7 Deadly Sins: "Envy"

289 4 5
                                    

Thursday, July 28 - 12:35 AM

BRAAAAAAAAAAAAAAAAAAAADDDDDDDDDDDDDD!!!!!!!!!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAGGGGGGG!!!!!!

Sumigaw si TOR sa ginawa ni Brad sa kanyang sarili, pagkatapos hawakan ang Diamante ........ pinutol ni Brad ang kanyang Ulo gamit lamang ang kanyang sariling kamay habang nakangiti kay Tor.

16 Days  Ago . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Tuesday, July 12 – 1:24 PM

“Congrats Pretty Rain!! Deserving ka talagang manalo.” Magalak na pagbati ni Serene. “Salamat din Serene, deserving ka rin namang manalo, ikaw ang pinakamatinding kalaban ko sa contest na to.” Sagot ni Rain sa kanyang nakalaban sa Beauty Pageant sa kanilang school. Si Rain ay isang Journalist student sa isang kilalang universidad, classmate nya si Jao at Tor. Maganda, Matalino at Mabait si Rain, kaya saya nakasali sa Pageant ng school dahil pinilit sya nang kanyang mga kaibigan at sa di inaasahan ay sya pa ang nanalo. Matalik nyang kaibigan si Serene, isa sa mga nagpilit sa kanyang sumali sa contest at sina Maybie at Kayra. Si Serene ang pinaka nagpilit sa kanyang sumali pero dahil sa kulang ng contestant ay pinasali na rin sya ng kanyang mga kaibigan, may kagandahan rin naman si Serene ngunit hindi sing talino at bait ni Rain.

Maybie: Congrats Rain, alam ko ikaw talaga ang mananalo.

Kayra: Oo nga, pero kung sakaling hindi ikaw at least nandyan si Serene. Kahit anong mangyari satin parin ang panalo.

Serene: Oo nga, Pretty Rain. Alam ko rin na ikaw ang mananalo, at least pang second ako, kaya’t  hindi rin ako uuwing luhaan.

Rain: Salamat sa inyo, salamat sa suporta at pagsali nyo sa akin, first time kong sumali sa contest at ako pa ang nanalo.

Serene: Yehey! Bakit di kaya tayo mag celebrate? Mamasyal tayo, tutal, next  week walang pasok dahil sa Anniversary ng school.

Maybie: Magandang ideya yan! Tara tayong apat lang?

Kayra: Teka, di tayo magsasama ng Boys? Sama natin si Jao. Uuuuuyyyy !!!

Rain: Uy! Wag kayo ganyan. (habang namumula ang pisngii)

Serene: Hahaha... tama wag kayo ganyan, gusto nyo bang di na makagalaw si Rain.

Tuesday, July 19 – 10:54 AM

Sinubukan nila Maybie at Kayra na kausapin si Jao tungkol sa lakad nila Rain, pero tumangi ito at sinabing maraming gagawin. Medyo nalungkot si Rain sa balita pero hindi nya na ito gaano initindi dahil kasama nya naman ang kanyang mga matatalik na kaibigan. Napagpasyahan ni Rain na magdala ng Video Cam sa kanilang pamamasyal nung araw na iyon. Nagpunta sila sa Mall, Nanoood ng Sine, at Kumain sa labas.

Tuesday, July 26 – 9:59 PM

Lumipas ang isang linggo, hindi na nila napansin ang ang Video Cam na ni record nila nung namasyal silang magkakaibigan, dahil sa sobrang busy nila sa kanilang thesis.  Umuwi si Rain ng pagod. Habang sya’y nagpapahinga bigla nyang naalala ang video cam na ni-record nila nung sila’y namasyal. Narerelax si Rain habang pinapanood nya ang video nilang magkakaibigan, umabot ng 42:52 ang minutes ng kanilang record, may record sila habang kumakain, nagtatawanan, naglalakad at nagkwekwentuhan. Habang pinapanood ito ni Rain ay meron syang napansing kakaiba sa video, kaya’t inulit nya ito mula umpisa. Nung kuha na Habang sila’y naguusap ay may kumakanta, pero sigurado si Rain sa mga oras na iyon ay walang kumakanta sa tabi nila, dahil sila lang ang nakaupo sa tinambayan nilang upuan sa Mall. Yung kuha namang habang kumakain sila ay may naririnig syang parang umuubo, pero sa kuha ng video, wala sya ni isang nakitang umubo kahit sya ay hindi umubo ng mga oras na iyon. At ang pinakapinagtataka nya sa lahat ay yung kuha nila ng silay naglalakad, hindi nya naalalang inilagay nya ang video cam sa kanyang likuran habang sila’y naglalakad. Sa bandang 22:16 min mula 25:01 min ng record ay nasa likod nya ang video cam at kinukuhan ang kanilang likuran. Naririnig nya ang mga tawanan nang kanyang mga kaibigan habang nag rerecord ito.

7 Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon