Wakas

75 5 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

~ Benevelle ~

"Maaayos din ang lahat," iyan ang pangwakas ng headmaster sa ibinigay niyang closing remarks.

Napakalaki ng arena para sa kakaunting tao ngayon. Talaga namang napaaga ang pagtatapos ng mga scholars ngayong taon dahil dalawang araw lamang ang lumipas pagkatapos ng year-end duel ay idinaos na namin ito. Kasalukuyan naman off limits ang bumagsak na academy. Nagkatotoo iyong bad wish.

Nakatanggap ako ng mensahe kay Riel na darating siya ngayong araw at tunay ngang bumalik siya para hamunin ang kuya niya sa posisyon bilang ranker. Sa duel nila nag-umpisa ang graduation. Medyo maligalig ang kasalukuyang kalagayan ni Blue at hinahanap pa din niya sa akin si Fiona. Sa huli ay nanalo si Riel sa laban.

This year's Hark Knights!
1st Rank: Somi
2nd Rank: Quinn
3rd Rank: Bern
4th Rank: Dominique
5th Rank: Camilla
6th Rank: Pierce
7th Rank: Zen

"Congratulations!" masiglang bati ni Snow kay Somi. "Ikwento mo sa akin iyong training niyo ni Lovelle ha, huwag mong kakalimutan."

"Yeah, hindi kita kakalimutan. Flowers for you," malokong sagot ni Somi. "Ouch. That's rude bro," baling nito kay Thunder habang nakahawak sa ulo.

"Puro ka kalokohan," sabi ni Thunder saka siya ihiniwalay sa kakambal niya.

"Hindi ako nagloloko, matagal na kitang gustong maging bro, bro!" iritang lumayo si Thunder sa kaniya nang subukan ni Somi na yakapin siya. Ayun, naghabulan sila na parang bata.

Lumipad si Thunder pero hinila siya pababa ng vines ni Somi.

"Noisy," pagrereklamo ni Quinn.

"Hey, you're going back to your kingdom already?"

"Yes. Hindi ako makakapag-turnover ng ranker duties, Elmira. Aero decided to implement a lockdown, maaaring kami ang mauunang atakihin ng bagong Ignis based on location. We need to get ready," mahabang paliwanag ni Quinn habang nangangamba sa kingdom wars na maaaring maganap sa nalalapit na panahon. "Ikaw na ang bahala kay Mina."

"This is crazy. Mukhang tayong tatlo lang ni Silver ang magtuturn-over ng duties sa mga bagong rankers mamaya. Wala din si Bern," nagmamaktol na sabi ni Snow.

Katunayan, madaming scholars ang hindi nakadalo sa kanilang pagtatapos dahil kinakailangan na sila sa mga kaharian nila. Karamihan sa kanila ay mga Aero, Aero-Aqua, at Aqua. Maging si Blue ay pinabalik na sa kingdom nila at si Riel na lang ang nandito.

"Hindi ko alam kung magpapasalamat ako na nasa kaharian ako nung atakihin ang academy. Pagbalik ko nagbago na. Akala ko nga noong una sa kung saan na ako dinala ng mga kawal pero siyempre hindi naman nila gagawin iyon," mahabang sabi niya sa tabi ko.

"Paano na niyan next academic year?" dagdag naman ni Mina na nasa kabilang gilid ko.

Hindi ko din alam. Malaking numero din ng mga estudyante ang naibawas sa amin, ang iba ay biktima ng paglusob, and iba ay ipinatawag sa kanilang mga kaharian, ang iba ay kusang umuwi at hindi na daw babalik para sa susunod na taon.

"We should wrap up," sabi ni Silver na kadarating lang. Kasunod nito sila Thunder at Somi na nagbalik sa orihinal na anyo.

"Let's go," sabi ni Snow na binigyan sila ng dyeing potion and contact lenses.

Sinundan namin ang mga rankers at nagtungo sa bagong ranker's suite. Mukha itong makalumang Victorian house na may dalawang palapag.  Kailan ito napatayo?

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now