HER JOURNEY BEGINS: THE BLACK DOG AND UWIS

8 1 0
                                    

         NANG makaramdam ng kapaguran si Gejiah ay umupo muna siya sa sanga ng puno. Sakto namang ang naupuan niya ay kaharap ang dagat. Napangiti siya ng makita niya ang paglubog ng araw. Halos anim na araw na rin siyang naglalakbay. Gamit ang pakpak na regalo sa kanya ni Reyna Saifery ay mas lalong napapadali ang paglalakbay niya kahit hindi niya alam kung anong dahilan ng kanyang paglalakbay. 

 Sa kanyang paglalakbay ay wala man ni isang alaala ang bumalik sa kanya. Nagdaan ang mga araw ay nadagdagan pa ang napapanaginipan niya. Maliban sa isang babaeng naging abo ay nakita niya rin kung paano naging tao ang isang naga. Hindi niya alam kung parte ba iyun ng mga alaala niya pero palagi niyang dinadasal na sana nga ay bumalik na para malaman niya kung anong dahilan ng kanyang paglalakbay. Napabuntong-hininga nalang si Gejiah. 

 "Gusto kong tumakas ka at ipaghiganti mo ako sa mga fenou. Mangako ka!" 

"Gusto kong tumakas ka at ipaghiganti mo ako sa mga fenou. Mangako ka!"

 "Gusto kong tumakas ka at ipaghiganti mo ako sa mga fenou. Mangako ka!" 

 "Tama na!!!" Malakas na sigaw ni Gejiah sabay napabalikwas. Napahawak siya sa dibdib at pinakalma ang sarili. Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan na nga siyang kumalma. 

 "Sinong nagmamay-ari ng boses na 'yun? Anong ibig niyang sabihin na dapat ko siyang ipaghiganti sa fenou?" Bigla nalang natulala si Gejiah nang maalala niya ang nangyari sa Kahariang Berde. 

 "Fenou? Narinig ko na ang mga salitang iyun. Tama. Sila 'yun umatake sa Kahariang Berde. Anong kinalaman nila sa boses ng narinig ko? Pero isa lang ang nasisigurado ko may kinalaman sila sa nangyayari sa akin. Kung ganun, kayo ang unang hahanapin ko at hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman kung anong koneksiyon niyo sa mga nangyayari. At para na rin maipaghiganti ko ang Kahariang Berde." Hindi mapigilang maikuyom ni Gejiiah ang mga kamao niya dahil sa galit na nararamdaman.

 Napahawak naman siya sa ulo nang makaramdam siya ng hilo. Napatingin siya sa itaas at nakita ang napakaliwanag na buwan pero maya-maya lang ay dumoble ang paningin niya. Ang kaninang isang buwan ay bigla nalang naging dalawa. Naramdaman din niya ang panghihina. Unti-unti na nga siyang kinain ng kadiliman. Dahil nakaupo siya sa sanga ay bumulusok siya paibaba nang mawalan siya ng panimbang. Pilit niyang inabot ang sanga pero tuluyan na nga siyang kinain ng kadiliman. 

        May naramdaman si Gejiah na may dumidila sa mukha niya. Agad niyang iminulat ang mga mata at ang una niyang nabungaran ay ang isang itim na aso. Dahil sa gulat ay naitulak niya ito. Nakita niya ang pagtilapon nito at pagtama sa isang puno. Gulat siyang napatingin sa kamay niya. Napatingin siya pabalik sa aso at nakita niyang para itong nasaktan. Napatayo siya sa takot. 

 "Hi-hindi naman ganoong kalakas ang pagkakatulak ko." Takang usal at napatingin sa mga kamay. 

Pagtingin ni Gejiah sa aso ay nakita niyang sinubukan nitong tumayo pero agad ding natumba. Nakaramdam naman siya ng awa kaya nagmamadali siyang lumapit sa aso at tinulungan itong makatayo. Nagulat siya nang pagtingin niya sa palad ay puno ito ng dugo. At doon ay nakita niya na ang tiyan nito ang nagdurugo. Napaatras naman sa takot si Gejiah sa pag-aakalang siya ang may gawa.

 "Wag kang mag-alala hindi ikaw ang may gawa nitong sugat ko" rinig niyang wika ng isang boses lalaki. Napatingin-tingin naman siya at hinanap kung sino ang nagmamay-ari ng boses. 

"Nandito ako sa harapan mo."

Napakunot-noong napatingin si Gejiah sa asong nasa harap niya na nakaupo."Ikaw ba ang nagsasalita?" Gulat niyang tanong. 

 "Oo, ako nga." 

 "Pe-pero paanong nakakapagsalita ka? Ano ka ba?" 

 "Ang tawag sa aming nilalang ay itim na aso na may kakayahang makapagsalita at mag-anyong tao" sagot nito. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Journey Begins: The Magical Stones and the Black DogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon