MAG-IISANG linggo na ako rito sa Keist at ito ang pangalawang pagkakataon na makakaharap ko si Sir Ash. Hindi ko kasi siya nakita for the past few days dahil may pinuntahan daw itong out of the country.
Mag-iisang oras na akong naghihintay dito sa lobby ng building. Ang sabi ni Sela kanina ay antayin ko lang daw si Sir dito. Sa akin kasi na-assign ang pagrereport sa new designs ng mga sandals. Hindi ko nga alam kung bakit dito pa ibibigay ang mga designs eh may office naman siya.
"Miss Laviena, kanina ka pa raw hinihintay ni Sir Ash sa office niya." Si Riza. Ang mataray na secretary ni Sir Vicc.
Napakamot na lang ako ng batok bago tinungo ang office ni Sir Ash. Pagkarating doon ay nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan. Ngayon ay malaya ko nang nakikita ang mukha niya. Gwapo nga siya. Mukhang Korean. May pagkachinito kasi at mas maputi pa sa akin. His hair was tousled yet styled in a very chick way.
Nakapamulsa ang mga kamay niya at kung hindi pa siya tumikhim ay hindi ko pa mapapansing halos magsalubong na ang kilay nito. Napayuko na lang ako. Siguradong umalis na ito sa pintuan dahil gaya ng sabi ni Clari, ayaw niya nang natititigan.
Nagpasya na akong pumasok sa opisina niya. Dirediretso ako sa pintuan nang mabangga ako sa pader. Ay wait! Nag-angat ako ng tingin. Kay Sir pala! Napaatras ako na halos ikatumba ko. Mabuti na lang at mabilis akong nahila ni Sir. Sa pangalawang pagkakataon ay tumama ako sa dibdib niya. I can smell his manly scent. Hindi ko alam pero parang naamoy ko na sa kung saan.
"Sir, nandit-"
Halos sabay kaming napatingin kay Clari. Napanganga si Clari sa nakitang ayos namin. Bigla akong binitawan ni Sir Ash at nagtungo siya sa kanyang swivel chair. Kinindatan naman ako ni Clari at hinila papasok sa loob. Halos tumagaktak ang pawis ko dahil sa nangyari.
"Sir, nandito na po ang bagong designs. Pasensiya na po, ang sabi ni Sela sa lobby kayo hihintayin ni Aenah." Si Clari na ang nagsalita para sa akin.
Hindi ko din naman kasi maaayos ang pagrereport dahil sa nangyari. Ni hindi ko na ata mabuka ang bibig ko.
"You may go. Just leave it on my table," sagot ni Sir Ash. Nakatuon ang pansin nito sa mga nakatambak na papel sa harapan niya.
Hinila na ako paalis ni Clari ay hindi pa rin ako makaimik hanggang sa makarating kami sa desk namin. Weird. Pero parang bumilis ang kabog ng dibdib ko nang mabangga ako kay Sir Ash.
"Anong nangyari? Akala ko sa lobby mo siya hihintayin?" naiintrigang tanong ni Clari sa mahinang boses. Naramdaman ko rin ang pagkurot niya sa tagiliran ko.
"Hindi ko alam. Nakakainis naman. Pangalawang beses nang palpak ako. Sana lang hindi niya sabihin kay Mr. Kreiner," bulong ko. Yumuko ako saglit at nagbuga ng hangin.
"May past ba kayo ni Sir para paglaruan ka niya?" seryosong tanong ni Clari.
Napatayo ako at inis na hinarap siya.
"Past? Ni hindi nga kami magkakilala. Kung pinaglalaruan niya man ako ay wala akong alam na nagawa kong mali sa kanya o kahit sino sa angkan niya!" eksaherada kong sabi.
Magsasalita pa sana ako ngunit napansin kong nagtinginan sa akin ang mga kasama namin. Pasigaw nga pala akong sumagot kay Clari. Tumikhim si Clari at palihim na bumungisngis. Kunwari ay naging abala ito sa pagtipa sa kaharap na computer.
"S-sorry. Huwag niyo akong pansinin. S-si Jerry 'yong tinutukoy ko," pagsisinungaling ko. Dali-dali akong umupo at pasimpleng tinadyakan sa paa si Clari. Narinig ko ang mahina niyang pag-aray pero hindi ako nagsorry.
BINABASA MO ANG
A Home In His Arms (Unedited)
RomanceAenah Laviena went on a blind date at imbes na si Ashteon Chameron ang mameet niya ay si Travis Wigger. Pasok si Travis sa mga gusto niyang lalaki pero tila may mali at kulang. Hanggang sa dumating si Ash sa buhay niya at bago pa man nito buuin ang...