Chapter 10: Yes

51 2 0
                                    

Don't forget to vote and leave a comment! Enjoy reading!


Chapter 10: Yes

ILANG BUWAN na rin ang nakalilipas mula ng makapasok siya sa music club kung saan naging isa rin siya sa naging lead vocalist ng banda ng club. Naging mag-partner sila ni Brale kapag nagpapatugtog o nasa rehearsal sila kapag may mga event ang school at isa sila sa mga nag-e-entertain sa mga kapwa nila estudyante.

At dahil sa palagi nilang pagsama after school, hindi maiiwasang mas lalo silang magkalapit. At hindi rin maiiwasang mahulog ang mga loob nila sa isa't isa. Hindi man nila aminin sa isa't isa ay alam nilang pareho na mahal na nila ang isa't isa. May takot at pangamba silang nararamdaman dahil baka hindi sila magkapareho ng nararamdaman.

"See you later?" napatango na lang si Leafia sa naging saad ni Brale habang hinatid siya nito sa kanyang klase na malapit lang sa susunod na klase ng binata.

Hindi nila alintana ang mga matang nagmamaid sa kanila. Ang nasa isip lang nila ay ang kanilang sariling mundo. They don't care about the stares and the glaring of the girls for her. She felt happy and complete when she's with Brale. At dahil nanliligaw na ito sa kanya ay may plano na itong sagutin mamaya sa pamamagitan ng isang kanta na alam niyang malalaman agad ng binata kung ano ang gusto niyang iparating.

Iyon na siguro ang pagkakataon na aamin siya dahil sa araw-araw na pagpaparamdam at pagsasabi ng binata na mahal na siya nito ay hindi niya pa rin iyon magawang sabihin pabalik sa binata na alam niyang nawawalan na ng pag-asa kung pareho ba sila ng nararamdaman para sa isa't isa. She wasn't vocal with her real feelings and she wasn't sure also. Pero ngayon ay handa na siya. Handa na siyang umamin at aminin ang totoo niyang nararamdaman para rito.

"Siguro ka na ba sa magiging desisyon mo para mamaya?" Ngumiti siya sa kaibigan nang marinig ang pag-aalala sa boses nito ng makaupo na siya sa tabi nito sa loob ng classroom nila. "You will really risk, huh?"

"Loving someone is a risk, Nadia. And I think that risk is worth it when that person loves you too." Umayos si Leafia ng upo ng sunod-sunod na nagdatingin ang mga ka-block mates nila at ang huling pumasok ay ang professor nila na parang pinaglihi sa dragon. "Let's talk again later. Alam mo namang bitter si ma'am." Sabay silang natawa dahil sa huli niyang sinabi at nakinig na sa klase habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

Natapos ang araw na hindi pa rin nawawala ang masayang ngiti sa mga labi ni Leafia habang sabay silang naglalakad ni Nadia papunta sa music room kung saan sila magpa-practice para sa paparating na malaking event ng school. She's humming the song that she'll sing later to tell what she really felt for Brale.

She waves her hand when she saw the man that she loves in the center of the stage, readying the instruments and microphones that they will use for their practice. Brale smiles when he saw the woman who can make his heart beats fast and seeing her smile at him make his breathing stop for a second. And the doubts that he's feeling suddenly faded. Only a smile can make everything gone.

Hindi niya alam kung bakit gano'n palagi ang epekto ng dalaga sa kanya pero hindi niya ikakaila na gusto niya ang nangyayari sa kanya kung sa dalaga lang naman niya iyon mararamdaman. He's happy to be with her, to see her smile and seeing her gray eyes that he loves to stare at.

"Get ready now, Leafia. We'll be starting in five minutes," nakangiti niyang ani sa dalaga na ngumiti at tumango lang bago nito inayos ang buhok.

She put her hair in a high ponytail and she didn't give attention to some strands that are cascading in her nape, in the side of her forehead and in her forehead. It complements her round face that made her look more beautiful.

Amazona 1: Leafia De Silva √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon