PROLOGUE

71 5 2
                                    

Jewel's Point of View

"HOY! IMPAKTITA!!" Punyeta! makasigaw naman itong babaeng'to akala mo ang layo ko.

Inis ko siyang tinignan ."Tae! ano ba cherry? Huwag ka nga sumigaw."

" Anong ano ba? Kanina pa kaya ako dada nang dada dito hindi ka na imik, Ano lutang ka na naman? Lusaw na naman iyang katawang lupa mo? Dai kakakita palang natin oh , First day na first day tulaley ka agad, nakakaloka ka talaga!" Hysterical niyang sumbat, Sarap lang niyang kurutin sa gums ang ingay.

Inirapan ko lang siya at bumalik ako sa pangangalumbaba.

"Ay taray dedma, Anyare ba? Pangit ba naging bakasyon mo? Hindi ka ba nag enjoy sa bora? " Sunod-sunod na tanong ni cherry, Hindi naman'yon ang dahilan super nag enjoy kaya ako.

Napabuntong hininga na lang ako bago sumagot.

" Hindi naman iyon ang dahilan nag enjoy kaya ako, atsyaka kasama ko si mommy kaya walang reason para hindi ako mag-enjoy."

" Eh, What's wrong with your face? Kukurutin na kita eh! Dami mong hanash kumain kana nga." Sabi niya sabay subsob ng donut sa mukha ko.

Kinuha ko'yon at binalik ulit sa plato ko.

" Paano kasi-" Sabi ko na hindi natuloy dahil pinutol na niya agad ang sasabihin ko, bastos talaga.

"Kasi? Wait! Teka Wag mong sabihin na si Marcus
na naman'to ? Nako teh naka graduate na yung tao, stock ka parin? Uso mag move on uy." Bira na naman niya sa akin.

Kahit kailan talaga walang preno ang bunganga ng babaeng' to.

" Iyon na nga eh, Naka-graduate na siya pero hindi parin niya ako kilala, Kahit first name ko hindi niya alam, Naka-graduate siyang hindi ako na nonotice kahit fan sign wala." Ngusong sabi ko, baka nga hindi niya alam na may jewel na nag e-exist sa mundo na mahal na mahal siya.

Matagal ko na siyang gusto simula palang nung first year highschool ako, Kaya nga dito ako nag enroll sa Rodrigo University  para mag kita at mag kasama parin kami (kahit wala naman talagang kami) lumipas na ang isang taon pero hindi man lang kami nagkaroon ng chance na magkaroon getting to know each other, Umaasa ako na someday, somehow eh mapapansin din niya ako, pero shuta naka-graduate na siya lahat lahat pero nganga parin ako.

"Eh diba ka-subdivision mo lang si Markus? Edi puntahan mo sa bahay nila tapos yayain  mo na magpakasal para tapos." Suggestion ni cherry habang abala sa pagkain, Buti sana kung ganun kadali yon, sabihin pa ni Marcus na patay na patay ako sa kan'ya.

" Gaga! Kailangan kong magpakadalagang pilipina, pero pinuntahan ko siya sa bahay nila bago kami pumunta ng bora kaso walang tao aso nalang nila yung andoon, Saan kaya si Markus nag bakasyon?" Malungkot na sabi ko.

" Hoy! Tignan niyo si Justin may binu-bully na naman!!" Sigaw ni Athena na kaklase namin na numeruonong chismosa.

"Kawawang transferee na pagtripan ng wala sa oras." Bulong ni cherry na nakikiusisa din sa nangyayari.

Hindi na ako nag abala pangtignan.

Ewan ko ba, pag may nakikita akong ganyan na nginginig ang buong pagkatao ko, Ayuko kasi ng taong mahihina, pwede namang lumaban pero bat hindi nila magawa? Hinahayaan nilang kayan-kayanan lang sila kung ako'yan inupakan ko na'yan.

Nag-aalalang tinawag ako ni Cherry. "Dai? tignan mo oh.. kawawa yung transferee, bugbug sarado na."

Para namang may maitutulong ako, Hindi naman ako pwedeng magpakabayani at baka parehas pa kaming mabugbog.

Our Plot Twist.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon