My Adopted Love 3/4

782 9 0
                                    

M2M Short Stories "My Adopted Love" 3/4

It was rico's birthday when he heard about the news that he got the position that he applied for. Sobrang saya nun ni rico dahil finally isa na syang ganap na Operations Manager. Kakauwi lang ni kel galing sa kolehiyong pinapasukan niya nang sinalubong siya ni rico ng magandang balita. Masaya sya para kay rico but at the same time natatakot sya na mas lalo pang lalala ang promiscuous relationships nito ngayong mas malaki na ang kanyang sweldo. Habang kumakain sila ni rico ng hapunan ay nakiusap si kel sa kanya, "Gusto ko sana magpaalam sayo na balak kong pumasok as service crew sa isang fast food chain para makagaan naman kahit papaano sa mga gastosin." Na puzzled naman si rico sa pakiusap ni kel. "Kulang ba yung tuition fee mo at baong pera na binibigay ko para mag hanap ka pa ng trabaho?" Tanong ni rico sa binata. Hindi lang masabi ni kel na humahanap lang sya ng dahilan para mas mapadalas ng pag alis sa bahay. Dahil di nya na maatim na nakikita si rico na kung sino sino ang inuuwi nitong bagong karelasyon.

"Gusto ko lag makabawas sa mga gastosin mo." sagot naman ni kel kay rico. "Bakit? Narinig mo ba akong nag reklamo sa mga gastosin natin dito sa bahay saka dyan sa pag ka-college mo?" naiinis na sagot ni rico. Hindi na lang kumibo si kel at pinaspasan ang pag ubos ng kanyang kinakain. Nang matapos na ito sa kanyang pagkain ay dalidali nyang niligpit ang pinagkainan at hinugasan kaagad ito. "KEL, MAY PROBLEMA BA TAYO?" tanong ni rico sa binata. Ngunit hindi pa rin ito kumibo. Sa inis ni rico sa inasal ni kel ay nag aya itong mag victory celebration sila ng mga ka opisina nya sa bahay to make an excuse para makapag inom at makapag walwal. This is how rico faces his emotions when he could no longer handle the situation. Buong mag damag na nag inuman sa garahe ng bahay nya ang mga ka officemate ni rico. Hanggat isa isa na ring nag sipag-uwi ang mga ito. Naiwang lasing at lupaypay na si rico kaya binuhat na ito ni kel papunta sa kanyang kwarto .

Hinubaran nya ng suot nitong tshirt at shorts si rico, para sana punasan ng basang tuwalyita na binabad sa tubig na may yelo. Para mahimasmasan ito at mawala ang kalasingang dulot ng maraming na inom na alak. Kaya lamang ay napa hinto si kel nang tumambad sa kanya ang maputi at makinis na katawan ni rico. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman habang tinititigan nya ang hubad na katawan nito. Nag iinit ang kanyang mga tenga at pinagpapawisan kahit pa malamig ang aircon sa kwarto. Hindi na mapigilan ni kel ang nararamdaman kaya dahan dahan nyang inilapit ang kanyang mukha sa natutulog na si rico.

Dahan dahan nyang hinalikan ang mga labi ni rico habang wala namang malay ito sa ginagawa sa kanya ng binata. Pakiramdam ni kel ay may kung anong pwersa ang nag tutulak sa kanya na halikan si rico. Unti unti nya nang hinuhubad ang kanyang suot na damit hanggang parehos na silang naka hubad ni rico. Pumatong sa kanya si kel habang patuloy syang hinahalikan nito. Dahil sa bigat at sa kakaibang nararamdaman sa kanyang labi ay unti unti namang na gising si rico. Laking gulat nito ng makita nyang naka patong sa kanya ang hubad na binata. "Kel??? Anong ginagawa mo???" tinulak nya ito papalayo na tila gulong gulo sa nangyayari. "Mali to kel?" ani ni rico kay kel nakaluhod habang naka patong sa kanyang mga binti.

"ANONG MALI SA GINAGAWA KO? LAHAT NAMAN NG SINASABI MO SINUSUNOD KO AH? KELAN KITA NILOKO SA PERA? KELAN KITA SINAKTAN? BAKIT BA ANG HIRAP PARA SAYO NA TANGGAPIN AKO? DAHIL BA MAHIRAP LANG AKO? DAHIL IBANG LALAKI ANG TYPE MO??? GANUN MO BA AKO KINADIDIRIHAN??? BAKIT HINDI AKO??? NEVER KITANG INIWAN LAGI AKONG NASA TABI MO!!!" naiiyak na tanong ni kel kay rico. Hindi naman malaman ni rico kung anong isasagot sa binata. Kaya naka titig lang sya dito. Umalis na sa pag kakaluhod nya sa harapan ni rico si kel at umupo sa ibaba ng kama. "Alam mo bang lahat ng ipinag tatrabaho ko ang dahilan ay para sa ikakabuti mo? Hindi ako mapag samantalang tao kel, Gusto kita kaso ayoko namang isipin mong kaya ako mabuti sayo dahil katawan mo lang ang habol ko. Alam mo naman malaki ang agwat ng edad natin diba?" maluha luhang sambit ni rico sa binata.

End of 3/4

M2M Short Stories: My Adopted LoveWhere stories live. Discover now