Three days passed by and tomorrow will be Michelle's special day, I messaged dad if he can drop me to Isabelle's house so I can stay there until the next day after my bestfriend's birthday.Tutal magkalapit lang din naman ang bahay nila Mich at Isabelle, it will be easy for me to go home after the birthday celebration. Magpapasundo nalang siguro ako kay Tita Yvonne, I'm sure she will be home by that time.
Agad kong inayos ang gamit na kailangan kong dalhin, makikihiram nalang ako ng hair straightener and other stuff kay Isabelle. Naghihintay na sa labas si dad kaya dali-dali na akong nagsuot ng sapatos at kinuha yung bag na puno ng gamit ko, hawak ko lang yung dress dahil mahirap ilagay sa bag.
"Wala ka nang nakalimutan?" dad asked
Umiling ako and he nodded, agad naman siyang nagdrive. I'll be staying with Isabelle at siya na mismo ang nagrequest dahil invited naman siya sa birthday ni Michelle, I tried to contact my cousin and mukhang tulog pa siya.
"Aishelle." napalingon ako kay dad
"You are allowed to drink but please be careful, you know your limits." seryosong paalala ni dad
"Yes, I'll be responsible." i answered
Habang abala si dad sa pagdrive ng sasakyan ay naisip kong mag open ng instagram, did I follow him already?
Sinubukan kong icheck at hindi pa ako nakakapag-follow sakanya, I don't know if he will follow me back but I don't mind. Nakita kong may ig story siya kaya tiningnan ko, he's with his friends today and nandoon din si Mich.
Makalipas ang isang oras ay nakarating na kami sa bahay nila Isabelle, agad naman niya akong sinalubong sa main door ng bahay nila at mukhang atat na atat makita ako.
"Aishelle!" sigaw niya
Ngumiti lang sakin si dad at kumaway, I smiled back at pinanood siyang magmaneho palabas ng gate. Lumingon ako kay Isabelle at agad naman niya akong hinila papasok sa bahay nila, bakit parang napakataas ng energy nito?
"Look!" sabay turo niya sa sofa
Red roses? Kanino galing?
"Oh, eto yung card kasama nung flowers." inabot niya sakin yung envelope
Binuksan ko 'yon at may nakita akong handwritten letter, I never received anything like this before.
Aishelle,
Again, ikaw ang naalala ko nung nakita ko ito sa flower shop na nadaanan ko kanina. It looks beautiful isn't it? Just like you. See you tomorrow.I closed the letter and pinagmasdan yung roses na hawak ko ngayon, bigla akong hinampas ni Isabelle na dahilan ng pagkagulat ko.
"Shutaka, sana all." halos mangisay na siya sa kilig
Napangiti ako habang pinagmamasdan yung bulaklak na binigay sakin, so this is what it feels like to be appreciated by someone? Even though ilang days palang kami magkakilala or sadyang ganito siya sa mga nakikilala niya?
Napailing ako at pinatong yung boquet sa coffee table na nasa harap ko, tumayo saglit si Isabelle dahil kukuha daw ng snacks. Pina akyat na din ni Tito Vincent yung gamit ko sa isang guest room para hindi na ako mahirapan, agad din na bumalik si Isabelle dala ang soda at fries.
"So kamusta yung pagpapakilala ng boyfriend mo? Hindi 'yon natuloy nung nakaraan diba?" tanong ko
"Kahapon pumunta siya dito, siya yung nagdala nung flowers nayun." sabay turo sa dining table
"Tanggap naman siya nila mommy, medyo kinabahan ako pero atleast okay naman sakanila." sagot ni Isabelle
I really couldn't imagine that some of my cousins will have healthy relationships after all of those games, iba nga naman if you're ready to commit.
"Kamusta ang panliligaw ni Jieven?" tanong niya
"Hindi nanliligaw si Jiev-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinampas niya ako ng unan
"Aishelle, sa ganyang actions hindi pa ba nanliligaw?" tinuro niya yung boquet na nasa harap namin
Napaisip ako, nanliligaw na ba siya? Wala pang isang linggo na nag-uusap kami, ni hindi nga niya ako kilala masyado.
I sighed and stared outside the window, ayoko din naman kasing mahulog sa isang tao ng biglaan. Baka pagkalipas ng ilang linggo o buwan, may magawa akong hindi kaaya-aya at makasakit pa ako ng damdamin ng iba.
"Just give him a chance, malay mo siya yung tutulong sayo na maayos yung vision mo sa love." napalingon ako kay Isabelle
"Love isn't always about games Aishelle, you need to stop." seryosong sabi niya
Napailing nalang ako at niyakap yung unan na nasa tabi ko, how will I know that I've changed if hindi ko pa nararamdaman ang mahulog ulit sa isang tao?
My phone beeped kaya agad kong tiningnan kung sino ang nagmessage, nakita ko yung sunod-sunod na pagmessage ni Mich kaya binuksan ko na ito.
Mich: Did you receive the flowers?
Mich: Ang swerte, grabe!
Mich: Ako yung nagsabi na favorite mo yung roses, kaya yan yung pinili niya.
Mich: We'll visit there around 3pm, nasa bahay pa kami nila Clark."Yes, ang ganda nung flowers. Tell Jieven that I said thank you, see you later!" i replied
Napalingon ako kay Isabelle na abala sa pagtype sa phone niya, napansin kong parang nabigla siya sa nakita o nabasa niya.
"Belle, ayos ka lang?" tanong ko
"Ah, h-ha? Yes ofcourse, okay lang ako." she tried to hide the tears with a fake smile
"You can tell me anything, alam mo yan." sagot ko
"I know, pero hindi muna ngayon." she told me and i nodded
Makalipas ang ilang oras ay may narinig akong bumusina sa labas ng gate kaya lumabas ako sa main door, nakita kong kumakaway si Mich kaya agad akong tumakbo at pinagbuksan sila ng gate.
Dito ko na sa loob pina-park yung sasakyan dahil baka makaabala sa ibang dadaan sa labas, agad naman silang bumaba sa kotche and I saw Jieven.
"Uh, thank you ulit." i smiled at him
"No problem." he answered
I invited them sa loob ng bahay and hinanap ko si Isabelle, wala siya dito sa living room.
"Upo muna kayo jan sa sofa, hahanapin ko lang pinsan ko." tumango sila at umakyat na ako sa second floor
I knocked on Isabelle's door "Belle, nanjan ka ba?" walang sumagot
"Isabelle?" i knocked again
Sinubukan kong buksan yung pinto at hindi naman pala ito naka-lock, nakita ko siyang nakaupo sa higaan niya at nakatulala lang.
"Hey, are you okay?" i asked
"Nanjan na ba siya?" tanong niya
"Sino?" i asked
"Si Clark." she answered
Si Clark yung boyfriend ni Isabelle? So he's one of Jieven's friends?
"Bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa, nanjan na nga yung boyfriend mo-" she started crying
"I'm not his real girlfriend Shelle, meron siyang girlfriend. Three years na sila." she tried to wipe her tears
"Karma ko 'to Shelle, I should've stopped the games before. It's my fault." she cried again
Karma? What if I'm the next victim?