Habang nagkaklase ay panay sulyap sa'kin si Calvin na parang may gustong sabihin ngunit ayaw niya ring sabihin, ah basta magulo."Oh bakit? Kanina ka pa tingin nang tingin sa'kin? Alam mo kung wala ka lang girlfriend iisipin ko na talagang crush mo ako! Grabe ka Calvin di tayo talo ha! Naku! Tigilan mo 'yan." Itong Calvin na 'to slow din minsan dahil tinitigan niya lang ako at biglang tumawa ng mahina.
"Naka drugs ka? Sira ulo ka, bakit kita magugustuhan? Eh di ka naman maganda! Kaibigan lang tayo, tol!" Ginulo niya ang buhok ko at umiling iling.
"Di talaga kita type, at di kita magugustuhan," nag thumbs up nalang ako bilang sagot dahil mukha seryoso talaga siya sa sinabi niya dahil kung nagbibiro siya tatawa siya, pero hindi eh seryoso talaga siya. Umalis siya sa inuupuan niya at lumipat sa mga kaibigan niya.
"Mamaya libre mo ako!" Sigaw ko kaya't nilongon niya ako at tinaasan ng kilay?
"Ha? Akala ko ba may pupuntahan kayo ni Marian? Diba pupunta kayo do'n sa maraming lalaki na sinasabi niya?" Kunot noong tanong niya.
"Hindi, kailangan ko kasing umuwi ng maaga mamaya, may family dinner tayo diba?" Kunot noong tanong ko rin sakaniya.
"Sina Evo lang siguro, di ko alam eh. Di naman sila nag sasabi sa'kin. Basta mamaya libre nalang kita, huwag kanang malungkot." Nginitian niya ako at kinurot ang pisngi. Naaawa ako sakaniya, he doesn't deserve this.
Pagsapit ng uwian ay agad na kinuha ni Calvin 'yong bag ko dahil siya naman lagi nagdadala nito tuwing uwian kapag wala siyang gagawin o pupuntahan, hinahatid niya ako hanggang sa sasakyan ko at pinapanood niya ako hanggang makaalis. He is so gentleman.
"Ako na mag dradrive," he offered at inabot 'yong susi sa kamay ko. He don't have car, cause he refused to get his dad's offer. Everyday siyang nag cocommute, hassle no'n diba? Pero ayos lang naman sakaniya. Alam niyang mag drive kasi tinuruan ko siya, yes po opo ako po nagturo.
The first time na tinuruan ko siya muntik na kaming maospital dahil muntik nang mabunggo 'yong sasakyan ko. Natrauma siya sa no'n eh kaya ayaw na niyang mag drive pero ayon pinilit ko ulit siyang turuan tapos natutunan na niya.
"Saan mo ba gustong kumain?" Tanong niya sa'kin.
"Do'n sa may plaza, sa may mga isawan gano'n," nag cracrave talaga ako sa isaw at milktea kaya gusto ko kumain do'n.
"Binigay na ba ni Tito 'yong allowance mo?" Tanong ko sakaniya at agad naman siyang tumango bilang sagot.
"Si Tita nagbigay, 'di si Daddy, tapos no'ng kalahati ng allowance ko binigay ko na kay Mama...Para sa mga gastusin niya sa bahay nila. Para di na rin sila mahirapan."
"After natin kumain do'n sa plaza dalaw tayo kina tita," agad naman siyang umiling.
"May dinner mamaya, nagtext pala si daddy at sabi niya punta nalang daw ako sa mansion niyo para sa dinner at huwag na akong umuwi." Mahabang paliwanag niya at agad naman akong tumango.
"Daan tayo mamaya sa condo ko magpapalit ako, tapos ikaw rin magpalit ka para di ka pagalitan ng Lola mong masungit!" May damit siya sa condo ko dahil minsan pumupunta siya sa condo ko para magpalamig, lalo na kapag sobrang galit na galit 'yong pamilya ng daddy niya sakaniya.
YOU ARE READING
The Lost Beauty of Sun (Isla Iñigo Series #1)
RomanceNote: If you are looking for perfect story, this story isn't for you. "Sun is alone too but it still shine and one day someone will let you believe that sunshine does really exist." Started writing: March 30, 2021