Chapter 11: Provisions for a Journey

496 11 4
                                    

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~

Sean's Story

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~

So ayun nga. Isang linggo na nakaraan since everything went to hell. Montalban is nearly devoid of life. Wala na yung mga busy na street dito. Dating crowded na grocery mall ng Robinson's. Yung Montalban Town Center. Yung palengkeng napaka sikip. Wala na halos lahat. Bayan na ito ng mga... Halimaw... Nakakalungkot mang isipin pero wala na halos lahat.

Nawawalan na kami ng makakain sa eskwelahan kaya pinili na namin pumasada kahit na mahirap. Mas gusto na namin na maglibot sa buong bayan sakay ng mga sasakyang nakuha namin. Ang bawat isa ay nagtutulungan. Ang mga babae ng grupo ang mga taga gawa ng mga magagaan na gawain habang ang mga lalake ay banat buto. Di ko parin alam bakit ang bagal ko pumayat hahaha.

Ang mga dala naming sasakyan ay di kalakihan pero inayusan namin para pwede kami tumira sa mga sasakyan. Kumuha kami ng isang pick up truck na tinabasan namin ng likurang pader ng driver's seat para may access sa carry load sa likod. Yung carry load sa likod ang interesante hehehe... Kumuha kami ng mga trapal at kahoy na maninipis at ginawa namin parang bahay. Nilagyan namin ng stove para may lutuan saka ang sahig ay nilagyan namin ng banig. May all purpose generator din para may kuryente kami on the go. Etong si Matt ang lakas ng trip, pero sa tingin ko kailangan nadin namin, kumuha ng isang maliit na TV saka sandamuuuuukal na DVD para entertainment daw. Dahil sa sampu kami, hindi kami magkakasya sa iisang sasakyan lang kaya dalawa ang kinuha naming pick up truck. Ang isa namang sasakyan ay ganun din ang porma ngunit ang andito ay ang refrigerator namin saka mga coolers in case na hindi na gumana yung mga generators. Ang gas system namin ay minodify namin. Natutunan ni Jan yun sa pagaaral ng mga jeepney drivers sa kalkang Maynila nuong college kami. Ang lagayan nila ng gas ay nakatubo sa mas malaki pang lagayan. Kaya bukod sa fifteen liters ng gas ay nadagdagan pa ito ng five liters ng gas kaya pwede kami bumyahe na ng malalayo. Pero sa ngayon, hindi kami aalis hanggat hindi kami handa.

Ang mga hindi sa amin marunong mag drive ay tinuruan namin. Ako, si Aya at si Jan lang kasi ang mga marurunong magmaneho at ang lahat ay hindi pa. Jusko napaka hirap nila turuan pero eventually, natuto naman sina Matt, Jhofel at Jhomar. Ang mga babae mahirap talaga maturuan pero ayos lang. Ako at si Aya ang nagmamaneho ng mga sasakyan at tuwing bumabyahe kami, si Jan at si Matt ang mga look-out. Sa sasakyan ko, ako, si Pam, si Matt, si Myka, saka si Jhomar. Sa kabila naman sina Jan, Aya, Jhofel, Kamille at Scruffy,

Kami ngayon ay andito sa tapat ng grocery mall ng Robinson's para kumuha ulit ng mga pwedeng magamit at makakain. Sa likod kami pumarada kasi over runned na ang harapan. Dala ang mga makeshift weapons na nakuha namin, ako, sina Jhofel, Aya, si Kamille at Scruffy ang pumasok. Nagdala din kami ng mga sako at mga malalaking bag para sa mga dadalhin namin. Ang mga importante ay preserved foods, damit, gamot at survival gears kagaya ng flashlight, mapa, rechargeable batteries, radios, water canteens.

Ang pagpasok namin sa loob ay walang kahirap hirap pero nasa loob talaga ang challenge. Andito kami ngayon sa quarters ng mga empleyado kung saan ako pumasok noon. Nandito pa yung mga naaagnas na bangkay na dinaanan ko lang. Paglabas namin ng employees quarters may nakita kaming tatlong halimaw na nakaharang sa daan.

"Sean, Jhofs, get ready." sabi sa amin ni Aya.

Sinugod namin ang tatlo, si Jhofel ay itinaga ang machete niya sa ulo ng isa, si Aya naman ay itinarak ang knife niya sa ulo ng target niya at ako naman sinugod ko ang isa, binigyan ng left roundhouse at ng tumumba ay sinaksak ko sa sintido ng hindi na bumangon.

"Nice work guys."

Nagpatuloy kami at tinitignan bawat store na makita. Ang una naming nadaanan ay isang parlor, ang sumunod ay ang food court. Tinignan namin ang mga mapupulot pa. May mga plastic ng tinapay, ketchups, unused boxes of noodles at mga lata ng softdrinks. Konti lang ang mga ito at dumiretso na kami. May nadaanan kaming tindahan ng mga pambabaeng damit at sina Aya at Kamille na ang pumasok. Isinilid nila ang mga t-shirt at underwears at dumiretso na kami. Sumunod ay na aming nadaanan ay ang hardware. Dito, nakapatay ang mga ilaw kaya hindi kami basta-basta pwede pumasok. Ako, at si Aya ang pumasok sa loob. Dala ang mga flashlight dumiretso kami sa loob.

