‘Di nagtagal ay dumating na si Ellen at Lora. Palagi silang magkasabay sa pagpasok at pag-uwi kasi sa iisang bahay lang nakatira ang pamilya nila. Magpinsan kasi sila.
“Mukhang may problema ka nanaman Celine ah?!”, sabi ni Ellen.
“Wala ah. Inaantok lang talaga ako. Napuyat ako kagabi eh.”
“Ay oo nga pala. May mga bwisita nga pala sainyo kagabi.”
“HAHA. Oo nga eh. Uy tara na, baka ma late pa tayo.”
Agad kaming nagtungo sa silid aralan namin matapos ang usapang iyon. Martes na kasi ngayon kaya walang flag ceremony. Pagpasok namin sa silid aralan ay nainis lang ako sa nakita ko.
“Celine! Nasasaktan ka nanaman no?”, sabi ni Sally.
“Nabubwisit. Psht. Badtrip naman kasi tong si Oscar eh. Tignan mo, nilalandi nanaman si Erish.”
“Tsk. Kalma, kalma. May araw din yang si Oscar sa’yo.”
“Di lang naman si Oscar eh. Ang harot din naman kasi ni Erish.”
“Oh siya siya. Tama na.”
Nagselos nanaman ako -.-“ Sino ba naman kasing hindi magseselos kay Erish? Halos lahat ng lalaki nagkakagusto sakanya. Bakit naman kasi sa lahat ng pwedeng kalandian at kaharutan niya, bakit si Oscar pa? Bakit yung lalaking-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
mahal ko pa.

BINABASA MO ANG
Liham
RandomKapag mahal mo ang isang tao, wag na wag kang magsasayang ng pagkakataong iparamdam at sabihin sa taong iyon na mahal mo siya. Maikli lang ang buhay. Kaya't habang may pagkakataon, wag mong sasayangin. Laging isaisip, na ang pagsisisi ay palaging na...