—CHAPTER TWO—
And the first day of my college life begins. Hinatid ako nang driver namin papuntang university. Lumabas ako nang makarating na sa harap ng malaking gate. Napatingin ako sa isang poster, na may nakalagay na 'Welcome Winshians!" Napangiti na lang ako dahil ngayon ay isa na ako sa mga ma-swerte na estudyante sa university na 'to. Ang Winston University ay isa sa pinaka-malaking unibersidad. Halos lahat ng mga nandito ay may kanya-kanyang talento. Ang Winston University ay isang tanyag pagdating sa musika, kaya maraming estudyante ang nais na makapasok sa ganito kaganda at katanyag na unibersidad, isa na ako do'n.
"Sid!" Napalingon naman ako sa kaibigan ko na tumatakbo papalapit sa'kin. "Ang aga mo naman!"
Ngumiti naman ako sa kanya nang malapad. "Gusto ko pang mag libot mamaya, kaya inagahan ko talaga." sabi ko pa sa kanya. "Mabuti at nandito kana, may kasama na ako—"
"Ay nako," pigil niya sa'kin. "May a-asikasuhin pa ako mamaya." Tanggi niya.
"Ano naman 'yon??"
Ngumiti naman siya nang malapad. "Malalaman mo din mamaya." Kinuha niya ang braso ko. "Tara na."
Habang nag lalakad ay napapatingin ako sa buong paligid. Halos napapalibutan ako nang matataas na building. Nakakamangha ang buong paligid. Siguro ay mag e-enjoy ako dito. Napangiti na lang ako dahil sa excitement. Wala pa akong ideya kong ano ang magiging buhay ko dito sa loob university.
"Nga pala, bakit wala kang dalang mga gamit??" Napatingin naman ako sa kanya na wala ding dala, nakuha niya naman siguro ang nais kong sabihin. "Ah, ipapahatid ko pa sa'kin mamaya. Nauna lang talaga ako dito dahil sa may a-asikasuhin pa ako." Paliwanag niya. "Eh, ikaw? Bakit wala kang dala??" Tanong niya. "Hulaan ko, hmm, hindi ka pinayagan na tumira sa dor—"
"Tumigil ka nga, Allia. Hindi na ako bata para pigilan nila, 'no? Napag-usapan na namin 'to ni mom and dad. Uuwi lang ako mamaya para kunin ang mga gamit ko." Sabi ko sa kanya. Naisipan ko lang talaga na pumunta dito para makapag-libot. Gusto kong kabisadohin ang mga lugar. Napakalaki nang university na 'to, at ayokong maligaw kapag nag simula na ang klase.
"Oh, ganon pala." Sambit niya. "Tignan na lang muna natin kong saang dorm tayo." Tumango na lang ako sa kanya at sumunod na.
Agad na din naman naming nakuha ang susi nang dorm namin. Hinanap na lang namin ang Girl's Dormitory na building. Habang nag lalakad ay na daanan namin ang kinaroroonan ng Boy's Dormitory. Nag patuloy na lang kami sa pag lalakad. Napatingin ako kay Allia nang tumigil ito. Napatingala ako sa mataas na building na nasa harapan namin, at may naka lagay na Girl's Dormitory na karatola sa harapan nito.
So, hindi lang pala mag kakalayo ang Girl's at Boy's Dormitory??
Pumasok na lang kami sa loob ng building at agad na sumakay sa elevator. Nang bumukas ito ay lumabas na din kami at hinanap ang pinto nang dorm namin. Maingay na din ang buong paligid, dahil siguro sa nag-aayos na ang ilan ng mga gamit nila.
"183...184...185.." rinig ko na bilang ni Allia habang tinitigan ang pinto nang dorm isa-isa. "186.." napahinto muna siya at napatingin sa hawak niya na card. "Room 188 tayo, so," nag lakad kami sa sumunod pang pinto at humarap sa sa pintuan ng dorm namin. "Ito 'yon, 188."
Hinayaan ko na lang siya na buksan ang pinto, siya naman ang may hawak ng susi. Nang makapasok kami ay napatingin kami sa buong paligid. Ang lawak, parang isang bahay na 'to. Pumasok pa kami sa loob at nakitang kompleto ang lahat ng mga gamit. May tatlong couch na nakapalibot sa isang mesa. Hinayaan ko naman si Stella na tumingin din sa buong lugar. Pumasok ako sa loob ng banyo, at hindi ito kasikipan gaya nang inaasahan ko. May mga gamit na din dito, pero hindi ito sapat para sa 'min. Lumabas ako at nag lakad papalapit sa kama. There are four bunk beds and it still empty. So, may dalawa pa kaming roommate? Kaya siguro ang laki nito para lang sa 'min na dalawa ni Allia, may mga kasama pa pala kami.
BINABASA MO ANG
The Pleasure Revenge
Roman d'amourMATURED-CONTENT!! |R-18|SPG| "C-Ciro...Ciro, buntis ako." Patuloy ang pag-agos ng luha nito. "That's not mine-" "Ciro! Anak mo ang dinadala k-" "No!" Pag mamatigas niya pa. "Hindi ko anak 'yan, Sidra! Wala akong anak sa'yo! At hinding-hindi ako magk...