Chapter 4: Dispatch

717 13 0
                                    

Samantala, sa Quezon City, ang Gobyerno ng Pilipinas ay inutusan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na makipagtulungan sa mga lokal na kapulisan at iba pang ahensya ng segurdad sa buong Pilipinas upang gumawa ng mga lugar kung saan pwede itong gawing evacuation centers, base militar at lugar na ligtas para sa mga tao sa buong Pilipinas. Ang Gobyerno din ay nag utos ng iilang mga tauhan ng militar at ibang mga nagkusang loob na tumulong iligtas ang mga naiwang sibilyan sa kanilang mga tahanan o mga taong dapat pang iligtas na naipit sa kagulihan. Ang kanilang base militar ay ngayon naka destino sa may Quezon City Memorial Circle. Ito ngayon ang pinalibutan ng mga sandbag na nakapalibot sa buong lugar, matataas na mga bakod, concrete barriers at mga barbed fences. Binabantayan din ito ng mga militar upang masiguro na ligtas at maayos ang pagpunta ng mga tao. Bawat gate ay may mga Doctor, Scientist at iba pang mga medical personnel na titingin sa bawat sibilyang papasok kung sila ay may impeksyon mula sa mga nananalantang di pa tao na di pa tiyak kung buhay o patay. Ang bawat makumpirmang may sakit ay hindi pinapayagan sa loob. Kasama ng pamahalaan ang Local Media upang magpalaganap ng balita sa ibang tao at ipaalam ang mga dapat gawin sa kasalukuyang sakuna. Pinipilit ng lahat na makipag ayos at gawin ang lahat ng makakaya nila para maayos ang kaguluhan.

Samantala ang militar ay kinakapos na sa mga tao nila na pwedeng tumulong sa sakuna. Kinukuha nila lahat ng mga reserved military official nila para mag trabaho. Kasama dito si Jan Michael.

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

Jan's Story

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

Ako si Jan Michael or JM for short. Isa akong reserved army Lieutenant dahil sa nag R.O.T.C. ako hanggang college. Pero ang trabaho ko talaga ay isang professional photographer at advertisment designer.  Naasign lang ako dito kasi kinakapos na ng tao ang military kaya isinali, rather sumali na ako. May bayad naman ito pero, come on man! Just give me a scoped rifle and lots of ammo and food and water sige game! Di mo na mapapakinabangan ang pera sa panahong kagaya nito. Dumb shi* ka nalang kung mukha ka paring pera.

Na-assign ako bilang part ng Delta team. Wow! Delta? Alam ko mahuhusay ang napapasok sa team na ito. Nasa ilalim kami ng pamumuno ni Captain James Raynor. Pinag sama-sama niya ang 10 miyembro ng Delta upang sabihan tungkol sa aming magaganap na operasyon.

"Team, ako si Captain James. Sinasabi ko ito dahil ang Delta Team ay team lang ng mga bagong recruit na may angking husay at galing. Kaso ngayon lahat tayo ay naka assign bilang rescue team. Sa Montalban tayo naka-assign kaya maswerte kayo kung may pamilya kayo doon. May mga natanggap na distress call mula sa mga piling lugar sa Montalban. Maghihiwahiwalay tayo upang mas mabilis ang paghahanap. Dalawang tao sa mas maliit na grupo.

"Di po ba dapat magkakasama tayo? Mas ligtas kaya pag ganun?" tugon ng isa naming kasamahang si Kirck.

"Pag mas marami kasi tayo, unang una matatagalan. Ikalawa, mahirap gumala sa bayan na iyon ng sama-sama. Mas maraming makukuhang atensyon mula sa  mga zombie. Diretso tayo sa lugar kung saan ang bawat isa ay naka destino. Kayo ni..."

May punto si Captain. Pero mas delikado ang misyon kung hiwahiwalay. Kelangan maging maingat kami sa bawat galaw namin dun. Kung hindi KARAKRRGAAAH na ang salita namin.

*Paumanhin sa imahinasyon ni Jan tungkol sa boses ng zombie...*

 "At ikaw PFC. Jan ay makikipag-team kay Sergeant Aya Kono. Naka-assign kayo sa Amityville point hanggang Bukid residencies."

HEAVY SHI* DUUUUUDE! Seryoso? Makikipag team ako kay Sgt. Aya?

"Ok team rendezvous tayo sa helipad. Gear up with your choice suppressed weapons. Be there in 30 minutes. Dismissed."

Dang. Balita ko si Sgt. Aya daw ay dating Recon ng Philippine SEAL na nakadestino noon sa Mindanao. Pero ng magkaroon ng Bangsamoro, bumalik siya dito sa Manila. Di ako makapaniwala na Recon siya, di ba siya nakikita sa dilim eh ang puti niya??

Teka lumalapit ba siya sa akin? O_O"

"Nice to meet you PFC. Jan. Ikaw pala ang wingman ko sa misyon na ito. You do as I say and no heroics okay ba? I expect magiging maayos ang takbo ng misyon natin."

"Ye~yes Sergeant!"

"See you at the flight deck."

Shi*! O_O" Nakaka-intimidate siya kasama... Ang ganda pa niya. Damn... Teka kelangan mag focus sa misyon. Walang oras para manigas ako dito. Kinuha ko ang trusty rifle na inissue sa akin. M-14 Sniper Suppressed. Binigyan din ako ng suppressed Beretta at mahigit 120 rifle ammo at 60 9mm bullets saka isang Combat Knife. Nakita ko si Sgt. Aya na may dala lamang na MP9 Submachine Gun at isang kung hindi ako nagkakamali ay tinatawag na "Ladysmith" Pistol at combat knife. Bagay talaga sa kanya ang suot niyang combat uniform na digital ang kulay. Sinigurado ko din na may laman itong canteen ko ng tubig. Mahirap ng mauhaw sa gitna ng mga naglalakad na patay na tao.

Kami ay idinispatch ng command ng 11pm. Within estimated 30 minutes nasa airspace na kami ng Montalban at tanaw na namin ang landing point. Bago kami mag touch down eh inutusan ako at ang isa pang miyembro na patayin ang mga zombie sa landing zone. May 8 sa baba at napabagsak ko ang anim sa mga ito. Mas sanay akong rifle man kesa sa isa naming kasama.

Pag touch down namin ay naglagay agad kami ng perimeter para hindi kami pasukin ng zombie ang helipad. Matapos ay tinipon kami ng Captain namin...

"Team, alam ko, nararamdaman ninyo na parang suicide mission ang gagawin natin..."

No shi*?

"Pero may mga taong nangangailangan ng tulong natin. Kaya tayo ang na-assign bilang rescue team kasi Delta tayo. Grupo ng magagaling. Pero pinapahalagahan ko ang bawat isa sa inyo. Gusto ko lang kayo sabihan na magingat. Dahil pag tagal kakailanganin pa kayo ng nakararami sa mga susunod na misyon. Alam ninyo na ang mga lugar kung san kayo naka destino. Lahat tayo babalik ng buhay oorah?"

*OORAH!*

 Ang dala naming isang Chinook chopper ay may dalang dalawang military humvee at ginamit namin ni Sgt. Aya ang isa dahil may isang oras ang biyahe papuntang Amity at Bukid kung lalakarin lang. Ironic nga lang eh may dala ang  jeep na ito ng isang high caliber light machine gun. Ibig sabihin louda** weaponry.

Si Sgt. Aya ang nagdrive ate mabilis siya magpatakbo. As in mahuhulog ang pagkalalaki mo kapag siya ang nagdrive kaya mabilis kami halos nakarating ng Forest Lawn Cemetery. Sandali nalang at malapit na kami.

So far so good kasi sa bilis nga ng takbo namin eh wala kaming napasunod na mga zombie. Ngunit nagulat kami sa narinig namin. Putukan ng baril sa di kalayuan. Isa sigurong grupo ng mga buhay ang lumalaban sa di kalayuan. Hula ko ay pataas sa subdivision yun.

"Private Jan, naririnig mo ba yun?"

"Yes Sergeant. Orders?"

"Pupunta tayo dun."

Habang papunta kami nakasalubong namin ang grupo ng mga zombie na papunta sa direksyon kung saan nanggagaling ang tunog ng baril. Sinubukan ko silang paulanan ng bala gamit ang light machine gun ng sasakyan at napagsak ko ang ilan.

"Pvt. Jan! Iikot tayo sa kanila. Ikaw ang may alam ng lugar na ito may alam ka bang ibang ruta papunta sa pinupuntahan ng mga zombie?"

Habang niraratrat ko sila "Yes Sgt! Dirediretsuhin natin pataas at may kakaliwa tayo sa unang kanto tapos kaliwa ulit. Siguro madadaanan natin sila mula sa likod mula dun."

"Sige kumapit ka maigi."

At dumiretso kami sa sinabi kong daanan. Tumingin ako sa harapan hawak ang light machine gun at pinipili ko ang aking mga pinapatamaan para di aksayado sa bala.

Nang pag dating sa ikalawang liko pababa ng street nakita namin ang mga grupo nila. Dinirederetso namin at pumreno malapit sa likuran ng grupo nila.

"Sakay na dito sa sasakyan dali!!"

Parang pamilyar ang grupo nila sa akin. Pero di ko muna inisip at dali dali kong pinaulanan ng bala ang mga paakyat na mga zombie. 

3rd World Dead Country (Zombie Apocalypse Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon