Ice watched Kurt get in the car. With a final wave and a sad smile, he drove off. Tapos na, she thought. Nakakapanghinayang pero ganoon talaga ang buhay. She turned her back para bumalik na sa loob ng bakuran nina Nelson. Nang maisara na niya ang bakal na gate, napasulyap siya sa front door. Nakatayo doon si Nathan, pinagmamasdan siya.
Nakita kaya nito ang eksena sa pagitan nila ni Kurt? Humakbang siya palapit sa binata na walang halong pagmamadali. Tumigil siya sa harap ni Nathan ngunit hindi naman nagsasalita ito. Basta lang nakatunghay sa kanya tila hinihintay siyang unang magbukas ng usapan. Noon niya napagtanto na nakita nga nito si Kurt. She heaved a sigh. Saan siya mag-uumpisa?
"Hey." Lakas-loob na panimula ni Nathan.
"Hey back at you," tugon ni Ice na ikinatawa ni Nathan ng mahina. Tumikhim ito na parang nag-aalis ng bara sa lalamunan.
"Wanna talk about it?" he asked, testing the waters.
"Yeah, I think so," Ice produced a pack of cigarettes from one of her jean's pockets. May nakaipit din na lighter sa loob niyon. Pinanood lang siya ni Nathan sa ginagawa. He noted she's wearing ripped jeans again. Wala pa siyang nakikitang pantalon ni Ice na hindi punit sa bandang tuhod.
Walang salitang inalok siya ni Ice ng sigarilyo. Umiling si Nathan, "I don't smoke."
"Figures." She started blowing smoky perfect circles in the air.
Nangangawit na siya sa kakatayo kung kaya't pinili niyang maupo sa front steps ng pinto ng bahay ng mga Cruz. Hindi pa niya feel na pumasok sa loob at harapin ang mga kaibigan. Pihadong bobombahin siya ng samu't-saring tanong. Dito na muna siya habang hindi pa niya nauubos itong sigarilyo.
"Come on, sit. I don't bite." Tinapik-tapik pa ni Ice ang katabing espasyo ng kinauupuan ni Ice. Tumalima naman ito. Masunurin naman pala, aniya sa isip. "I assume you saw us earlier?" paniniyak niya. Tango ang isinagot ni Nathan.
"I didn't mean to." Depensa nito sa sarili.
"That was Kurt, my boyfriend. Or rather, he's officially my ex just about twenty six minutes ago." Sabi ni Ice na sinipat pa ang relo.
"Oh. I'm sorry."
"Yeah. I'm sorry too but a part of me is kind of glad," nagbuga uli siya ng usok saka bumaling kay Nathan, "ang sama ko bang tao?"
"Wala ako sa posisyon para sagutin iyan dahil hindi ko naman alam ang buong kuwento sa pagitan ninyo ni Kurt."
"Right." Tumango-tango si Ice. "Three years din kami ni Kurt. He messed up by the end of our second year. Dahil mahal ko 'yong tao, I gave him another chance. But it seemed that from then on it became a vicious cycle of him messing up and me forgiving him. We spent the greater part of our last year fighting, making up and then we're back to square one. Eventually, I got burned out. Kahit gaano mo pala kamahal ang isang tao darating ka sa puntong mapapagod ka na lang dahil paulit-ulit na." Pinatay ni Ice natitirang baga sa ngayo'y upos na niyang sigarilyo.
"Mahal mo pa ba siya?"
"Oo. But I can honestly say that it has long started to wane. Kaya nagpasya akong tapusin na, there is no use dragging it on."
"By now I think he's starting to realize your worth now that it's over."
"I don't know. Baka. Anyway, hindi ko na problema 'yon." She bumped her shoulder against his, "Kanina pa ako daldal ng daldal dito, bakit lovelife ko lang ang pinag-uusapan natin? What about yours?"
Napakamot sa batok niya si Nathan, his grin impish. "There's nothing to tell believe me. Kasing boring ng Sunday afternoon ang buhay pag-ibig ko."
"The great Nathan Morales? Boring ang lovelife? Come on. Stop pulling my leg."
BINABASA MO ANG
The Girl in Ripped Jeans (To Be Published Under PHR)
RomanceSi Ice Zuniga ang tipo ng babaeng hindi girlfriend material; nagyoyosi, walang fashion-sense, hindi sweet at higit sa lahat prangka kung magsalita. Madalas din na nakatabing ang buhok nito sa mukha. Hindi nakakapagtakang wala itong boyfriend. Sa mai...