Chapter 1 - Misunderstanding

65 4 0
                                    

                         Dedicated to Meng_Jas

--------------------------------------------------------------

After 2 years

Jewel Point of View

"Pssst." Sit-sit sa akin ng nasa likod ko, shems kung kailan Chemistry na syaka pa nambwi-bwisit ang lalakeng'to.

"Psst. " Hindi ko siya pinansin at sinubukan ko ulit makinig sa klase, pag na distract kasi ako wala na, wala ng papasok sa utak ko buti sana kung kagaya niya akong matalino.

"Pssst. " Sit-sit niya sa'akin sabay sipa sa upuan ko tinignan ko siya at pinanlakihan ng mata (Ano bang problema mo?)*look.

Abah nginitian lang ako ng Loko, ano na naman bang na hit-hit nito?

"Class get your book and open it on page 65 and make a Reflection about corrosion of metals, durability .Your Class president will send it to my faculty after 15 minutes, Understood?" Sabi ni Sir. Al.

Grabe reflection na naman wala nga akong maintindihan dito mag re-reflection pa.

"Yes sir."Tamad na sagot namin kay sir bago siya umalis.

" Dai? " Tawag sakin ni Cherry sa gilid ko.

Tamad ko siyang tinignan at inabutan ng papel, alam ko naman na'yon ang dahilan kung bakit tinawag niya ako. Hay nako! Ang yaman-yaman tapos walang pambili ng papel!

"Pssst." Sit-Sit sa akin ni Kenti at sinipa ulit ng mahina ang upuan ko, nanggigigil na talaga ako dito!

Inis ko siyang nilingon. "Ano bang problema mo kanina kapa sit-sit nang sit-sit ahas kaba? "

"Panget pahingi nga ng papel." naka ngiti niyang sabi, kapal ng mukha ako na nga pinagbayad niya sa tanghalian niya pati ba naman papel niya ako pa rin ang  sasagot? Ginagawa na akong supplier ng dalawang'to.

Inis kong  inabot ang papel. "Hoy Kenti Masyado yatang kumakapal ang pagmumukha mo, hindi ka kasama sa allowance na pinapadala sa akin ng mama ko, baka gusto mong pati tuition mo ako na sumagot. "

" Sungit mo, pag nasa bahay ka nga kung makalamon ka wagas nagrereklamo ba ako?" Sabi niya sabay irap sa akin.

Kapal talaga ng pagmumukha ng taong'to.

"Hindi naman kita kakaibiganin kung hindi dahil sa kuya mo." Bulong ko sa isip-isp ko.

Makalipas ang isang taon halos mawindang si Cherry ng malaman niya na magkaibigan kami ni Kenti,  kilala niya kasi ako at sa pagkakakilala niya sa'akin malabo na makipagkaibigan ako sa mga lampa na katulad ng tatay ko, sinabi ko sa kanya ang plano ko na gagamitin ko si Kenti para mapalapit sa kuya niya, syempre hindi siya pumayag dahil nanloloko daw ako ng tao, ahm hindi naman panloloko'yon pabor pa nga kay Kenti yun dahil magkakaroon siya ng KAIBIGAN. Simula kasi ng maging magkaibigan kami wala nang nambu-bully sa kanya at napapadalas din ang pagkikita namin ng kuya niya.


Ako pa nga naaagrabyado dito,  kumakapal kasi ang pagmumukha ng lalaking'to! gawin ba naman akong naglalakad na bangko naturingang mayaman pero mas mukhang walang pera kesa sa'akin.

Sinusubukan ko naman na maging mabait kay Kenti para good shot ako sa paningin niya para sa kapatid niya kaso sinasagad niya talaga ang pasensya ko at gusto ko siyang gulpihin sa araw-araw na mag kasama kami.

'' Dai tara kain tayo sa labas, libre ko.'' Aya sa akin ni Cherry pagkatapos naming mag pasa.

''Wow!sama ako.'' Hindi pa ako nakakasagot umepal na agad si kenti pag-usapang libre hindi talaga papahuli.

Our Plot Twist.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon