Chapter 3

0 0 0
                                    

Callie POV

"MIMI, look po mas maganda yung new toys ko ngayon. Kumpleto na ang Avengers!" Sigaw niya at nagtatakbo sa loob ng condo ni Axcel.

"Ace wag kang masyadong malikot baka makabasag ka at madapa ka." Pagpapa-alala ko dito sa akin kaya tumango ito at muling nagpatuloy sa paglalaro.

Ako naman ay pumunta na sa kusina para ayusin ang pinamili kong groceries, habang inaayos ko ang mga pinamili namin ng anak ko ay may nag doorbell kaya dali-dali akong pumunta doon sa pag-aakalang ang pina delivery ko na gas iyon. Pero natigilan ako ng makita ang isang babae na sobrang putla at sobrang payat.

"Ahm, magandang gabi. Anong kailangan nila?" Magalang kong tanong sa kaniya pero mag i-isang minuto na siyang naka tingin sa akin.

"Ah, Ma'am? Ok lang po ba—" Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko ng banggitin nito ang huling pangalan na gusto long marinig.

"C-cathlie Sugon." Banggit nito sa harapan ko. Agad akong napaiwas ng tingin.

"Pasensya na walang Cathlie Sugon dito." Tiimbagang sabi ko sa kaniya. Akmang isasara ko na ang pintuan ng condo ni Axcel ng marinig ko ang nalalim na boses ni Axcel.

"Callie." Tawag nito sa akin kaya napatingin ako sa likuran ng babae.

"Axcel nandyan kana pala." Sabi ko at bahagyang tumingin sa babaeng ngayon ay nakatingin narin kay Axcel.

Lumapit sa akin si Axcel at hinapit ang bewang ko bago ako hinalikan sa nuo.

"Who is this young lady here?" T
Anong niya sa akin habang naka-tingin sa babaeng nakatingin na sa amin ngayon.

"I don't know but she is finding someone here that doesn't exist." Sabi ko sa kaniya.

"Well miss sorry to say that this someone of yours is not here." Sabi ni Axcel sa babae at akmang papasok na kami sa loob ng muling mag saluta ang babae.

"Y-yskael Parker." Bulong nito pero sapat na para marinig namin. Agad naman akong napatingin kay Axcel ng humarap ito sa babae.

"Ahm, it's weird because a delivery boy earlier was finding the same person here at your condo." Pag-aamin ko kay Axcel na nakatingin parin sa babae kaya napatingin narin ako sa babae.

Maya-maya ay naramdaman ko ang dalawang palad ni Axcel sa dalawa kong tenga at tinakpan niya ito. At nakita ko na kinausap niya ang babae. Ng sa tingin ko at tapos na silang mag usap ay tinaggal na ni Axcel ang kamay niya sa tenga ko bago humakbang papalabas ng condo niyang muli.

"We'll just go to the ground floor and ask the receptionist." Sabi ni Axcel sa akin bago sinenyasan ang babae na sumunod sa kaniya.

Naramdaman ko ang isang maliit na braso na pumalibot sa hita ko.

"Mimi, who is the girl? And why Daddy and that girl going together?" Tanong nito sa akin kaya binuhat ko ito at naglakad papunta sa kwarto niya.

"Daddy is just going to help the girl to find the person who is she looking for." Paliwanag ko sa kaniya at pinaangat ang braso niya para matanggal ko ang damit niya na basa sa pawis dahil sa kakatakbo.

"Stay here baby. Ihahanda ko lang yung pampaligo mo, wag malikot para matuyo ang pawis mo." Bilin ko sa kaniya kaya tumango siya sa akin. Pumasok ako sa banyo sa loob ng kwarto niya at hinanda ang paligo niya, pagkatapos kong malagyan ng konting tubig na maabot ni ace ang bathtub ay binalikan ko na ito pero napatigil ako ng makita kong nakahiga ito sa katawan ng papa niya na nakahiga ngayon sa kama niya ang kamay ni Axcel ay nakalagay sa likod ni Ace at ang isa naman ay nakatakip sa mga mata niya. Nakasuot parin siya ng business suit.

Axcel Rufford (Rufford Series 1)Where stories live. Discover now