Chapter 6- Table's turn

15 2 0
                                    

--------------------------------------------------------------

Jewel's POV

" Ano pre, laro tayo?"

"Gago, ang taas ng ping ko pre, pass na muna ako."

" Puta tapon mo na'yang cellphone mo hahahahaah."

Nakakairita naman ang iingay ng mga inutil kong kaklase, kanina pa sigaw nang sigaw, 3 hours kaming vacant kaya bawat isa sa'amin may sariling mundo.

"Hayst ...nakakatamad." Bulong ko.

"Ay shunga, obob! Report ka sa'akin mamaya." Gigil na sabi ni Cherry, ano bang pinagkakaabalahan  ng babaitang'to.

"Pakshet talo! Losestrick ata ako." Dagdag pa niya at inis na binaba ang cellphone niya.

Tinaasan ko siya ng kilay."Ginagawa mo?"

"Naglalaro, nakakainis hindi ako makaalis sa epic." Sabi niya habang busy sa pagtipa sa cellphone niya.

" Huh?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng babaeng'to.

" Duh? ML? Hindi mo alam?" Nagtataka ko siyang tinignan,  Hindi ko siya magets!

 " O-M, Ang boring mo talaga, ML dai hindi mo knows? Online games, Mobile legends." Paliwanag niya.

" Talagang may oras ka pang  maglaro n'yan, tapos kana ba sa structure design mo?" Tanong ko sa kanya.

" First blood!" Tunog sa sound ng cp ni Cherry, punyeta hindi ako pinansin.

" Hayop, ks kang Hanabi  ka!" Gigil na sabi niya.

Sinabunutan ko siya."Sige, mag pakaadik kang bruha ka."

Tumayo ako  para mag puntang cafeteria nakakabagot kasi dito sa room stress narin ang utak ko kakabisado ng formula, punyemas bakit ba ako nag engineer?

Hindi pa ako nakalabas ng department may humarang sa'akin.

"Miss? This is engineering department, right? Do you know where Kenti is?" Tanong sa'akin ng babae, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, base sa uniporme niya tourism ang kinukuha niya, ano naman ang ginagawa ng babaeng'to dito?

At bakit niya hinahanap si Kenti?

"Sorry to bother you, I know you are on your way, but I have something important to tell, so do you know where he is?" Tanong niya pa ulit sa'akin, nasa america na ba ako? Panay English eh, napairap tuloy ako ng wala sa oras.

Nginitian ko siya." I don't know and I don't care." Sabi ko at nilagpasan siya, hanapan ba ako ng taong nawawala?

Bumili ako ng presto at sandwich, 3 hours kaming vacant wala naman din akong hahabuling draft tinapos ko na kasi  lahat ayuko kasing matambakan hassle maghabol.

Buti pa dito sa cafeteria tahimik wala gaanong estudyante nahahanap ko ang peace of mind na gusto ko.

"Jewel?" Sabi ko peace of mind pero lintik na yan may istorbo.

Tinaasan ko si Vincent ng kilay." Oh?"

"Ikaw lang?" Tanong niya sa'akin.

"May nakikita ka pa bang iba? Kung may nakikita kang hindi ko nakikita siguro  may kasama ako." Sabi ko at inirapan siya.

" Hahahahahaha sungit mo talaga, pa share ng table." Paalam niya, hindi pa nga ako pumapayag umupo na, nag paalam pa siya kung siya mag-dedecide, walastik  talaga paano ako magkakaroon ng peace of mind nito!

" Gusto mo?" Alok niya sa'akin ng spaghetti.

" Ok na ako dito." Sabi ko at tinuro ang pagkain ko.

Hindi na umimik si Vincent, mabuti naman wala kasi ako sa mood para makipagchismisan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Plot Twist.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon