M2M Short Stories "My Adopted Love" 1/4
Enrico Montecillo is a 30 years old operations manager in a BPO company. At his age meron na syang sariling bahay at sasakyan. Sa apat na magka kapatid si rico lang and di naka pasok sa professional field gaya ng mga kuya at ate nya na mga doctor, abugado at engineer. Bagaman napag iwanan sya na isang IT graduate, natuto naman syang maging madiskarte ng maka pasok ito sa BPO industry. After 9 months of working as an agent he became a trainer, after a year he became a team leader, and after 2 years became an operations manager. Hindi papatalbog si rico sa mga kapatid when it comes to success. Sa edad nya noon na 23 ay independent na sya sa mga magulang nya, di gaya ng mga kapatid na kung kelang umedad na ng 30 saka lang nakaalis sa puder ng mga magulang nila. Kaya nga lang kung gaano sya ka successful sa career sya namang malas nya sa love life.
When rico was just 24 at kakapromote nya pa lang noon as a trainer, he was trapped in a toxic relationship with Dave. Ang hirap din kasi kay rico madalas syang ma involved sa mga guys na may asawa. Nakilala nya si dave sa isang gay bar sa cubao at tuluyang na inlove sa lalaking, una pa lang ay pakinabang lang ang habol sa kanya. Hindi naman pangit si Enrico. In fact maraming bisexuals ang nag kakagusto at pumuporma sa kanya. But he keeps on turning them down. Kahawig ni rico si Alden Richards na maputi at malakas ang sex appeal. Kung tutuusin mas gwapo pa sya sa bf nyang si dave. Kaya nga lang ay malambot syang gumalaw. Di mo sya mapag kakamalang gay kapag di sya nag sasalita. Maraming babae ang napapalingon sa kanya sa tuwing mag iikot ito sa mall. Kaya nga lang ay baliw eto sa lalaki kapag sya ay na iinlove. Kesyo straight ang gusto nya at di sya na aatract sa mga kalahi. Yan ang lagi nyang excuse kapag tinatanong sya ng mga kaibigan nya.
Although hirap sa lovelife si rico ay maganda naman ang takbo ng career nya sa work. Lagi syang ahead sa mga kapwa nya trainers and sobrang puring puri sya ng kanyang mga boss. Rico would always say "Ganun ata talaga kapag swerte ka sa career, magiging malas ka sa pag ibig like Kris Aquino." Rico's family on the other hand ay dumadanas ng matinding pag subok. Rico's dad has been hiding his secret affair for a long time at ngayon lang lumabas ang katotohanan.
Other people sees him as strong and a well determined person. Little did they know na sa likod ng sophisticated personality ni rico ay nag tatago ang isang broken hearted na tao. Idagdag mo pa ang obvious na obvious na pang huhuthot ni Dave sa kanya na ultimo pang gastos ng pag bubuntis ng asawa nito ay sa kanya inaasa. Kapalit ng sex at attensyon pera ni rico ang pambayad sa lahat ng mga ito. "Ghorl? Okay ka lang ba?" tricia asked rico, "Bes nahuli ko si dave may ka chat na bakla sa messenger." rico replied. "Alam mo bes, gusto ko sana mag advice sayo kaso kahit ilang beses ko ng sabihin sayo na iwanan mo na yang si dave di ka naman nakikinig sa sinasabi ko."
Halos madurog naman ang puso ng childhood bestfriend ni rico na si tricia habang nakikita nyang nasasaktan at nahihirapan na ito sa relasyon nilang dalawa ni dave. Kung pupwede nga lang batukan na ni tricia si rico para magising ito sa katotohanan baka upuan na ang ihampas nya dito. Whenever rico is at his lowest point in life, naka ugalian nya ng pumunta ng antipolo para mag relax at uminom habang naka tanaw sa city view mula sa mataas na bahagi ng antipolo.
Iniiwan nya sa car wash shop ang kotse nya habang nag a-unwind eto sa katabing resto bar na may magandang ambiance. It was Sunday night when rico decided to go and visit his favorite resto bar in antipolo. Feeling nya kasi ay masisiraan na sya ng ulo sa dami ng problemang pinag dadaanan nya. Nahuli nyang may ibang baklang pinopormahan si Dave kahiit pa halos ubusin na nito ang pera nya sa tuwing nag kikita sila. Dumagdag pa ang problema nya sa pamilya nya na kung kelan tumanda na ang kanyang mga magulang ay ngayon pa nanganganib na maging broken family sila.
As usual iginarahe nya ang kotse nya sa car wash shop at dun nya iiwanan eto at saka iinom sa katabing resto bar at mag uubos ng isang pakete ng sigarilyo. As he was about to unbuckle his safety belt napansin ni rico na sinisigawan ng may ari ang isang binatilyo at hinampas pa ito ng tabo sa ulo. Nang makita ito ni rico ay dali dali syang lumabas ng sasakyan at tinungo ang may ari ng car wash shop. "Sir! Wait po, minor pa po ata itong sinasaktan nyo baka po makasuhan kayo?" pag awat ni rico sa owner ng car shop. "Sir! Kargo ko yang tangang yan at ako ang bumuhay dyan mula ng iwanan dito yan nang nanay nyang sira ulo. Kahit ikaw ang lumagay sa lugar ko magagalit ka kung malaman mong natakasan ka ng isang customer ng dahil sa kabobohan ng gagong yan! I am running a business not a charitable institution." pag papaliwanag ng may ari ng shop.
YOU ARE READING
M2M Short Stories: My Adopted Love
Ficção GeralSi Rico ay isang Operations Manager sa isang BPO company na madalas nag papalinis ng sasakyan sa isang car wash shop sa antipolo. Habang si Kel naman ay tauhan dito. Malayo ang agwat ng kanilang mga edad. Ito ay istorya ng dalawang lalaki na pinag t...