"SERA,"
"Yes, Kuya?"
He gave me a skeptical look and said, "Tell me as soon as possible if Cash did something stupid to you, okay?" I bit my lower lip to stop myself from laughing. Mukhang seryoso talaga si Kuya.
I thought when Arlo told me na walang tiwala si Kuya Baker kay Cash e biro lang niya 'yun pero mukhang totoo atang walang tiwala si Kuya kay Cash dahil simula kahapon pa niya ako pinagsasabihan.
"I'm serious, Serenity." Kuya said, again. Sobrang seryoso talaga nang mukha niya. Medyo nakakatakot siyang tignan. Kung hindi ko lang kilala 'tong si Kuya Baker, baka naihi na ako sa takot dahil sa pagtitig niya.
I nodded, "Yes po," but deep inside, gusto ko na talagang tumawa dahil ang OA ni Kuya. Pero sabagay, baka talagang magawa akong pabalikin ni Kuya sa LA kapag nalaman niya 'yung nangyari samin ni Cash.
It's Monday and usually maagang umaalis si Kuya para pumasok, pero 9 AM na at nandito pa rin siya sa condo dahil hinahantay niya si Cash na dumating.
Kausap ko kahapon si Cash. Agad siyang tumawag sa'kin after siyang tawagan ni Kuya para sabihin na siya ang mag-gala sa'kin sa Manila. Tawang-tawa ako sa boses niya dahil halatang kinabahan siya dahil sa pag tawag ni Kuya. Akala siguro niya nalaman ni Kuya 'yung tungkol saming dalawa.
Maya-maya lang at dumating na rin si Cash. Kaninang 8 AM pa ako naka-ayos. I wore a salmon pink skater dress and sneakers. Baka kasi sumakit ulit 'yung paa ko, kaya hindi ako nagsuot ng high heels ngayon. Hindi pa naman gentleman 'tong si Cash, hindi gaya ni Arlo.
Si Kuya Baker ang nag bukas ng pinto at nagtanguan lang silang dalawa. I don't get how they became friends, really. They're both weird.
"Hi," bati ko kay Cash. I gave him a small smile, dahil baka makahalata si Kuya na magkakilala na kami.
He smiled at me, "Hi," bati niya.
Nagtititigan kami ni Cash habang si Kuya naman ang sama talaga nang tingin kay Cash. Seriously, nagdududa na ako kung magkaibigan ba talaga silang dalawa!
Pinakilala ako ni Kuya kay Cash. Nag shake hands pa kaming dalawa para talagang kunyari ngayon lang kami nagkakilalang dalawa. Tahimik lang si Cash at parang hindi siya makatingin kay Kuya nang diretso. Guilty siguro siya.
"Aren't you leaving yet, Kuya? Baka ma-late ka," sabi ko kasi kanina pa niya binibigyan nang death glare si Cash.
Kuya looked at me and then he looked at Cash again. Kuya said to Cash before he left: "Make sure you bring her back without a scratch."
Pag alis ni Kuya ay agad akong tumawa nang malakas. Si Cash naman nakatingin lang sa'kin na parang akal niya nababaliw na ako.
"Sorry..." I said while wiping the tears from my eyes from too much laughing.
BINABASA MO ANG
Right Here, Right Now (Empire #3)
RomansaEMPIRE SERIES #3 (COMPLETED) Serenity Rose had no choice except to return to Manila permanently. Her own mother drove her to leave LA due to their family business' never-ending issues, and she believes it is the only way for Serenity to stay out of...