CHAPTER 48

92 8 1
                                    

CHAPTER 48

NAMSHEN

"And now, here is the debutant for her eighteen remembrances and dance. Let's welcome her and her partner to start another program. Audience, please stand up and welcome our debutant, Namshen." masiglang Sabi ni Kuya Nemo bago ko maramdaman ang pagkapit ng kung sino sa aking kamay.

Tiningnan ko kung sino iyon. Alam ko na si Zild dahil sa suot nitong black long-sleeve na kahit simple ay kitang-kita ang lakas na charisma nito, isama pa ang nakababa nitong buhok at ginto nitong maskara na kakulay ng sa akin. Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti.

"Ba't amoy strawberry ka ngayon? Hindi ka naman amoy strawberry kanina ah?" tanong ko.

Imbes na sumagot ay may inilabas siyang strawberry sa kan'yang kamay. Hindi ko mapigilang tumawa bago tinanggap ang strawberry at isinubo iyon.

"Ano na ang nangyari sa makintab mong buhok? Hindi na mukhang floorwax." biro kong muli ngunit hindi na ito kumibo at inalalayan na ako sa paglalakad.

Nang salubungin kami ng spotlight ay kaagad na nagpalakpakan ang mga bisita habang kumakanta ng birthday song.

Nako, ayan, mga nakakain na kasi. Ginanahan na bumati.

"Huwag na natin patagalin. Here's the eighteen treasure with their speech." wika ni Kuya Nemo sa microphone.

Sa lahat ng eighteen treausure ko, si Mama lang ang may pinakamagandang speech.

"Anak, huwag ka nang makikipag-away. Hindi ka na bata para humanap ng gulo, ganap na dalaga ka na." paalala ni Mama bago ibaba ang mikropono at binigyan ako ng isang susi.

Namilog ang bibig ko, "Kotse ba ito?" tanong ko.

"Malalaman mo mamaya." bulong ni Mama.

Pagkatapos nito ay ang eighteen candles na wala akong kakilala sa kahit sinong naging participant. Pakiramdam ko tuloy ay pinaplastik lang ako ng bawat isa sa kanila.

Napansin siguro ng tahimik na si Zild ang kawalan ko ng gana kaya hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit pero may kakaiba sa paghawak niya ng aking kamay na hindi ko na maiwasang mapangiti bago siya tiningnan.

"May kakaiba talaga sa iyo," puna ko, "Siya nga pala, may nakuha akong aso. Hinihintay ko lang na walang kumuha sa kan'ya hanggang sa makauwi na kami, tsaka ko siya papangalanan." paglalahad ko at hindi na pinansin ang mga sinasabi ng mga sumunod na participant para sa eighteen candles.

Narinig ko ang pagpigil nito ng tawa kaya kumunot ang aking noo.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan? Huwag mo sabihing sa iyo yung aso." pag-uusisa ko.

Ilang segundo itong natigilan bago tumango. Ininguso ko ang aking labi bago sumang-ayon.

"So, bigay mo iyon sa akin?" paglilinaw ko.

Muli siyang tumango na ikinagaan ng kalooban ko.

Akala ko ay magnanakaw na ako ng aso.

"Pero, bakit M yung nakasulat na nakalagay doon? Namali ka lang 'no? May pagkatanga ka pa naman." biro ko ngunit hindi na ito sumagot at itinuon ang atensyon sa dance floor lalo na nuong magsimula ang tugtog na mukha panimula para sa eighteen dance.

Behind His Innocence (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon