As promised. Enjoy reading!
Chapter 20: Happier
NAKARATING sila ng hospital nang ligtas dahil siniguro ni Jimmy na hindi mapapahamak si Leafia kapag siya ang kasama nito. Agad silang pumunta ng nurse station para magtanong kung saang hospital room ang kaibigan niya. Nang maibigay ng nurse ay umalis na sila roon at pumuntang elevator.
Hindi mapakali si Leafia sa kanyang kinatatayuan habang naghihintay sila sa pagbukas ng elevator. Nakaramdam lang siya ng kapayapaan nang hawakan ni Jimmy ang kamay niya. He intertwined their hands and their hands fit perfectly together. Na parang ginawa talaga ang kamay nila para sa isa't isa.
Sa kanyang paglingon sa kinatatayuan ni Jimmy ay nagtama ang mga mata nilang dalawa. She was again, hypnotize by his chocolate brown eyes. Ang gandang titigan at hindi nakakasawa. Nang marinig ang pagbukas ng elevator ay agad siyang umiwas sa kanilang titigan at naunang maglakad papasok at hila-hila ang kamay ni Jimmy.
She pushes the third button which indicates that they are going to the third floor of the hospital. Nang makarating sa floor ay hinanap na agad ni Leafia ang kwarto ng kaibigan at kumatok sa pinto.
Ngumiti siya sa ina ni Nadia nang mabuksan sila nito. Gulat namang napatingin ang ginang sa kanya at sa kasama niya.
"Hi po, Tita. Pasensiya na po at madaling araw kami bumisita." Paghihingi ni Leafia ng paumanhin sa ginang ng nilakihan nito ang pagkakabukas ng pintuan. "At wala rin po akong dalang kahit ano. Pasensiya na po."
"Ano ka bang bata ka, okay lang iyon. Ang importante ay nakadalaw ka kay Nadia." May kaunting ngiti ito sa mga labi nang maisarado na nito ang pintuan. "Kaibigan ka rin ba ng anak ko, hijo?"
"Ah, opo. Sinamahan ko lang din po si Leafia sa pagpunta rito," magalang na sagot ni Jimmy sa tanong ng ginang. "Pasensiya rin po at wala akong dalang prutas."
"Hayaan niyo na. Umupo muna kayo. Nagpapahinga pa si Nadia."
"Okay na po ba siya, Tita?" May pag-aalalang tanong ni Leafia saka lumapit sa kinahihigaang kama ng kaibigang mahibing na natutulog. "I am so worried that I can't sleep if I can't come here."
"Nasalinan naman na siya ng dugo at hindi naman malala ang sugat niya sa tagiliran." Tumayo sa tabi niya ang ginang at hinagod ang likod niya. "Makakalabas na rin naman siya sa makalawa kaya 'wag ka ng masyadong mag-alala."
"Hindi naman po mawawala ang pag-alala ko sa kanya, Tita. She's the only friend that I have." She caressed Nadia's hands while she smiled softly at her sleeping friend. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin."
"Mabuti na lang at hindi siya napuruhan. Ayaw niya ring sabihin kung ano ang nangyari sa kanya." Bumuntong hininga ang ginang bago ito naglakad papunta sa sofa sa loob ng hospital room ng anak. "I tried to talk to her. To convince her to tell me who did this to her, but she won't answer me."
"Alam niyo naman po ang anak niyo, matigas din ang ulo." Sabay silang natawa ng ginang dahil sa sinabi niya.
Napatingin si Leafia kay Jimmy nang maramdaman nito ang pagkalas ng kamay nitong nakahawak sa kamay niya.
"I'll be outside. Bibili lang ng pwedeng makain nila ngayon at bukas." Pagpapaalam nito at tatalikod na sana ng pigilan siya ni Leafia.
"Gusto mong samahan kita?" Umiling lang si Jimmy. "Okay. Sandali, may pera akong dala rito. Eto na lang ang ipambili mo."
"Huwag na. Ako na ang bibili." Hindi na nagsalita pa si Leafia at hinayaan na lang si Jimmy na umalis.
Ilang sandali rin silang naging tahimik sa loob ng kwarto ng gulat siyang mapatingin sa ginang dahil sa tanong nito. "Boyfriend mo ba iyon, Leafia?"
BINABASA MO ANG
Amazona 1: Leafia De Silva √
Romance"It was the only way to conceal my heart from the pain that you'll cause to me." Amazona Series Book 1 (COMPLETED!) √ WARNING! MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! Tagalog-English story credits to the rightful owner of the photo -C.B./courageousb...