Prologue

3.6K 135 44
                                    

"Hi Nathan." A girl in faded blue denim mini-skirt greeted him. Ginantihan niya ng pagbati niya by waving at her kahit hindi niya ito kilala. She giggled. He barely restrained himself from rolling his eyes. 

"Nate, libre mo ko ng meryenda later ha. Sa JPIA canteen." Mula sa  kung saan ay sumulpot si Miles, sinabayan siya sa paglalakad.

"Sure." 

"See you later after class?" Kaklase niya si Miles since first year, pareho silang nasa block section until now that they're graduating.

"Okay."

Nginitian lang siya nito and hurriedly joined her bestfriend na naghihintay sa kanya sa dulo ng hallway. Doon din ang punta ni Nathan, kung nasaan ang last subject nila sa umagang ito.

He was two doors away from his classroom nang biglang nagsilabasan ang mga estudyante. He saw Jean with her friends, isang second year HRM student. Ayon sa sabi-sabi crush daw siya nito. Pero ewan lang, he is not the kind who believes in hearsays.

Her friend whispered something in her ear which made her look into his direction. Then she got something from her bag and thrust it towards her friend's hand, pushed the girl forward pasalubong sa papalapit na binata.

He raised his left brow questioningly when the girl came several feet away. She's hiding something behind her back. Napatigil din siya sa paglalakad, wondering what she's up to.

"Pinabibigay ni Jean," she said sabay abot sa kanya ng isang wrapped package na kasing laki lang ng calculator na ginagamit niya sa klase.

Tiningnan ng binata ang hawak ng kaharap, naglalaban ang kalooban kung tatanggapin niya o hindi. Medyo marami-rami na rin silang audience at ayaw naman niya itong mapahiya.

"Pakisabi salamat." Napagdesisyunan niyang tanggapin sabay ngiti sa babae ng matipid.

Parang sinisilihan ang pang-upo na tumalikod ito at bumalik sa naghihintay na mga kaibigan. Pasulyap-sulyap sa kanya si Jean habang papalapit siya sa kinatatayuan nila. Nang mapatapat na si Nathan sa grupo nila ay itinulak ng mga kaibigan niya ang nagpapaabot ng package kanina. Hindi matiyak ni Nathan if it was deliberate pero pasimple siyang lumihis ng kaunti para maiwasan ang napipintong pagkabunggo ni Jean sa kanya.

Namumulang umayos ng tayo si Jean after glaring at her friends saka hinarap si Nathan.

"Nathan," she said, nahihiya pa.

"Hello. Salamat dito." Itinaas niya ang kamay at ipinakita kay Jean ang pinabigay nito kanina.

"Salamat din sa pagtanggap." She fluttered her eyelashes. Tinanguan lang ni Nathan ito, ang totoo nagpipigil siya na may masabi tungkol sa ginagawa ng babae. It won't be polite, taliwas sa magandang asal na idinikdik ng mga magulang sa kanya.

"See you around. My class starts in five." Inayos niya ang strap ng backpack dahil naramdaman na niya ang unti-unti nitong pagdausdos mula sa kanyang kaliwang balikat.

"Bye."

Dinig pa niya ang hagikhikan ng grupo ni Jean habang papalayo na siya. He sighed inwardly. He didn't like the attention those girls were giving him. He doesn't like fluttering eyelashes, it looked so fake. And yet, he doesn't have the heart to tell them off. They think he's flattered? Truth is, far from it.

 Ang hirap maging mabait. He muttered while quickening his steps.

********************

A/N on Media: So what do you think of our dear Nathan? He's waiting.. ^_^

The Girl in Ripped Jeans (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon