"GOOD morning po. Saan po ang opisina ni Mr. Kreiner?" tanong ko sa babaeng nasa front desk ng Keist Building.
Unang araw ko ngayon sa trabaho kaya todo ngiti ako sa bawat taong nakakasalubong at nakakausap ko. Ang sabi ni Luz ay dito rin siya nagtatrabaho pero magkaiba kami ng department. Team leader siya sa Managing Department at ako naman ay mapupunta sa Designing Department ng Keist. Naganap ang interview matapos akong kausapin ni Luz. Mabuti na lang qualified ako.
"Sa fifth floor. Paglabas niyo ng elevator ay diretso lang kayo. Nasa kanang bahagi ang office ni Sir Vicc," sagot ng babae. Mukha itong masungit. Ni hindi ngumiti.
Nagpasalamat na lang ako at agad nagtungo sa office ni Mr. Kreiner. Ang Keist ay isang brand ng sandals. Hindi pa ganoon kasikat sa Pilipinas dahil nagsimula lang ito two years ago.
May mga employees na abala sa kanya-kanyang trabaho ang nakita ko habang naglalakad patungo sa opisina ni Mr.Kreiner. Malapit na ako sa dulo ay hindi ko pa rin makita. Pagdating ko roon ay nakita ko ang dalawang opisina na magkatabi. Wala akong makitang palatandaan sa kung alin ang dapat kong pasukin kaya sa unang opisina ako kumatok. Saktong may palabas na babae.
"Si Mr. Kreiner po?" tanong ko.
"Nasa loob. Pumasok na lang po kayo," tugon ng babae bago tuluyang umalis. Halata sa mukha nito ang pagkabalisa.
Inayos ko ang bahagyang nagusot kong damit bago pumasok. Maayos ang opisina at tahimik.
"Good morning, sir," bati ko sa lalaking naroon. Nakatalikod sa gawi ko. Abala ito sa pagtipa ng computer.
Humarap ito sa akin. Sinuri niya ako ng tingin na ikinakaba ko. Parang pamilyar sa akin ang mukha niya. Pero hindi ko alam kung saan ko nakita. Nagbaba ako ng tingin nang makitang sobrang pormal nito tumingin. Nakakaintimidate tuloy siya tingnan.
"Yes?" pormal niyang tugon. Muli itong humarap sa ginagawa.
Mas pormal ata ang hitsura nito kesa sa suot na damit. Simple lang kasi ang suot nito. Hindi halatang boss. Mustard na sweatshirt at black na maong. Ang buhok nito ay kulay ash brown. It is tousled yet styled in a very chick way. Parang korean.
"Ahm, a-ako po si Aenah Laviena. Ang sabi po sa akin ay magreport sa inyo bago pumunta sa designing department," kinakabahan kong sabi. Napakapit ako nang mahigpit sa handle ng bag na dala ko.
Lumipas ang ilang minuto bago siya sumagot.
"Are you looking for Mr. Kreiner?" pagkuwa'y tanong niya.
"Y-yes po."
"Nasa kabilang office siya." Humarap siyang muli sa akin at itinuro ang katabing opisina. Hindi ko pa rin siya matingnan ng diretso.
"Ay! Gano'n po ba? Salamat po." Tinalikuran ko na siya at lalabas na sana ako nang magsalita siyang muli.
"You can use the door here in my office. It is connected to his office," aniya. Itinuro niya ang pintuang nasa left side.
Kung ganoon ay dito dumaan ang babae kaninang nakasalubong ko. Nalilito na ako pero kailangan kong umayos. Unang araw ko at ayokong masira ang magandang simula ng araw ko. Pero tila hindi sumasang ayon sa akin ang araw na ito, nagkamali ako ng taong pinuntahan. Well, it's normal sa taong kagaya ko.
"Thank you po." Iyon lang at umalis na ako.
Pagdating ko sa opisina ni Mr. Kreiner ay pinilit kong umakto ng normal. Mukhang nasa late fifties ito. Binati ko siya at agad naman niya akong hinarap. Mas okay kesa sa una kong nameet. Sinabihan niya ako sa mga bagay na dapat kong malaman. Nang matapos ay tinawag niya si Sir Ash. Magpasama na lang daw ako sa designing department. So, Ash pala ang pangalan ng masungit na Sir kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/264395727-288-k525606.jpg)
BINABASA MO ANG
A Home In His Arms (Unedited)
RomanceAenah Laviena went on a blind date at imbes na si Ashteon Chameron ang mameet niya ay si Travis Wigger. Pasok si Travis sa mga gusto niyang lalaki pero tila may mali at kulang. Hanggang sa dumating si Ash sa buhay niya at bago pa man nito buuin ang...