3rd World Dead Country (Zombie Apocalypse Story)

2.4K 29 13
                                    

3RD WORLD

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

FICTION MADE ZOMBIE STORY PO ITO!

THE STORY CONTAINS SCENES OF EXTREME VIOLENCE.

SANA PO MAGUSTUHAN NINYO!

Lahat po ng mga mababanggit na ibang pangalan dito ay kathang isip lamang.

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

Chapter 1: Living Nightmare

Ako si Sean. Simpleng estudyante na nagaaral sa isang paaralan sa may Taft. Gusto ko maging guro. Simple lang ang gusto ko sa buhay, makatapos, magkatrabaho, tumulong sa pamilya at higit sa lahat, ikasal sa kasintahan kong si Pamela.

Kaso... Iba nangyari eh... Nagbago ang lahat...

Nagsimula lahat nung pauwi ako mula sa eskwela. Tinext ko si mahal at ang sabi ko hintayin niya ako sa bahay. Pinara ko ang bus para makauwi na ako. Baba sa Commonwealth tapos jeep papuntang Montalban. Pagkauwi ko wala ang kasintahan ko. Nakakita ako ng isang 'note' sa ref namin "Pupunta lang ako sa bayan mahal. Bibili lang ako ng groceries. I love you! ~ Pam". Nakakatuwa naman. Ang lambing talaga ng kasintahan ko sa akin.

Binuksan ko ang telebisyon at tumungo sa kwarto para magbihis. Nagbihis ako ng jogging pants saka white t-shirt, mga paborito kong suotin. Habang nagbibihis ako sa kalagitnaan naputol yung programang teleserye sa telebisyon.

"Kasalukuyan po naming pinuputol ang programa para sa isang Flash Report. Isa umanong grupo ng mga lalaking baliw ang umatake sa isang sibilyan sa Rizal Park kaninang alas dos ng hapon. Di umanoy kinagat nila ang kawawang lalaki at kasalukuyan ngayong rumeresponde ang mga pulis. Live mula sa Rizal park si Francis Claver, Francis."

Nag mag pakita ang reporter puro putukan na ng baril at sigawan ng mga tao ang maririnig.

"ANJAN NA SILA!!", "Francis? Ano nangyayari ngayon jan Francis?"

"Nagkalat sila! Inaatake nila lahat ng makita nila! AAA~ AAAA~ AAAAAAAAAAAAA!!! *Static* ~"

"Francis? Come in Francis? Hindi po namin alam kung anong sitwasyon ngayon sa lugar ni Francis pero... Sandali po may karagdagang balita po na dumarating ngayon... Di ko po sigurado kung ano itong binabasa ko ngayon pero... Ang sabi dito ang mga patay ay bumabangon muli para kainin ang buhay. Di ko po sigurado ito pero ako mismo po ay nagugulat sa mga nababasa ko ngayon... *Crashing sounds* Teka ano yun? Anjan sila sa studio? Teka sandali lang *Woman scream* *Static* *WE ARE FACING SOME TECHNICAL DIFFICULTIES PLEASE STANDBY".

"What the hell? Ano yun?"

Nakakagulat ang nakita ko sa TV. Totoo kaya yun o pakulo nanamangng istasyon? Nabubuhay ang mga patay para kainin ang mga buhay? Di maganda ang kutob ko. Tumunog ang cellphone ko at nag text ang mahal ko

"Mahal, andito sina pareng Matt  saka ni mareng Myka. Wag na daw ako umuwi jan. Ewan ko ba dito. Ano ba sinasabi nito? Punta ka daw dito. Madali ka." 

Kelangan ko mag madali... Kung totoo ang sinabi sa balita, maaring nasa panganib ang mahal ko!

Nagmadali ako na kunin ang susi ng motor ko. Kinuha ko din ang wallet ko saka lisensya at tinignan ang labas ng gate. Wala namang tao o kahit na ano sa kalsada ngunit bago ako tumalikod may nakita akong isang babae naglalakad paakyat sa street namin. Dahan dahan lang ang lakad niya. Tinignan ko lang ang galaw niya parang iika ika ang lakad niya at napatingin siya sa akin. Laking gulat ko ng bigla siyang sumigaw ng pagkalakas at tumungo ng mabilis papunta sa akin.

3rd World Dead Country (Zombie Apocalypse Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon