PLEASURE REVENGE 1

432 7 0
                                    


—CHAPTER ONE—





"Dad! Dad! Look!" Masayang sigaw ko habang bumababa nang hagdan.

"Careful, baby." Saway niya sa'kin dahil sa mabilis kong hakbang. Agad ko naman na ini-abot sa kanya ang result ng entrance exam ko for college. "You really did a good job, huh?"

Kinuha ko naman ito sa kamay niya nang matapos na niyang tignan. "Of course! And please, ilang ulit ko pa bang ipapa-alala sa inyo na hindi na ako bata? Don't call me baby, dad!"

Tumawa naman ito dahil sa reklamo ko. "Okay. Okay. Got it." Patuloy pa rin siya sa pagtawa, napanguso nalang ako sa kanya.

Napatingin ulit ako sa result ng exam ko, napangiti nalang ako dahil naka-pasok ako sa isang magandang university. Matagal ko nang pangarap 'to, at ngayon ay malapit ko na itong maabot.

"Are you sure of that? Hindi na talaga mag-babago ang isip—"

"Dad," pigil ko sa kanya. "I know na mahalaga ang business ng family natin but, I have a dream also for myself."

"Ina-alala ko lang ang future mo. I don't want you to ended up with nothing. I want the best for you. Isipin mo—"

"Ow, dad," pigil ko sa kanya, alam ko na ang patutunguhan ng usapang 'to. "I made up my mind na dad. I already pass on their examination and, we have a deal, right?"

Napa-buntong hininga naman siya. "Pero kapag mag bago ang—"

"Dad, hindi na mag babago ang isip ko. Buo na ang desisyon ko, please be happy for me, okay?" Lumapit ako sa kanya at kumapit sa braso niya. "Dad," kinulit ko pa siya at nag papa-awa sa kanya. I know he can't resist me.

"Fine."

"Yey! Ikaw na ang pinaka-the-best na daddy sa buong mundo!!" Papuri ko pa sa kanya. "By the way, dad, pupunta nga pala ako sa bahay nila Allia."

"No boys?"

"Dad!"

Tumawa naman siya. "Okay. I believe in you."

Hinalikan ko siya sa pisngi niya at agad ng tumayo. Tumakbo na ako pabalik sa room ko at agad na bumihis na. I prefer to wear a white short and a baby blue top. Pinarisan ko pa nang sneakers, I may look like a high school student with my outfit but, I am still a high school student. Hindi pa naman ako nakakapag simula nang college life. And I feel comfortable wearing this thing. I grab my mini-shoulder bag at tinignan ang sarili sa salamin. Nang makitang okay na din naman ay nag lakad na ako palabas ng room ko. Nakita ko si dad na naka-upo pa rin, nilapitan ko siya para makapag-paalam na sa kanya.

"Ikaw na lang dad ang mag sabi kay mom na umalis ako, okay?" Tumango naman siya. "Thank you, dad! Aalis na ako, bye!" Masayang paalam ko.

Malapit lang naman ang bahay ni Allia, so hindi ko na kailangan na mag pahatid pa sa driver namin. Isa pa, ay gusto ko din na mag lakad-lakad muna, minsan lang din naman ako makalabas ng bahay. Mahigpit si mom and dad pagdating sa'kin, and i don't know why. Maybe, they're just a protective parents. Well, nakakalabas lang naman ako kapag sinabi kong pupunta ako sa bahay ni Allia. They know her kaya may tiwala sila sa kanya. I am also thankful because of that. Si dad ay hindi masiyadong mahigpit, pero si mom naman ang kabaliktaran non. Napahagikhik na lang ako dahil sa mapaparusahan na naman siguro si dad nito. Napapikit ako habang dinadama ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Ang sarap talaga sa pakiramdam na maging malaya.

"Aray!" Napamulat lang ako nang maramdaman na may bumangga sa'kin. Napaupo ako sa sahig dahil sa malakas ng pag bangga niya sa'kin. "Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" Malakas na sigaw ko sa kanya. Napatayo ako pero nakaramdam ng hapdi sa magkabila kong siko, maging ang binti ko ay may gasgas na din.

The Pleasure RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon