M2M Short Stories "My Adopted Love" 2/4
It was Sunday afternoon when kel is busy cleaning the parking space, nag biglang tumunog ang door bell. Pinag buksan nya ito at tinanong kung sino ang hinahanap. "Ikaw ang sino?" sagot ng lalaking nasa harapan ng gate. Naalala ni kel ang itsura ng lalaki na kasama ni rico sa mga pictures nito sa kwarto every time na maglilinis sya. "Siguro eto yung dave" he asked himself while staring at the guy in front of him. "Pinsan po ko ni rico." sagot naman ni kel sa bisita. "Tumabi ka nga, asan ang pinsan mo?" tanong ni dave kay kel. "Nasa meeting kasama mga clients." sagot naman ng binatilyo. "Hindi ka familiar sa akin. Tiga saan ka?" pang uusisa ni dave. "Taga antipolo." sagot naman ni kel. Dumiretso naman agad sa ref si dave at kumuha ng maiinom.
"Buksan mo aircon sa kwarto mag papahinga ako." ani ni dave kay kel. Tinignan naman ito ng masama ni kel. "Ano pang tinatanga tanga mo dyan? Dalian mo na. Buksan mo yung aircon." mistulang amo kung maka utos ito kay kel. "Sabi ni ate, wag kong bubuksan ang kwarto nya hanggang wala sya dito." matapang na sagot ng binatilyo. "Gago ka pala eh? Syota ako pinsan ka lang. Kaya matuto kang lumagay sa lugar mo!" pag aangas ni dave kay kel. "Edi ikaw ang mag bukas ng aircn kung gusto mo!" sagot ni kel kay dave. "Tarantadong to ah?" ani ni dave. Nang may bumusina naman sa labas ng gate. Iniwanan ni kel si dave sa kusina at dali daling binuksan ang gate. Rico arrived after almost a whole day of meeting with the clients.
"Andyan po jowa nyo sa loob."salubong ni kel kay rico. "Oh, kamusta? May ginawa bang masama sayo?" tanong agad ni rico habang papalabas ng kotse. Hindi kumibo si kel, dumiretso naman agad si rico sa kinaroroonan ni dave. "Buti naisipan mo kong bisitahin? May kailangan ka ba?" bungad ni rico sa nobyo. Di sinagot ni dave ang tanong ni rico, "Sino ba tong kolokoy na bago mong kasama dito?" tanong ni rico kay dave. "Pinsan ko yan, si kel. Bakit nga nandito ka? Wala ka na bang makuha dun sa isa mong bakla?" ani ni rico. "Huwag mo ko simulan dyan sa kakaselos mo ha? Alam mo kung anong trabaho ko. Ini entertain ko lang mga chat nung kliyente ko." galit na tugon ni dave.
Marahil ay pinipigilan nitong mapikon sa inaasal ni rico kaya umakyat na lang to sa kwarto at iniwan ang dalawa sa baba. "Pag pasensyahan mo na yan. Ganyan lang ugali nyan. Kunin mo yung folder ko dun sa likod ng driver's seat andun yung registration form mo para sa home study program. I-fill up mo tapos iwanan mo na lang na blangko yung mga di mo maintindihan mamaya sasamahan kitang sagotan mga yun." bilin ni rico sa binatilyo. "Di ka ba muna kakain nag luto ako ng sinigang eh." malumanay na tanong ni kel kay rico. "Mamaya na kel, mukhang may problema nanamang dala tong lalaking nasa taas." sagot ni rico dito.
Umakyat na si rico at kinausap si dave na mukhang kanina pa iritable. "Nag tataka lang ako na alam mo pang pumunta dito? Ilang buwan kang di nag paramdam tapos ngayon nandito ka?" tanong ni rico kay dave. "Manganganak na kasi si pats, manghihiram sana ako sayo ng 27 thousand." makapal na sagot ni dave kay rico. "Wow ha? Bakit sa akin? Diba nga di mo na sinasagot mga chat ko, pinapatayan mo ko ng phone kapag tinatawagan kita. Tapos ngayon ako ang lalapitan mo?" sumbat naman ni rico. "PUTANG INA MO PALA EH? PARA SAAN PA NA CHINUCHUPA MO KO AT PINAPAKILALA MO KONG SYOTA MO. TAPOS KONTING BAGAY PAG DADAMUTAN MO KO???" pabulyaw na sagot nito kay rico.
Nadidinig naman ni kel ang pag didiskusyon ng dalawa sa baba. Napapa higpit ang pag hawak ni kel sa basahang ipinupunas nya sa lamesa kung saan nag iwan ng bakas ng pinag inuman ni dave kanina. Palakas ng palakas ang palitan ng sigaw ng dalawa hanggang sa nakarinig na lamang ng kumakalabog si kel. Dali dali itong umakyat ng kwarto ni rico at nakitang naka handusay sa sahig si rico habang binibitbit naman ni dave ang laptop at cellphone nito. Nilapitan kaagad ni kel si rico at inalalayan itong makabangon. Nang aktong aambahan namin ni kel si dave ay pinigilan sya ni rico. "Huwag ka ng lumaban mas malaki yan sayo masasaktan ka lang." bulong ni rico sa binata. Dali dali namang binitbit ni dave ang laptop at cellphone ni rico dahil ayaw mag bigay ng pera nito. Umalis ang nobyo ni rico na minumura sya habang papalabas ng bahay.
Dali dali namang kumuha ng betadine at bulak si kel sa first aid kit ni rico at pinahiran kaagad ang parte ng labi nito na tinamaan ng suntok. Di naman kumikibo si kel habang pinapahiran ng gamot ang pumutok na labi ni rico. Pero naluluha ito at nanginginig sa galit. "Kel, kel, kel!" ani ni rico habang tinititigan nito ang binata. "Po?" sagot naman ni kel. "Paki abot mo naman sa akin yung telepono may tatawagan lang ako." Tumayo naman si kel at kinuha ang wireless phone sa tabi ng kama at iniabot ito kay rico. Tinawagan ni rico ang kaibigan na si tricia na galit na galit naman sa narinig na ginawa ni rico.
Makaraan ang ilang oras ay dumating sa bahay ni rico si tricia at pilit itong mag pa blotter at mag pa medical. Naiwan si kel sa bahay na kinikimkim lang ang galit nang makitang sinaktan ni dave ang kaisa isang taong nag pakita sa kanya ng kabutihan. After that incident naging saksi si kel sa pa iba ibang pakikipag relasyon ni rico na tila nag hahanap ito ng lalaking siseryoso sa kanya. Maka ilang beses nya ding nasaksihan ang pakikipag talik ni rico sa mga nakaka relasyon nito na pare parehos lang ang kinahihinatnan. Lumipas ang mga araw, buwan, at mga taon ganun at ganun pa din ang palaging bagsak ni rico sa mga nakaka relasyon.
After 5 years ay nakapag tapos na din si kel ng highschool sa tulong ni rico. Tinuring syang kapamilya ni rico, at sinuklian naman ni kel ng pag seserbisyo sa kanilang bahay ang bawat tulong na ibinibigay nito. Malayong malayo na sa dati nyang itsura ang binata. Wala na ang patpating pangangatawan niya, Tumangkad at tumikas ang kanyang pangangatawan at lalo pang mas gumwapo. Mabalbon at moreno si kel, Mapupungay ang kanyang mata na mukhang bumbayin sa kapal ng kilay. Marami namang mga dalagang kapitbahay ang nag paparamdam sa binata ngunit di nya ito pinapansin. Sa paningin ni kel pangit sya at laging mababa ang self esteem. Napapansin naman ito ni rico kaya ng minsan ay natanong nya ito. "Kel, kelan ka ba mag uuwi dito ng girlfriend mo? Sa gwapo mong yan imposible namang walang nagkaka gusto sayo? Mukhang wala ka atang pinapakilala sa akin? O baka naman nag tatago ka lang kayo akin ng gf mo? Wag na kayong mahiya sa akin." napansin nya namang napa irap si kel at tila sumimangot. Kitang kita sa mga mata nito na di nya nagustohan ang tanong ni rico. "May nasabi ba ako mali?" tanong muli ni rico. Kumunot ang noo ni kel at nag salubong ang makakapal nitong kilay. "Di ako gwapo. Di nga ako mapansin ng taong mahal na mahal ko."
End of 2/4
YOU ARE READING
M2M Short Stories: My Adopted Love
General FictionSi Rico ay isang Operations Manager sa isang BPO company na madalas nag papalinis ng sasakyan sa isang car wash shop sa antipolo. Habang si Kel naman ay tauhan dito. Malayo ang agwat ng kanilang mga edad. Ito ay istorya ng dalawang lalaki na pinag t...