Chapter 3: Fatal Reunion

802 12 0
                                    

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

Matt's Story

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

Ang mga nangyari bago makarating ng bahay ang grupo nila Pamela, Myka at Matt.

"Aba wala naman palang masyadong zombie dito. Mabuti nalang. Tara dito tayo pero tahimik lang. Baka tayo makita nung dalawa"

Nahiwalay kame kay Sean at ngayon nandito na kami sa tulay. Tinawid namin ito at bago kami makarating sa kabila, nagsalita si Pam.

"Matt, nasaan na si Sean, nagaalala ako. Di ba natin siya pwedeng balikan?"

"Delikado at mag-gagabi na mare, sigurado naman akong ligtas si pareng Sean." wika ng girlfriend ko.

"Mare, may tiwala ako dun kay Sean. Alam nun ang gagawin sa ganitong sitwasyon. Ngayon ang kelangan lang natin intindihin ay kung paano tayo makakapunta kaagad sa inyo. Mag aalas sais na."

"O sige." Nagaalala niyang sambit sa akin.

Mabagal at dahan dahan namin tinahak ang daanan ng San Jose highway hanggang makarating kami ng crossing. So far so good kasi wala naman kaming nakakasalubong. Mukhang ligtas naman kami. Hindi kami nakikita ng mga halimaw ng biglang~...

"AAAAAAAAAARGH!" Sigaw ng isang lalaking di katangkaran na may dalang shovel sumugod sa amin.

"What the hell? HOY di kami zombie!!"

"EH ANO KAYO??"

"Teka, Jhomar??"

Si Jhomar ang aming tropa simula pa highschool hanggang ngayon naka graduate na kami pwera kay Sean. Di ko malaman ang galak ko ng makita namin siya.

"What the fuc* Jhomar??"

"Put~pt..Pt~FUC*! Kaw nga Matt YEAAAAAH!"

"Aba paano ka nakarating dito?"

"World's gone to hell~shi* and sa tingin mo uupo lang ako sa bahay at magaalaga ng manok saka baboy?"

Si Jhomar kasi ay anak ng isang Poultry Farmer. Meron din silang piggery at sila ang leading supplier ng mga manok sa palengke dito sa Montalban.

"Wala kang kasama Jhomar?"

"Oo eh. Teka diba si Mareng Pam at Myka to?"

"Oo nahiwalay kami kay Sean eh."

"Oh shi*. Asan pala si Sean?"

"Andun pa sa bayan."

Naputol ang usapan namin ng makarinig kami ng mga ungol  ng mga halimaw papalapit sa amin.

"Fuc*in* shi* tara na. May sasakyan ako dito"

"Teka pare, pedicab yan aa?"

"Wag ka na maarte Matt! Sakay na sa loob mga mare"

"Teka paano ako???"

"Magtutulak ka muna habang pumapadyak ako."

"What the fuc*?"

"Salitan naman tayo bilis na!"

Dinaanan namin ang malubak lubak na daan papuntang Amityville subdivision. Pero bago kami makarating, nadaanan namin ang sementeryo ng Forest Lawn na may sandamukal na zombie ang pababa.

3rd World Dead Country (Zombie Apocalypse Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon