THE GIRL THAT I LOVE

6 1 0
                                    

THE GIRL THAT I LOVE
AUTHOR ANAH
BOOK TWO
CHAPTER 1

Si Conrad ay nabighani sa gandang angkin ni Shine ng una palang niya iyong makita, kapag tinitingnan niya ito ay kumakabog ang kanyang dibdib. At alam din niya na may gusto ang dalaga sa kanya dahil nakikipagtitigan ito at saka ngingiti.
Habang natagal ay minamahal niya ang babae ngunit, Si Conrad ay isang chick boy mahilig siya sa mga palabang babae at minsan iniuuwi sa condo niya para doon mag-enjoy sa makamundong pagnanasa.

Ngunit ng dumating si Shine ay natigil siya sa ganun gawain. Pag pupunya siya doon ay nakaalis na si Jonas para walang man babadtrip sa kanya. Matic na din na mgdadala siya ng ice cream at pizza ito kase ang paborito ni Shine.

Ngunit ng malaman ni Jonas ang plano niyang pagtatapat ay hinarang kaagad niya ito dahil siya dapat ang manliligaw sa babae, nanlumo naman si Conrad sa nalaman imbes na ipaglaban ay tumango na lamang ito sa kanyang pinsan. Bilang pag sang-ayon sabay laklak ng alak hanggang sa tingin na lang niya ang babaeng nagpapatibok ng puso niya at kinabukasan ay inayos muna at mga trabaho sa opisina ng Dela Vega bago niya nilisan nagpaaalam naman siya kay Jonas na mawawala siya at magpapahangin. Batid din nitong nasaktan ang pinsan kaya naman pinayagan niya ito. ..

Sa pag mamay-ari ng Dela Vega isang malawak na hacienda doon siya napunta para magpahangin,may alagang kabayo ang pamilya nila. At sa tabi noon ay may isang beach maraming naliligo doon lalo na kapag summer kaya ngayon panahaon ng tag lamig ay madalang pa sa daliri niya sa kamay.

Madilim na ng siya ay makarating doon., ibinagsak ang sarili sa kama at nakatulog ng mahimbing. Kinabuksan ay may taga linis sila sa bahay doon. Si Aling Carmen na matagal ng naninilbihan sa pamilya nagulat na lamang siya at may tao sa loob ngunit alam niyang Si Conrad lang naman ang palaging napunta doon ng di sinasabing darating siya. Kaya naman ang babae ay naglinis, at pinalitan ang kurtina sa bintana,nagluto na din ito ng paborito nitong tinolang native na manok. Dahil sa naamoy ay mabilis na nagising Si Conrad sakto namang kakahango lang ng matanda s apoy ang ulam at sinaing para sa amo.

''Wow naman',.... ''Ang bango manang, bigla tuloy akong napa bangon''.
Sabi ni Conrad sa matanda habang hinihimas ang tiyan.

Napapatawa naman si Aling Carmen daig pa kaseng batang tingnan si Conrad kong himasin ang tiyan niya.

''Sige'',.. '' halika kana sir, umupo kna at ipaghahain kita.
Pag-aanyaya ng matanda.

"Salamat ho manang at mapapasarap na naman ang kain ko nito''.
Tumayo siya at nglagay ng patis sa platito at sili hiniwa niya iyon saka bumalik sa mesa. Inaya na din niya ang babae para may kasabay siyang kumain.

Naubos nila ang kain at inihain na ulam. Ng pahapon na pinauwi na ni Conrad ang tirang ulam nila nong tanghali, ngpabili naman ito ng pagkain niya habang siya ay dito titigil. Mga isda, tilapya,bangus at dalagang bukid may karne din ng baboy at baka. At saka mga delata din pag tamad siya magluto.

Masarap ang buhay niya mag-isa lang at makakapag-isip ng maayos gabi gabi din siyang nainom ng alak at saka matutulog.
Sa ganung paraan ay makakalimot siya.

Kinabukasan ay may dalang sinigang na ulam ang taga linis nila, alam kase nitong di na makakapag luto ang amo kaya hinatiran nalang niya may kakanin din siyang dala-dala para sa meryenda ng amo. Masakit ang ulo ni Conrad ng siya'y bumangon dumeretso siya sa paliligo. Binuksan ang shower at tumapat siya doon hanggang sa medyo naging okey ang pakiramadam niya. Nagbabad saglit at saka lumabas para magbihis siya ay mangangabayo ngayong araw.

Ngunit pinakain muna siya ang babae saka siya lumarga,nagpasalamt siya dito at saka sinabing linisin ang kanyang kwarto at labhan ang maduming damit.

Tumango lang ang babae, ng matapos ang pagkain umiinom ng tubig at saka umalis si Aling Carmen naman ay hinugasan ang plato at basong ginamit ng amo. Saka pumasok aa kwarto nito.

Nagulat na lamang siya sa kalat-kalat ang kumot at beedsheet nito ay nalilis na pato unan nito nasa sahig. Nilapitan niya ito at pinagpag saka inayos muli. Saka niya pinulot ang damit na nakakalat sa harap ng banyo ng amo,napapailing na lamang siya dahil para itong ahas na nakapulot pa.
Samantalang si Conrad ay mabilis na lumukad papalapit sa mga kwadra ng kabayo tinanong niya sa taga alaga kong kumusta ang mga hayop na alaga. At saka kinuha ang paborito nitong kabayo saka kinausap na akala moy isang tao. Sinakyan niya ito at binigyan ng signal ang hayop saka ito tumakbo ng mabilis.

Itutuloy!!
Abangan!!!

THE GIRL THAT I LOVE COMPLETEDWhere stories live. Discover now