. Inakala ko lang na sa'kin niya lang ginagawa 'yon ngunit ang totoo sa iba rin.

Napatigil ako bigla sa pag iisip dahil biglang may dumapong notebook sa mukha ko kaya't tinignan ko ng masama itong si Calvin.

"Lutang kana naman! Sino bang sinisilayan no'ng Evo na 'yon diyan sa kabilang department?" Seryosong tanong niya sa'kin,"Si Dalvina," nagulat naman siya at tinanong kung 'yong pinsan ko ba 'yon.


"Lupet naman dadagit ng mag pinsan." Inilapag ko sa armchair ni Cal 'yong tupperware na pinaglagyan ni Evo ng pagkain.

"Pake balik nalang sakaniya at pakisabi na huwag na niya ulit akong dadalhan ng pagkain," ngumuso naman siya at tumango.

Hinatid ni Calvin 'yong pagkain sa classroom ni Evo kaya't naiwan ulit akong mag isa dahil siya lang naman 'yong katabi ko.

"Hoy babae, huwag kang papatalo. Palitan mo rin 'yon ang kapal ng mukha may pahatid hatid pa ng pagkain tapos may hinahatirin din palang iba?!" Nagpatuloy pa itong si Marian sa kadada tungkol sa kung paano ko papalitan si Evo sa buhay ko kaya puro tango nalang ang sinasagot ko.

"Ginugulo mo na naman si Leil ah! Nilalason mo 'yong utak niya, umalis ka diyan baka masipa kita palabas ng classroom na ito," Ito namang si Marian nagmatigas pa at hindi umalis.

"Tigil tigilan mo ako sa kadaldalan mo Delos Santos baka ikaw sipain ko diyan eh, uy basta mamaya ah do'n sa ano maraming lalaki do'n sama ka ha?" at padabog na tumayo sa upuan ni Calvin at pinagsingkitan ng mata.

Hindi na ako nagtanong kung anong sinabi ni Evo dahil baka masaktan na naman ako at 'di ko na kayanin. Mahirap magkunwaring malakas kahit ang totoo nakakadurog talaga. Bakit naman kay Dalv pa.

The Lost Beauty of Sun (Isla Iñigo Series #1)Where stories live. Discover now