Chapter 10: Fall of Manila

482 13 1
                                    

Di alam ng lahat ang pinanggalingan ng delubyong ito.

Ang sabi ng ilan ay mula ito sa inang kalikasan dahil patuloy natin siyang sinisira at lumalaban siya pabalik.

May ilang nagsasabi na eto ay galit ng Panginoon dahilan sa inaalipusta natin ang kanyang mga kautusan at mahilig tayo gumawa ng masama.

May mga experto naman sa Agham at teknolohiya na nagsasabi na ito ay kagagawan ng isang misteryosong sakit na hindi nila alam ang pinagmulan.

Kahit ano pa man ang pinanggalingan ng sakit, isa lang ang nakakasiguro...

Ito ay nakakamatay...

Ang sakit na ito ay naipapasa ng tao sa pamamagitan ng kahit anong may kinalaban sa dugo ng tao. Ang sabi ng ilang nakakita, pag nakagat ka, nakalmot, o nagkaroon ng contact sa kahit anong bukas na parte ng katawan mo kagaya ng sugat, mata, bibig at iba pa ay maaari mo itong makuha...

Ang sakit na ito ay paunti unting sinisira ang iyong immunity system. Isang sistema ng katawan na responsable sa pagpapanatili ng iyong kalusugan.

Pag nakuha mo ang sakit na ito ay makakaranas ka ng pananakit ng tiyan, panghihina ng katawan, masakit na katawan dahilan sa pagkakalason ng mga ugat, paninikip ng dibdib at parang binibiyak ang iyong ulo sa sakit. Matapos mo pagdaanan ang lahat...

Mamamatay ka...

Ngunit hindi tuluyan...

Ang sakit na ito ay unti unting bubuhayin ang iyong utak ngunit hindi ganap dahil wala kang maaalala.. At wala kang gusto... Kundi ang kumain at pumatay...

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

6:30 pm, Fort Quezon (Quezon City Circle Evacuation Center). Ang mga tao ay nagdadagsaan upang mailigtas sa paglaganap ng sakuna ng mga patay. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagdeklara ng Martial Law upang makontrol ang sitwasyon. Disiplina ang naging pangunahing binabantayan sa mga mamamayan upang hindi maging magulo ang pila papasok sa Fort. Lahat ng tao na pumapasok ay dumadaan sa pagsusulit sa kalusugan upang makasiguro na walang may impeksyon ang makakapasok sa loob.

Ang Fort Quezon ay isang malaking center island na pabilog ang hugis na inayos at nilagyan ng mga pader na gawa sa kahoy, barbed fences, concrete barriers at sand bags. Ang fort ay may apat na pasukan kung saan dumadaan ang mga tao at dumadaan sa screening. Ang mga pader ay gwardiyado ngunit kinakapos na ng mga tauhan ang gobyerno at sandatahang lakas. Sinasabi ngayon na ang Fort Quezon nalang ang natatanging lugar sa buong Quezon at kalakhang Maynila na ligtas.

Ang mga tao ay nagmamadali at dahil sa takot at inis sa pag pila, ang mga tao na mismo ay nagaaway-away. Tinatayang nasa mahigit limang libong tao ang dumadating ngunit ang populasyon na kaya lamang suportahan ng fort ay isang libo lamang  at ngayon ay mayroon ng mahigit pitong daang katao na ang nakakapasok kabilang na ang pamilya ng presidente at ang mga nagkakapalang mukha na mga senador. Andun nadin ang mga pamilya ng sundalo at mga workers.

Sa tindi ng komosyong nagaganap sa labas ay nahihirapan na ang sandatahan maitalaga ang disiplinang nasimulan nila. Ang mga tao ay nagkakagulo na sa pila at nagaagawan. Ang iba ay nagaaway na at ang karamihan ay nagpapanic na. Mga bata, matanda, babae at lalake gusto lahat makapasok sa refugee center...

Ngunit nagimbal ang lahat ng...

"AAAAA! ANDITO NA SILA!" sigaw ng isang lalakeng takot na takot.

Ang lahat ay lalong nataranta ng nagsulputan mula sa iba't ibang lugar ang mga halimaw. Mag kabilang direksyon ay may patayan. Ang mga tao ay mula sa iba't ibang direksyon nagtatakbuhan at ang ilan sinusubukan lumaban. Ang karamihan ng tao ay pinilit magsipasok sa refugee center at lalong nagkagulo.

Tulakan, banggaan, stampede. Yan ang kasalukuyang nagaganap sa gates ng refugee center. Napilitan ang pamahalaan na magutos na i-lockdown ang lugar at wala ng papasukin sa loob.

"SINASARA NA NILA ANG MGA GATE!!" sigaw ng isang babae na nakapansin ng unti unting pagsara ng gate ng refugee center.

Nagtulakan ang mga tao para makapasok sa loob. Ang ilan ay nakakayang sumiksik, ang ilan ay sinusubukan akyatin ang bakod ngunit nabibigo sila dahil sila ay binabaril ng mga sniper na nakabantay sa bakod.

Galit na galit ang mga tao sa nangyayari at napilitan sila sirain ang bakod na gawa sa mataas na kahoy lamang ng refugee center. Pinaghahampas nila ang isang side at pinipilit butasin, di kalaunan nagtagumpay sila.

Dahil sa kaguluhan nag-utos ang pinuno ng military na magtalaga ng shoot to kill order sa mga magtatankgang pumasok ng walang pahintulot. Lalong nanglaban ang mga tao at hindi kalaunan nasira na ang mga pader.

Lahat ng nasa refugee center ay nagulantang sa nangyari at ang mga halimaw ay patuloy lang sa pag dating. Mas marami ang namamatay at napapatay sa mga kaguluhan.

Nagmistulang warzone ang lugar at makikita mo kahit saan, kaliwa't kanan ang mga nakahandusay na patay na tao.

Ang mga halimaw ay nag piyesta sa dami ng kanilang biktima. Dumadami ang namamatay na tao at ang iba na may isip ay piniling umalis nalang sa lugar upang subukan ang kanilang kapalaran sa daan.

Ang mahigit limang libong tao na nagdagsaan ay kulang-kulang na nasa limang daan na lamang.

Makikita mo ang mga kaganapan sa baba mula sa taas.

Nakita ni Captain James, ang pinuno ng Delta team na nang iwan kila Sean ang lahat ng pangyayari.

"Overlord this is Delta Team, what's the situation on the ground over?"

"KshhhhkkkTkkszzzzZzzzT"

"Overlord come in! Request permission to land."

"KKsssHhkkkTzZzT"

"Fuc*!"

"Anong sitwasyon sa baba captain?" tanong ng isang kasama ng team delta.

"The city is lost and we are on our own."

Nagtinginan ang lahat sa kapitan nila. Lahat nangangamba at natatakot at parang hindi alam ang gagawin.

"Lieutenant, take us down somewhere na may flat roof."

"Yes captain."

"Manila has fallen... Pero kailangan natin mabuhay.. We must contact the other teams. We can still do this"

Ang huling pag-asa ng sangkatauhan ng Pilipinas ay wala na. Ang mga tao ngayon ay wala ng kilalang pinuno, wala ng gobyerno, wala ng tulong na dadating at wala ng pag-asa...

Wala naring pagkakaisa ang Pilipinas, hiwahiwalay, magkakalayo ang mga nabubuhay at mahina.

Ang Pilipinas ngayon ay isa ng bansang walang buhay...

3rd World Dead Country (Zombie Apocalypse Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon