7 Deadly Sins: "Wrath"

415 7 5
                                    

Thursday, July 28 - 12:29 AM

Binilisan ng binilisan ni Josaf ang takbo hanggang sa nakakita sya ng isang kotse na nakahinto sa kalsada. Nilapitan nya kaagad ito at hiningian ng tulong. "Tulong!!!! tulungan nyo ako... may humahabol sa aken... tulong!!! tulong!!!" sigaw ni Josaf. Bumukas ang bintana ng kotse. "Tulong....(hingal na hingal na sabi ni Josaf) parang awa mo na may mga humahabol sa aken tulong....  parang a---------" (time stop)

*BANGGGG*

isang putok ng bala ng baril na tumama sa kanang mata ni Josaf at tumagos sa kanyang ulo.

12 Hours Ago . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Wednesday, July 27 - 12:14 PM

"Sir Jao, ano pong gusto nyong lunch?" tanong ng kanyang secretary. "Ah.. thanks nalang, baba nalang ako sa canteen para kumain.. mag lunch na rin kayo." sagot ni Jao. Si Jao ay isang CEO sa isang malaking company. Mabait at maalalahanin si Jao, silang dalawa na lamang ng kanyang ama ang natitira sa kanilang pamilya. Isang malaking aksidente ang nangyari nung sya'y sangol pa lamang. Namatay sa isang sunog ang kanyang 3 kapatid at ang kanyang ina. Kaya't sa murang edad ay iniwan ni Jao ang kanyang pagkabata para makatulong sa kanyang ama. Pagtapos ng pag aaral ay hinasa kaagad si Jao ng kanyang ama para maging isang CEO sa kanilang kompanya. Pero hindi alam ng karamihan na merong isang kababalaghang nangyayari sa kanilang pamilya mula nung aksidenteng iyon.

Isang taon ang nakalipas ng aksidenteng iyon ay merong isang batang bali ang kaliwang kamay at kanang paa...  at sunog ang buong katawan ang sumusonod sa kanila.. saan man sila magpunta ng kanyang ama. Hindi alam ng kanyang ama, kung ano ito. Mulang nung sanggol si Jao ay sinusundan na sila nito, pero nalaman nya na ang totoong pakay nito ay si Jao. Mabagal ang lakad nito dahil sa pilay ang kanang paa... kaya't di sila nito basta basta nasusundan, pero ang problema'y bihirang tao lng ang nakakakita rito kaya't walang gaanong naniniwala sa kanila. Mula nung sanggol si Jao ay palipat lipat na sila ng tirahan ng kanyang ama, pero makalipas ng ilang buwan o ilang taon ay nakakasunod ito. Hindi naniniwala ang ama ni Jao sa mga multo, kaya't wala sya ni isang kinunsultang albularyo o ghost expert atbp. Ang maganda nito, sa tuwing tulog si Jao ay humihinto ang batang sunog sa pagsunod sa kanila, napansin nila ito nung natutulog si Jao nung sanggol pa ito. Isang araw ... nung nasa ika-pitong taong gulang si Jao ay di napansin ng kanyang ama na nakasunod na pala ang sunog na bata, nalapitan nito si Jao.. at kitang kita ng kanyang ama ang ginawa nito kay Jao, kinagat nito ang balikat ni Jao.. pero sa halip na magdugo ang balikat nya ay nagliyab ito at nasunog ang balikat ni Jao... dali daling kinuha si Jao ng kanyang ama, at dali daling nilayo... ng dahil roon ay nalaman ng kanyang ama na masama pala ang binabalak nito kay Jao. Kaya't napag desisyunan nyang umalis ng bansa, at pansamantalang manirahan dito. Pumunta ng Canada sina Jao nung sya'y 7 taong gulang ... pero bumalik din sila makalipas ng 6 na taon para manirahan muli sa Pilipinas, sa pag aakalang wala na ang batang sunog na sumusunod sa kanila.

Makalipas ng ilang taon ay napansin ng kanyang ama na hindi na ito sumusunod sa kanila kaya't naging kampante na ang loob nito, hindi pa alam ni Jao ang tungkol dito dahil bata pa sya noon at hindi ito basta basta pinapakita sa kanya ng kanyang ama. Mula noon nakapag aral ng wasto at naging normal na muli ang buhay nila. Ngunit makalipas ng 21 taon, laking gulat ng kanyang ama ng makita muli ang batang sunog na nasa labas ng kanilang gate. Tumayo ang balahibo nito, kaya't dali daling ng pinaalis si Jao sa kanilang tinitirahan. Sa kasulukuyan, ay sumusunod parin ang batang sunog kay Jao, kahit isa na syang CEO. Walang nagawa ang ama ni Jao kundi ipaliwanag at ikuwento ang lahat sa kanya. Naging listo si Jao sa bawat galaw nya mula noon, lagi parin syang sinusundan nito kahit saan sya magpunta. Minsan natatakot na rin sya rito, pero dahil sa napansin nyang mabagal ito maglakad ay nagagamay nya na ang pagtakas dito at kahit isang beses ay di pa sya nito nalalapitan. Kahit ikuwento nya ito sa kanyang malalapit na kaibigan ay walang maniniwala sa kanya dahil mula nung nalaman nya ang tungkol dito ay wala ni isang nakapansin sa mga kasama nya na may sumusunod sa kanyang batang sunog.

7 Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon