Wednesday, July 27 – 9:53 PM
Iyak ng iyak si Maria sa nakita, ngayon alam nya na kung bakit sya nilalagay sa ilalim ng kama ni Candle. Maya maya pa’y biglang gumalaw ang katawan ni Rain na parang nasasaniban..di nagtagal bigla nalang itong tumayo at tumitig sa video cam habang nakaturo at nakatingala.
19 Hours Ago . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Wednesday, July 27 – 2:27 AM
*phwuwuhoo**phwuwuhoo*, isang paulit ulit na kakaibang tunog ang naririnig ni Peewee sa kanyang kwarto, ngunit hindi nya ito gaano pinapansin, sa halip, nilulunod nya ang kanyang sarili sa pag inom ng alak habang nanonood ng TV. Si Peewee ay nagtatrabaho sa isang opisina, kung saan ang nagmamayari ng kompanya ay si Jao.
Si Peewee ay kapatid ni Serene, isa sa mga matatalik na kaibigan ni Rain. Magkahiwalay sila ng tinitirahan ni Serene, kaya’t di sila gaano nagkikita at nakakapagusap.
Pagkalipas ng ilang saglit napagpasyahan ni Peewee na humiga na sa kanyang kama, wala pang ilang minuto’y nakatulog na ito.
Wednesday, July 27 – 2:35 AM
*BANG* .... lumipas lng ng halos sampung minuto ay naalimpungatan kaagad si Peewee sa narinig, isang putok ng bala, napalingon sya sa buong kwarto at napansin nyang bukas pa pala ang TV, naisip nyang baka sa TV lang iyon kaya’t dali dali nyang ipinikit ang kanyang mata.
Wednesday, July 27 – 11:10 AM
Samantala ..... sa kanyang pinapasukang opisina, si Daren, ang kinakapatid ni Peewee ay mainit nanaman ang Ulo. “Bwisit!!!! Nasan nanaman si Peewee? Ano? Di nanaman papasok?” Asar na asar na tanong ni Daren. “Ilang beses ko na ngang tinatawagan sir eh, pero wala talagang sumasagot.” Ang sagot naman ni Louie.
Daren: Bwisit talaga, parang sirang plaka lang itong si Peewee, di madaladala, binawasan na nga ang sahod ng dahil sa hindi pagpasok pasok nya, kundi ko lng to kinakapatid hindi ko to pagtatangol kay boss nitong mga nagdaan nyang kasalanan. Teka... pang ilang sunod na araw nya na ngayong hindi pumapasok?
Louie: Pangatlo na sir.
Daren: Sobra na.. pag ito di pa pumasok tomorrow, ako na mismo magtatangal sa kanya, sinisira nya ko kay boss!! Sumusobra na yang taong yan. Tsk!
Wednesday, July 27 – 8:02 PM
Lumipas na ang buong maghapon pero nakahiga at tulog parin si Peewee. Makalipas ng ilang saglit ay naalimpungtan sya sa isang malakas na tunog. *BANG*... isang putok ng baril nanaman ang kanyang narinig, sinilip nya ulit ang TV at nakitang nakabukas parin ito. Habang nakahiga at tinitingnan ang palabas sa TV, may biglang narinig si Peewee na kaluskos sa pinto. Napatingin sya sa ilalim ng pinto at may napansin syang aninong gumagalaw. “Sino yan?” ang tanong nya, pero walang sumasagot, tuloy parin ang kaluskos sa pinto at pagalaw ng anino. Sinubukan tumayo ni Peewee sa kama, ng patayo na sana’y may nakita si Peewee na halos ikahimatay nya, isang batang babaeng namumutla na nakapatong ang baba sa kanyang kama na parang kanina pa syang tinititigan. “WAAAAHHHH!!!!” ang sigaw ni Peewee, napaatras sya at nalalag sa kama, pero nakatitig parin sa kanya ang batang babae, nanlalaki ang mga mata nito at nangingitim ang gilid. “Sino ka? Ano ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok?” ang tanong ni Peewee sa bata, pero ngumiti lang ito at dumila sa kanya. Isang kisap mata’y bigla nalang itong tumalon at sa di malamang dahilan ay nagkaroon ng tali sa kisame at biglang nagbigti ang bata. Kitang kita ni Peewee kung pano mangisay ang bata haggang sa malagutan ng hininga. Biglang nanghina si Peewee at nahimatay pero bago sya mawalan ng malay ay may narinig syang sumigaw.