"Ate, wake up!" nakaramdam ako ng mahinang hampas sa pisnge ko"We're going to the beach, wake up na!" niyugyog ako ni Henrik at agad naman akong napa-upo
"Anong oras na?" i asked him
"I don't know, check your phone." sagot niya at tumakbo siya palabas ng kwarto ko
Kinuha ko yung phone ko sa side table, tiningnan ko ang oras and it's really early.
Kumuha ako ng isang backpack and pumili ako ng mga damit na dadalhin, agad naman akong pumasok sa bathroom nang matapos akong magprepare ng mga gamit ko.
Nag half bath lang ako at naghilamos, maliligo din naman sa dagat. Sinuot ko yung white shorts and black tank top, I tied up my hair at sinuot ang shades na naka handa na sa tabi ng bag ko.
I went out of my room and closed the door, agad akong bumaba patungo sa living room and I saw Jieven playing with Henrik.
"Good morning!" Jieven greeted me
"Good morning, did mom wake you up?" i asked
"No, maaga lang talaga akong nagigising." sagot niya
Nilapag ni dad yung mga gamit sa sofa kaya napalingon ako sakanya, biglaang alis naman yata 'to?
"Doon nalang tayo mag breakfast sa mcdo, we don't have time." kinuha ni mommy yung wallet niya sa counter top at pumunta sa harap namin
"Is there a celebration? Biglaan yata ang outing-" hindi ko na napatapos ang pagsalita ko when realization hits me
"Happy Anniversary!" i shouted and hugged them both
Tumawa si dad, "Nakalimutan mo? That's painful Aishelle." dad joked
Natawa lang kaming lahat, sabay-sabay kaming lumabas ng bahay at tinulungan ni Jieven si dad magbuhat ng mga gamit na dadalhin.
"Doon na tayo magkita-kita sa Kalibo, okay?" sumilip si mom sa bintana ng kotche
Sumakay na ako sa kotche, "Don't drive too fast dad, nakasunod lang kami sa inyo." nakita kong nag thumbs up siya at nauna na silang lumabas ng gate
"Ready?" Jieven asked
"Tara." lumingon ako sakanya at napangiti ako
Nagsimula na siyang magmaneho and I just took a quick nap, medyo inaantok pa ako dahil sa biglang paggising sa akin ng kapatid ko.
Makalipas ng ilang minuto ay ginising ako ni Jieven, sumilip ako sa labas ng bintana at nakita kong nasa tapat na kami ng mcdo.
Tinanggal ko yung seatbelt at agad na bumaba ng sasakyan, dinala ko yung phone at wallet ko. Pagpasok namin ay nag-order na ng pagkain sina mommy, umupo ako sa tabi ni Henrik at katapat ko naman si Jieven.
"What are your plans for college?" tanong ni dad kay Jieven
"I might take engineering, pero hindi pa po sigurado. My mom wants me to proceed medicine." sagot niya
Napatango lang si dad, ngumiti sa akin si Jieven at nagsimula na kaming kumain.
"Aishelle." agad naman akong lumingon kay dad
"You will proceed medicine, right?" he asked
I nodded, "Yes dad, pediatrician to be specific." sagot ko
"She's obsessed with babies and kids, kaya gustong-gusto niya maging pediatrician." mom laughed
"Ang sabi kasi niya noon sa amin ayaw niyang magka-anak, because she will never find someone to spend her life with." kwento ni dad
"But I guess you found someone already." mom wiggled her eyebrows
Jieven cleared his throat, "Both of us will get there, priorities first."
"Madami pa kaming pangarap ni Aishelle." ngumiti si Jieven
Dad agreed, after we finished eating breakfast agad naman napagdesisyunan na tumuloy na kami sa beach trip.
"Another day on our special place." Jieven held my hand
"Our place." ngumiti ako
Habang nagmamaneho ng sasakyan si Jieven ay naging abala ako sa pag-scroll sa instagram, medyo matagal na din nung huli akong nakapag-bukas ng socmed.
Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa buhay ng mga kaibigan ko, I saw Nicole's recent post. She's with her family, namasyal yata sila sa Roxas City.
I also saw Caryl's post with her boyfriend, they look cute together. Sayang nga lang sila ni Kevin, I used to admire how sweet they are way back 9th grade.
But some of those memories I have, I didn't really want to remember half of it.
Nilagay ko yung phone ko sa loob ng bag after I checked instagram, napalingon ako sa view na nasa labas ng bintana.
I admired the trees and rice fields na nadadaanan namin papunta ng Jawili, nakarating kami sa market at nakita kong bumaba si dad sa kotche para bumili ng inumin sa isang store.
Sumenyas siya na mauna na kami sa resort, bumusina si Jieven at nagsimula nang magmaneho.
I received a text message from dad, "doon tayo sa waves, just ask for the keys para sa rooms." binasa ko ang message ni dad
"Overnight?" Jieven asked
"I think so." sagot ko
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa resort na napili nila dad, halos magkalapit lang sila ng resort na pinuntahan namin ni Jieven last time.
More on kubo style ang mga rooms nila, which is very comfy and mafefeel mo ang vibe ng beach.
Jieven parked his car and agad naman akong bumaba ng kotche, agad akong lumapit sa isa sa mga staff ng resort.
"Hi, good morning! Nagpareserve po ng two rooms." i approached the tall man wearing a white polo and slacks
"Ikaw yung anak ni Mr. Villanoche? Ang laki mo na ija!" the man patted my head
"Yes po." i smiled
Inabot ng isang worker ang dalawang susi para sa rooms, napagdesisyonan namin na maglakad-lakad nalang muna sa front beach habang wala sina mommy.
Lumapit ako sa dagat at nagtampisaw, hindi pa gaanong malakas ang alon. Lumapit sa akin si Jieven at hinawakan ang kamay ko, napalingon ako sakanya.
"This place really special huh?" he asked habang nakatingin sa dagat
"It's special when I'm with you." ngumiti ako sakanya
"Bumabanat?" he joked
Tinusok ko yung tagiliran niya at tumakbo palayo, hinabol niya ako kaya mas binilisan ko ang pagtakbo.
Nakita kong nakatayo malapit sa isang cottage sina mommy at natatawa habang pinapanood kaming naghahabulan, agad akong nagtago sa likod nila para hindi ako mahuli ni Jieven.
"Eto yung mga susi." inabot ko kay dad yung hawak ko
"Sa inyo yung isa." he winked at Jieven
"What?" napatingin ako kay dad
"You heard me." natawa si dad at naglakad na sila pati go sa room