Chapter 25: Unexpected

96 3 0
                                    

Chapter 25: Unexpected

HUMAHANGOS at muntik pang matalisod si Leafia sa pagmamadali papasok sa hospital kung hindi lang niya nabalanse ang kanyang katawan. Dumiretso siya sa Nurse Station ng ospital at tinanong kung nasaan ang bagong pasyenteng dinala. The Nurse told her that it's in the Emergency room. Hindi na siya sumagot pa at umalis na roon para puntahan ang kanyang anak.

Nang makarating sa Emergency Room ng ospital ay pinalibot niya ang kanyang paningin at nang dumako sa kabilang dako ay mabilis siyang naglakad roon. Naupo siya sa tabi ng kama ng anak na mahimbing na natutulog. Nangilid ang kanyang mga luha habang nakatingin dito na namumutla.

She felt a soft hand caressing her back. She looks back and saw her mother. Namamaga ang mga mata nito habang may pagsisisi sa mga matang makikita. She smiled at her mother lovingly to assure her that it's okay. No one's to blame for what happened to her baby.

"He was fine this morning when you left but when afternoon came..." Hindi naipagpatuloy ng kanyang ina ang sasabihin nito dahil parang may bagay na bumara sa kanyang lalamunan.

Umalis siya mula sa pagkakaupo at hinarap ang inang nagsimula ng umiyak. She hugs her tight and caressed her back.

"No one's to blame, mama," malumanay ang boses na aniya sa ina. "Ano ang findings ng Doctor?"

"He got Malaria Fever and he needs a blood donor. The disease is causing him anemia, Leafia. Nagka-nosebleed siya kanina bago ko siya dinala rito sa ospital. He lost too much blood that's why he looks pale."

"Oh, God." Hindi alam ni Leafia kung ano ang dapat na maramdaman sa narinig.

She can't donate her blood to her son because the type of her blood and her son is different. Siguro namana nito ang ama dahil na rin hindi sila masyadong magkamukha. Her son's face throughout those years with her is changing and the familiar face of someone always pop ups in her mind, whenever she looks at him.

"We can't easily find a blood donor that's similar to his, mama. Alam mo naman kung gaano ka-rare ang dugo ng apo niyo," namomroblemang aniya sa ina na napapailing na lang. "He takes everything from his unknown father. Ano na ang gagawin natin, mama?"

"We'll search for someone who has the same blood type with your son, anak. And besides, you can ask Nadia for help?" Napabuntong hininga siya sa tinanong ng ina.

If only that's an easy thing to do. Although Nadia has wide connections now, because of the firm she was in, she can do something on it too, right? Pero ayaw naman niyang makaabala sa kaibigan dahil may mga kaso rin itong pinagkakaabalahan ngayon.

"She's busy, mama. Maraming kaso ngayon ang inaasikaso niya kaya kahit na gusto kong humingi ng pabor sa kanya ay hindi ko magawa." Napasuklay siya sa kanyang buhok sa frustration na kanyang nararamdaman. "I can also do that dahil malawak din ang koneksyon ko pero hindi katulad ng sa U.S. na madali lang. You know that I am not as well-known in here than the U.S."

"Just try, okay? Para kay Reign, anak. Baka may kakilala siyang type AB+ ang blood type." Napatango na lang siya sa sinabi ng ina. Baka nga may kilala si Nadia sa mga katrabaho niya.

"I'll call her later, mama. For now, let's transfer Reign to a private room."

"MABUTI at hindi ka sobrang busy ngayon?" tanong niya sa kaibigan nang maupo na ito sa katapat na upuan sa isang café malapit sa ospital. "I'm sorry to disturb you, Nadia."

Ngumiti at umiling si Nadia dahil sa narinig mula sa matalik na kaibigan. Lumipas man ang mga taon na kahit hindi ito nagpalaam sa kanya tungkol sa pag-alis nito ng bansa na walang paalam, she still consider Leafia as her only best friend.

Amazona 1: Leafia De Silva √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon