Panimula

33 0 0
                                    


I removed my coat and sat down on my chair, sinundan pa talaga ako ni Mich hanggang dito sa doctor's ward.

"Come on! Minsan ka nalang nga nakakalabas nang hindi sa hospital ang punta mo." hinihila niya ako patayo

"I don't have time for parties, alam mo yan Mich." i grabbed some of the folders na naka display sa desk ko

"Kahit ngayong araw lang." she begged me

May mga pumasok na ibang doctors sa room and all of them were encouraging me to go out.

"Doc, kami na bahala sa iba mong patients." napatingin ako kay Tyrene

"You deserve to go out, puro ka nalang work kaya wala kang jowa eh." William laughed

"Okay fine, anong oras ba yan?" i asked Mich

"Three hours from now." she giggled

Napatingin ako sa wrist watch ko, three hours from now? The party will start that early? It's only one in the afternoon, ganun na ba ka-atat ang iba naming friends?

I stood up and cleared my desk, kinuha ko na din yung coat and stethoscope ko para hindi na ako babalik dito mamaya sa hospital.

May one hour byahe pa kami ni Mich para sa venue that's why I have to get ready, nag retouch lang ako ng face and tied my hair para hindi ako mainitan.

"Sa beach ang venue, magbihis ka hindi yan pwede." Mich told me

"Sige daan muna tayo sa bahay." i answered

Nag drive na ako papunta sa bahay and abala si Mich sa pag message sa mga makakasama namin, I wonder if he will be there.

Bumaba agad ako ng sasakyan nang makarating sa bahay, sinundan ako ni Mich.
Umakyat kaagad ako sa second floor at dumiretso sa kwarto ko, it's been awhile since I stayed here.

Wala ang mga tao ngayon dito dahil abala rin sa trabaho, kumuha ako ng ilang dress para pagpilian ko.

"We will be staying there until tomorrow, magdala ka ng extra." napatingin ako kay Mich

"You look good sa romper nato, try it on!" she said

A white off-shoulder romper at inabot niya sakin yung white sandals, it looks cute. Agad din natapos ang pamimili ng damit sa closet ko, bumaba na kami at bumalik sa kotche.

Mich offered to drive papunta sa location and I agreed, pagod din naman ako sa trabaho and wala pa akong tulog.

"Take a nap, gisingin nalang kita if malapit na tayo." i nodded

Pumikit na ako at agad naman akong nakatulog, dala na rin sa pagod ng isang linggo na trabaho.

"Shelle, andito na tayo." she tapped my shoulders

Napatingin ako sa labas ng kotche, ito yung venue?

"You.. didn't tell me." i looked at her

"I know, but hey ilang taon na yung lumipas-" she tried to comfort me

"No. Kahit ilang taon pa yan." i went out of the car and grabbed my bag

Nanahimik lang si Mich at naunang maglakad, sinisilip niya ako sa likuran niya kung sinusundan ko pa ba siya or umalis na ako.

"Michelle!" everyone shouted and hugged her

Half of them approached me and gave me a hug, it's been 5 years since I last saw them.

"Doc!" some of the boys greeted me

"Papunta palang si Jiev-" siniko siya ng isa nilang kasama

So nandito din siya mamaya? Hinila ako ni Mich papunta sa isang cottage with the other girls, namiss ko tuloy maging teenager.

Ganito lang naman kami noon, we wouldn't care that much sa mga taong nakakakita samin basta alam namin masaya kaming magkakasama.

Creating memories with each other, getting drunk and running towards the sea. I wish I could bring back those days, but not the day when I almost lost myself.

"Here, I know it's your favorite." inabot sakin ni Mich yung shawarma

"Thank you." i smiled

Nakipag-kwentuhan lang ako sa mga kasama namin sa cottage, they kept asking me if I'm still happy with my career.

"Very workaholic ha, have some fun! Buti nalang napilit ka ni Mich." napatawa si Kim

"Maybe I use work as my coping mechanism, to avoid thinking about stuff." napatawa ako ng mapakla

"Jieven!" nagsigawan ang mga lalaki sa kabilang cottage

I froze.

"Shelle, halika lakad tayo doon." some of the girls stood up and looked worried

"Oo nga, halika." Kim grabbed my hand

Napatango lang ako at tumayo na rin, napalingon ako sa cottage ng boys and I saw him. Siya lang mag-isa?

Naglakad na kami palayo, lahat ng sa cottage ay sumama. Yung iba, napag-isipan na mag picture sa dagat dahil naka panligo na din naman sila.

"I can take you home if ayaw mo manatili-" sagot ni Mich

"No, kaya ko naman." i smiled

She nodded and smiled at me, may tinuro siya na duyan at umupo kami doon. Nanatili ang tingin ko sa alon na humahampas sa buhangin mula sa dagat, napahinga ako ng malalim.

"Kasal na ba siya?" i asked

"No, he didn't marry Kari." she looked at me

Napalingon ako sa cottage na medyo malayo na kung nasaan kami ni Mich.

"Shelle! Mich! Tara picture!" Kim shouted

"Oo na, eto na!" Mich shouted back

Napatawa nalang ako, they didn't change at all. All of us took photos before bumalik sa cottage, all of them assured if I'm okay and I nodded.

Nagpasama ako kay Mich pumunta sa restroom at nadaanan namin ang cottage ng boys.

"She looks different." i heared his voice

Hindi na ako lumingon at nagpatuloy sa paglalakad, agad din naman akong lumabas nang matapos ko gamitin ang cubicle.

Nagsasaya na sila Kim sa cottage kaya tumakbo kami pabalik ni Mich, ano kayang iniinom nila?

"Shelle, it's your shot dali na!" inabot ni Kim yung baso sakin

"The bar? Hindi na tayo teenager." biro ko

All of them cheered when I took my first shot, some of them took videos pang instagram story daw.

Makalipas ang ilang oras, naka-ubos kami ng apat na bote nung the bar fruit mix. I got a little tipsy, nagpaalam ako kela Mich na maglalakad lakad muna sa dalampasigan.

Nang makalayo ako ng konti, umupo ako sa buhangin. I took a deep breath and closed my eyes, pinakinggan ko ang paghampas ng alon.

"Aishelle." i heared a familiar voice

Napalingon ako, he sat down beside me. I moved away a little bit to have space, hindi ko na siya nilingon ulit.

He's looking at my hand, para bang may hinahanap siya but then he looked away. Nanatili ang tingin ko sa dagat na nasa harapan namin, I felt like I couldn't breathe.

"Shelle, I'm sorry." he said

"Tapos na yun, you don't have to be sorry." napatawa ako ng mapakla

"Even if hindi ka humingi ng tawad, I already forgave you." i answered

"And I hope you're happy already." i looked at him and smiled

Tumayo ako at naglakad palayo, I still couldn't look at him straight in the eye. It felt like I will choose to fall all over again, kahit masaktan ulit ako.

I still love him.

Pero hindi ko na kailangan sabihin.

I'd rather choose to love him silently, than break my own heart again.

Waves of JawiliWhere stories live. Discover now