Thursday, July 28 - 1:00 AM
Nagliyab ang buong katawan ni Jao, nasunog nalang ito na parang kahoy... at di nagtagal. naging abo. Maya't maya pa'y pati ang sinasakyan nyang taxi ay nadamay sa pagliyab at bigla nalang sumabog.
42 Minutes Ago . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Thursday, July 28 - 12:18 AM
“Alahas, ALAHAS!!! Maraming pang alahas dito, kunin natin to lahat Tor.” Sigaw ni Brad sa kanyang kapatid. “Tama na yan, Brad marami na tayong dala, hindi na tayo makakatakbo nito.” Sagot ng kanyang nakababatang kapatid na si Tor.
Brad: Kung ayaw mo wag mo! Akin to lahat... walang matitira ni isang katiting na alahas dito... hahahahah!!!!
Tor: Wag ka maingay Brad, baka may makarinig sa aten.
Brad: Ha? Sira ka ba? Alam mo na ngang nagbakasyon ang may ari ng bahay na to. Malamang isang linggo pa balik nun, tska wag ka ngang lalamya lamya... madami pang alahas dun oh.. kunin mo bilis!!!
Mga akyat bahay sina Brad at Tor. Isang taon ang agwat ng edad ni Brad kay Tor, meron pa silang isang kapatid, ang kuya nilang si Willy, ang nagpangap na taxi driver na nag kidnap kay Jao. Isang linggo ng nakakaraan ng malaman nila na aalis ng bahay ang may-ari, kayat napag-planuhan nilang nakawan ang bahay . Masyadong ganid sa pera si Brad, gusto nyang walang matitira ni isang kusing sa kanyang mga ninanakawan. Si Tor ay nadamay lang sa kanyang kapatid, kaya nya ito nagawa dahil bumaba ang kanyang mga Grades sa skwelahan, isa syang scholar ngunit nawalan na ito ng bisa dahil sa bumaba ang kanyang grades, kaya’t wala syang choice kundi gawin ang mga ganitong bagay para mabayaran ang kanyang tuition fees. Si Willy ang kanilang nakakatandang kapatid pero, sa ibang pamilya sya lumaki, isang matinik na kidnaper naman si Willy, hindi nila to ka close at hindi rin nila ito gaano nakakausap.
Samantala, ng matapos sila, dali dali kaagad silang umalis ... pero bago man makalabas ng bahay si Brad ay may napansin syang kumikinang sa sahig malapit sa sala. Di nag dalawang isip si Brad, dali dali nya kaagad itong pinuntahan. Nakita nyang isa itong Diamante, at hindi lang isa, nakalinya ito sa sahig patungo sa kusina.
Tor: Brad! Anu ginagawa mo? Tama na itong mga bitbit natin, sobra sobra na to tol .... !
Brad: hehehe... hindi pwede Tor.! AKIN TO! AKIN!
Sinundan at kinuha isa isa ni Brad ang nakalinyang diamante patungo ng kusina habang tumatawa. Nang makatungo sa kusina , nagulat bigla sina Brad at Tor sa narinig, isang sabay sabay na malalakas na kalabog mula sa kusina.
Brad: Ano yon? Tor? .... Tor?
Tor: .... ..... .... B..ra.d.. (pabulong at mabagal na sagot ni Tor)
Napansin ni Brad na nakaturo si Tor sa lamesa, ng tinutok ni Brad ang flashlight, gulat na gulat sya sa kanyang nakita. Limang tao na nakahampas ang mga ulo sa lamesa at halos maligo sa dugo. Nabitawan ni Brad ang Flashlight sa nakita. Sumigaw si Tor, at tumakbo papalabas ng Bahay.
Brad: Tor!!!! Tor!!!! (sigaw ni Brad)
Sumabay na din si Brad kay Tor papalabas ng bahay, pero nakita nya si Tor na hindi nito mabuksan ang pinto.
*klug**klug**klug**klug**klug**klug* (natatarantang tunog na pagbukas ni Tor)
Sinipa bigla ni Brad ang pinto ng makita nya ito pero hindi parin ito mabuksan.
Brad: Anung nangyari, kanina bukas to.. bakit naka sarado na?!!!
Tor: Delikado tayo Brad, may tao dito, may nakakita sa atin, tayo pa mapagbibintangang pumatay sa kanila.!!! (mangiyak ngiyak na bangit ni Tor)