"Ang mga kailangan natin na makikita dito ay, pwede ang extra flashlights at mga batteries. Sabi ni Jan, kelangan din natin ng toolbox at tool kits." sabi ni Aya sa akin.

Di kalaunan nadaanan namin ang mga flashlights at kumuha kami ng lima. Nakikta narin kami sa di kalayuan ng mga recheargable batteries.

"Teka, Aya, di ba natin ito kailangan?" Tinuro ko ang mga battery powered camping torches.

"Hmmm sige pwede nga para pag gabi kahit papano may ilaw tayo."

Nilagay namin ang dalawa sa aming mga bag at dumiretso. Di kalayuan nakita namin ang mga toolbox at tool kits na kailangan ni Jan. Dali namin kinuha ang mga ito at bumalik pero sa aming pag talikod~

"Oh shi*!" biglang ginulat ng isang nagtatagong halimaw si Aya at ngayon siya'y nakikipag buno dito.

"AYA!" Dali kong sinipa palayo ang halimaw at tinaga ito sa ulo.

"Ayos ka lang?"

"Oo. Salamat."

Dumiretso na kami palabas at pumunta sa grocery. Nakita namin na hindi pa halos nagagalaw ang grocery, halatang mabilis talaga lahat ng pangyayari at wala ng taong naisipan na kumuha ng kailangan nila. Nakakita si Kamille ng isang mahabang tela at nakaisip ng kakaibang ideya. Itinali niya ng maluwag ang tela sa alaga niyang si Scruffy. Ngayon parang may superhero cape ang aso.

"Arf!" kahol sabay dilang tingin sa amin ni Scruffy. Ang cute talaga ng asong yun.

"Ngayon, pag may mga magagaang kailangan dalhin, since madulas naman ang sahig, pwede natin ipakaladkad kay Scruffy basta hindi siya mabibigatan. Mga kaya lang niyang dalhin eh mga chichiriya."

"Nice." Sabi ni Jhofel.

 Naghiwahiwalay kami. Ako at si Jhofel, sina Aya, Kamille at Scruffy. Kami ni Jhofel ang taga hakot ng mga mabibigat kagaya ng dalawang sakong bigas, delatang mga pagkain (SPAAAAM~ :p), at mga boteng inumin kagaya ng softdrinks at tubig. Sina Aya naman ang taga kuha ng mga hygiene materials kagaya ng sabon, shampoo, deo's, sanitary napkin at kung ano ano pa. Si Scruffy naman ang pinag dala nila ng mga chichiriya.

Sunod namin pinuntahan ang pharmacy at kinuha ang mga gamot na kailangan kagaya ng gamot sa sipon, aspirin, multivitamins, pain killers. Matapos ang pharmacy pumunta kami ng meat and vegetable section at sa excitement, dirediretsong tumakbo si Kamille papunta don at dali daling kumuha ng mga cold cuts ng karne.

"MAGLULUTO AKO NG NILAGA!!" Sigaw niya sa amin.

Kumuha din kami ng bag ng mga gulay na sigurado akong magugustuhan ni mahal ko. Andami naming nakuhang mga gamit. Sapat na para sa isang buwang paglalakbay. Kailangan parin tipirin ang mga ito. Biyaya kong masasabi ang mga ito.

Palabas na kami ng grocery ng biglang nag-iba ang mood ni Scruffy. Bigla siyang nagkakahol na  parang may nararamdaman na hindi maganda. Ng makita namin ang dahilan ng kinagagalit ni Scruffy, bigla kaming nagulat. Isang grupo ng mga halimaw ang nakapasok kung saan.

"Andami nila para labanan natin. Takbo na pabalik!"

Nagsitakbuhan kami palabas kung saan kami dumaan. Kinontak ni Aya si Jan na nasa labas na ihanda na ang mga sasakyan at aalis na kami.

"Jhofs! Kayo na ni Kamille ang maglabas ng mga karts! Kami ni Aya ang mag-hold sa kanila. Go!"

Itinulak nila Jhofel ang karts palabas at kami ni Aya ang nagpaputok sa mga halimaw.

"Jan! Anong balita sa sasakyan,?"

"Inilalagay na yung mga gamit sa sasakyan kayo nalang ang hinihintay."

"Sean, hindi natin kelangan magkasaya ng bala, tara na!"

Lumabas kami ng grocery at isinara ang pintuan. Dali kami sumakay ng sasakyan at dumiretso na palayo ngunit nakasunod parin sila.

"Drop em! Make your shot count." Utos ni Aya habang nagpaputok kami sa mga halimaw.

Pili lang ang mga binabaril namin. Yung mga kaya lang patamaan at nakalayo na kami sa lugar. Si Matt at Jan ang nagmamaneho at dumiretso na kami sa susunod na destinasyon. Ang Montalban Police Station.

3rd World Dead Country (Zombie Apocalypse Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon