Chapter One

10 1 0
                                    

Chapter one

Halos isang oras ang inabot naming bago ko tuluyang narating yung bahay na sinasabi ng bestfriend ko, It is a subdivision na ginawa para sa mga Filipino-Americans, but I can say that the place is relaxing, marami kasing puno around the subdivision.

“Miss, nandito na tayo” untag sa akin ni kuyang driver. Binayaran ko sya ng ayon sa metro atsaka bumaba. Pinagmasdan ko ang bahay na sinasabi sa address na hawak ko, 30 South Lawin. Napapaligiran ito ng mga puno ng narra, nababakuran ng puti, and the gate is color blue. Magdo-doorbell n asana ako ng may lumabas na isang matandang bababe, she smiled at me, so I smiled back.

“Anong maipaglilingko ko sa iyo hija?” tanong ng matanda sa akin na may dala dalang garbage bag.

“Ahm, Goodmorning po, itatanong ko lang po sana kung ito po ba talaga tong lugar na ito? Kaibigan po ako ni Kira Mae Lazaro” paliwanag ko, atsaka ipinakita sa matanda ang papel na hawak ko. Tiningnan ako ng matanda at saka ngumiti.

“Tama ang lugar na napuntahan mo hija” nakangiting sabi ng matanda.Nakahinga naman ako ng maluwag.

“Ako nga pala si Lola Ising, yun ang tawag nila sa akin dito” sabay lahad ng matanda sa kanyang kamay, kinuha ko naman ito atsaka nagpakilala.

“Ako naman po si Riann Madrid, bestfriend po ako ni Kira?

“Nabanggit ka nga nya sa akin kagabi hija, tama sya, isang magandang dalaga ka nga. Nasabi nya na rin ang dahilan ng pag parito mo………….” Salaysay ni lola Ising, bagay na ikinahiya ko naman. Napakadal dal talaga ni Kira, hindi manlang gumawa ng ibang dahilan.

“ Huwag kang magaalala hija, ika’y hindi ko hinuhusgahan sa iyong ginawa, pasalamat nadin ako at ditto ko sa akin napunta” naka ngiting sabi ni lola ising.

“Maraming salamat po”

“Halika at pumasok ka muna, pasensya kana at medyo madumi pa rito, hindi pa kasi ako tapos maglinis eh.” Hinging paumanhin ni lola Ising, Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay, malaki ito, may garahe at pag pasok mo ay billiard hall ang sasalubong sayo, Who’s living here? Don’t tell me Lola Ising play that stuff. At tama nga si Lola, akala ko simpleng kalat lang ang sinsabi nya pero hindi pala. Nagkalat ng balat ng kung anu-anong crackers, Cokes, chalks, at kung ano ano.

“Woah!” wala sa sariling naibulalas ko. Bahay ba talaga ito?

“Masanay kana hija, ganyan talagaa sila kapg nagkakasama-sama” narinig pala ni Lola Ising.

“Ano pong ibig nyong sabihin?” So, may kasama pala talaga ako sa bahay?

“Bukod kasi sayo ay may Sampung kabataan pang nakatira ditto, may sari-sarili naman silang pamilya pero mas gusto nila ditto” paliwanag ni Lola ising. What?! SAMPU? Papaanong? Kunsabagay, malaki naman talaga yung bahay, pero Sampu talaga?

“Nasaan po sila?” tanong ko, may kwarto pa ba para sa akin dito? Tama ba talaga itong bahay na napuntahan ko? Paano kung mga siraulo yung mga makakasama ko?

“Siguradong mga tulog pa ang mga iyon, umaga na kasi ng matapos sila sa kasiyahan kagabi” sagot ni Lola ising na pinupunasan na ang billiard table, kanina pa pala ako, tanong ng tanong, hindi man lang ako tumulong.

“Ahm, lola, saan po pwedeng magbihis?” Tanong ko, Iginaya naman ako ng matanda sa isang kwarto katabi ng kusina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Haengbok (finding the meaning)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon