--------------------------------------------------------------
Jewell's Point of view
Sunday ngayon at ang boring as in! Ako lang kasi ang mag-isa dito sa bahay hindi naman'to gaano kalakihan pero pwede na para sa'aming dalawa ni Mommy.
Doctor si mommy sa California kaya minsan wala siyang time sa'akin at naiintindihan ko naman'yon.
Mas pinili niyang mag trabaho sa ibang bansa para kalimutan ang nakaraan niya dito sa pilipinas.
Single parent? Oo, yung magaling ko kasing tatay hindi kami pinaglaban masyadong duwag.
Mas pinili niya ang pera kesa sa'amin, ang nakakatawa pa nito sa mismong kasal niya iniwan ang mommy ko hindi nga namin alam kung anong dahilan niya para lang siyang naglaho na parang bula.
Hindi ko nga alam kung alam ba niyang may anak siya.
Sabi ni mommy intindihin ko na lang daw at tatay ko'yun, pero kahit sa ang anggulo ko tignan hindi ko siya maintindihan.
Nagpagulong-gulong ako sa higaan ko.
Ano bang gagawin ko ngayong araw na'to?
............
"Ding dong, Ding dong, Ding dong,Ding dong!"
Paulit-ulit na pindot ko sa doorbell nila Kenti, gusto ko siyang guluhin kagaya ng panggugulo niya sa akin, bawi-bawi lang'yan
"Oo andyan na putcha! Sino ba yan?! Isapang doorbell mo isasabit kita sa gate namin!" Sigaw niya palabas ng bahay nila.
''Ding dong!'' Doorbell ko ulit.
Papatalo ba ako? Sa totoo lang mayaman'tong si kenti kaya nga naiirita ako pag binu-buraot niya ako, eh siya nga mas ma-pera sa aming dalawa.
''Ang tigas talaga ng mukha--- Wala kaming yelo!'' Sigaw niya sa mukha ko pagbukas niya ng gate, gagong'to saraduhan ba naman ako.
Himala siya ang nag bukas ng gate, madalas kasi katulong nila.
Pumasok na ako sa loob at agad na sumalampak sa sofa nila.
" Nasaan sila manang?" Tanong ko kay kenti na busy sa paglalaro ng playstation.
" Day off, Syempre kailangan din nila mag pahinga."
"Nasaan pala sila tito at tita?" Tanong ko ulit sa kanya.
" Nasa business trip, next week pa uuwi." Sagot niya sa.akin, parang ako lang din'tong si Kenti eh lagi mag isa sa bahay.
Sinipa ko si Kenti " Woy! Gutom na ako!"
"Putcha naman oh talo!" Lihim akong natawa HAHAHAHAHHA buti nga.
BINABASA MO ANG
Our Plot Twist.
Teen FictionSabi nila tayo mismo ang gumagawa ng sarili nating tadhana......... Tama ba? O may sariling plano sa'atin ang tadhana? Bawat tao daw kasi ay may kani-kaniyang "plot twist" sa buhay at minsan hindi ito umaayon sa'ating gustong mangyari at malabo s...