I just want to thank those who waited for this story to finish. To my friend, Jimmy Prologo, for making me use his name in this story.
Hi, Jam! Hope you like this story of yours! Tani 'di ka ma-shook, ah? HAHA! Lovelots, Jimmay!
EPILOGUE
IT ONLY takes a month to finish their wedding preparations. Gusto sana ni Leafia na sa birthday ng anak nila idadaos ang kasal pero hindi pumayag ang binata. He wanted to tie the knot, ASAP. Wala na rin naman siyang magagawa dahil gusto na rin naman niyang matali sa lalaki.
"Ang ganda ng ngiti, ah. Handa ka na ba mamaya?" Napatingin siya sa kaibigan niyang may malapad na ngising nakapaskil sa mga labi nito. "Grabe ka, girl! Hindi ko inaasahan na sa'yo talaga ang bagsak ng baliw na lalaking iyon."
Napapailing at mahina na lang siyang natawa sa narinig mula sa kaibigan. "Hindi nga rin ako makapaniwala na magpapakasal na ako sa kanya. This feels like a dream, Nads."
"Gusto mong kurutin kita para magising kang totoo lahat ng ito?" Lumapit pa ang kaibigan sa kinauupuan niya at kinurot ang kanyang pisngi na dahilan para mapangiwi siya. "Ano? Panaginip pa rin?"
"Ouch!" Nakangiwi niyang reklamo at hinimas pa ang kanyang pisnging kinurot ng kaibigan. "Ang sakit nun, Nadia!"
Tumawa lang ang kaibigan niya at bumalik sa pagkakaupo sa kama sa loob ng kwarto niya. Nasa harap siya ng vanity mirror sa loob ng kwarto nila ni Jimmy dahil mini-make-up-an siya ng hinire nilang make-up artist, araw na napagkasunduan nila ng binata na tuluyang itali ang mga buhay nila.
"Let's bet, shall we, frenny?" Napailing na lang siya sa kaibigan na nakatingin sa kanya sa vanity mirror.
Nadia is wearing a tube top turquoise dress with a lace in her waist that hugs her curvy body. Natapos na rin itong make-up-an kaya ito nasa kwarto niya at inaasar siya.
"Ano na namang bet, Nadia?" Tinarayan niya ang kaibigan na napanguso naman sa likod niya.
"Na sa mga oras na ito, hindi na mapakali ang groom mo." Mula sa pagkakanguso, bumalik ang ngisi nito sa sinabi. Tinaasan niya ito ng kilay. "Kapag totoo ang sinabi ko, ililibre mo ako ng isang buwan sa paborito nating café."
"At kapag hindi?"
"Wala akong maisip na pwedeng maging premyo mo kapag nanalo ka kasi alam kong tama ako." Mahina ulit itong natatawa na ikinailing na naman ni Leafia.
Isang nakakalokong ngisi ang lumitaw sa labi ni Leafia na nakita ni Nadia na dahilan para marahas itong mapailing. Itinaas baba nito ang kanyang kilay na parang nasisiyahan siya sa nagiging reaksiyon ng kaibigan sa uri ng ngisi niya.
"No, Leafia! Hindi pwede 'yan!" naghi-histeryang anito na ikinatawa na lang ni Leafia. "Don't you dare!"
"So, who's the KJ now, huh?" Hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngisi niya sa mga labi. Nag-e-enjoy sa reaksiyon ng kaibigan. "Wanna hear what I want if I win the bet?"
"Spare me, dahon!" Napatayo pa ito na nagpalakas ng tawa ni Leafia. "Don't say something that will make me puke!"
"Nope! If my groom looks serious and calm..." Binitin pa nito ang kanyang sasabihin na mas lalong ikinahisterya ng kaibigan. "You'll start to date him, again."
"Damn!" malutong nitong pagmumura sa sinabi niya. "You know why can't I do that, right? You know that it's... forbidden."
Bumuntong hininga siya dahil sa paglungkot ng kaibigan niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa kaibigan na nakayuko na sa gilid ng kama niya. Natigil din ang pag-aayos sa kanya ng mga binayaran nilang bakla dahil sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Amazona 1: Leafia De Silva √
Romance"It was the only way to conceal my heart from the pain that you'll cause to me." Amazona Series Book 1 (COMPLETED!) √ WARNING! MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! Tagalog-English story credits to the rightful owner of the photo -C.B./courageousb...