One - Surprise, Surprise

3.4K 145 85
                                    

Maraming estudyante ang nagkalat sa hallway ng College of Engineering, kasalukuyan kasing idinaraos ang election day ng Student Government. Nakipagsiksikan si Ice para pumila kung saan sila dapat bumoto. Kasunod niya ang dalawang kaibigan na sina Julienne at Laurie.

"Grabe ha, it's so mainit. Nag-oover time ang aking mga sweat glands," reklamo ni Laurie.

"Nasa Pilipinas ka, natural na mainit." Si Julienne. Bagama't pinagpapawisan na rin ito, hindi ito mareklamo kagaya ng kaibigan nilang si Laurie.

"Kaunting tiis na lang girls, turn na natin. Kung bakit kasi hindi puwedeng sabay-sabay na pumasok eh marami namang upuan." Ani Ice.

"You've been telling me the same thing for the past thirty minutes or so," hirit ni Laurie.

"Alam mo.." panimula ni Julienne.

"Ssshhhh..quiet!" saway ni Ice, "'ayan na it's our turn."

Hindi na hinintay ni Ice ang mga kaibigan, nagpatiuna na siyang pumasok sa silid kung saan sila naka-assign na bumoto. Nakaupo na silang tatlo at nag-uumpisa nang magsulat ng pangalang napipisil nila para sa mga puwestong nakalista sa pisara.

"Julie.." tawag ni Ice sa katabing si Julienne.

"O?" Sumagot si Julienne pero hindi tumingin kay Ice, nasa sinusulatang balota ang pansin nito.

"Sino itong Nathaniel Morales? Fifth Year din siya pero hindi ko 'ata kilala?"

Sabay na napalingon ang dalawang kaibigan ni Ice sa direksyon niya.

"Seriously? Hindi mo kilala ang papable na si Nathan?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Laurie.

Iling lang ang sagot ni Ice. Hindi talaga niya kilala.

"Nate Morales, one of the reigning chess champions natin. Ka-team siya ni Erick Soler," bahagyang umusod ni Julienne palapit sa upuan ni Ice at naging pabulong ang boses nito, "'yung crush mo?"

"Talaga? Never heard of him." Kunot ang noo ni Ice, hindi talaga niya kilala ang tinutukoy ng mga kaibigan.

"Saang planeta ka ba nakatira?" Si Laurie, "kaloka ka, kaklase din natin siya sa ilang major subjects."

Irregular students silang tatlo, mas matanda lang siya ng isang taon kay Julienne at dalawang taon naman kay Laurie. Sa P.E. sila nagkakilala last semester at hindi nagtagal ay naging malapit sila sa isa't-isa kahit na magkakaiba ang personalidad.

Graduating na sila pero last semester lang nakumpleto ang P.E. subjects na dapat ay second year pa lang natapos na nila. Ayaw kasi nila sa P.E. kaya may mga semester na ipinagpapaliban nila ang pag-eenroll sa subject na iyon. Hanggang sa wala na silang choice, hindi sila gagraduate kung hindi kumpleto ang apat na P.E. courses nila.

"Tapos na ba kayo?" agaw ng tagabantay sa atensiyon nilang tatlo.

"Ay sorry. Tapos na ako. Kayo?" Si Ice.

"Done." Sagot ni Julienne.

"Ako rin. Tara na." Tumayo na si Laurie at naunang lumapit sa ballot box kung saan nila ihuhulog ang kapiraso ng papel na sinulatan nila kanina.

Lumabas na sila ng designated classroom for voting at nagkayayaan na pumunta sa cafeteria. Nagutom daw si Julienne. Kahit na hindi naman siya gutom, napahinuhod na rin si Ice. Si Laurie naman ay gustong takasan ang mainit na panahon, air conditioned kasi ang cafeteria ng St. Francis de Sales gaya ng mga silid-aralan nito.

Si Julienne lang ang pumila para makabili ng pagkain, naiwan sa mesa nila sina Ice at Laurie. Nagbilin na lang sila ng tubig sa kaibigan. Habang hinihintay nila na makabalik si Julienne, siya namang pagpasok ng isang grupo ng mga estudyante.

The Girl in Ripped Jeans (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon