[ DRAKE ]
"Papa, ang tanda mo na. Hindi ka na dapat nakikisali sa laro ng mga bagets." sinamaan ko naman ng tingin ang pangalawang anak namin ni Kyrie. Sean, our first born laughed loudly.
Ibinato ko kay Axle ang hawak kong bola ngunit nakailag ito agad. Nagpatayo kasi ako ng basketball court sa bahay namin para sana may mapag-bonding-an kaming mag-aama pero heto at inaapi nanaman ako ng mga lalaki kong anak.
It's been nine years since Kyrie and I got married and build a family. It wasn't easy at first lalo na no'ng pinagbubuntis ni Kyrie ang panganay namin. Talaga namang nahirapan ako na kailangan ko pang humingi ng tulong sa mommy ko. Nangangapa pa ako noon at hindi ko alam ang gagawin lalo na kung umaatake ang mood swings ni Kyrie.
Imagine Kyrie having her mood swings is really frustrating amd sometimes...scary.
But after Kyrie gave birth, no words can describe how happy and complete I was.
Being married isn't that easy. May tampuhan rin kami, may napag-aawayan pero naaayos rin namin agad. Yong tipong walang matutulog hanggang hindi pa kami ayos.
I remember one time na talagang hindi kami natulog hanggang alas kwatro dahil sa isang hindi pagkakaunawaan. Hindi ako kinausap ng asawa ko at talaga namang sinuyo ko pa ito.
"Daddy!" napalingon ako sa matinis na boses ng aming prinsesa, wearing her tutu dress and a small crown above her head. Kasunod nito ang napakaganda at napakasexy kong asawa.
Agad naman siyang nagpabuhat sa akin at pinaulanan ako ng halik sa aking mukha. Lumapit sa amin si Kyrie at binigyan rin ako ng mabilis na halik sa labi.
"How's your ballet class, princess?" I asked my three years old daughter – Aelle.
"My teacher said I am doing great! But I need to practice more on my splits." she cheerfully told me.
"Hmm-mm." I hummed and pressed my lips on her soft cheeks.
"Hi, mommy!" the boys shouted and run towards us giving kisses to their mom.
"Saan mo gusto kumain, Aelle? Hindi natin isasama ang mga kuya mo kasi inaaway nila ako." malambing kong saad sa anak kong buhat ko at nakasimangot pa.
"Papa naman! Joke lang naman 'yon." Sean said.
"Oo nga Pa, ang galing mo nga kanina eh. Hindi halatang nagkaka-edad na." Axle said.
"Boys enough, huwag niyo masyado asarin ang papa niyo. Tignan niyo oh, paiyak na." Kyrie added then laughed kaya nakitawa na rin ang dalawang lalaki.
Saan ba sila nagmana? Hindi naman ako ganito kalala noong kabataan ko, ah.
"Tara na nga Aelle." sabi ko at umalis na kami roon. I heard them shout in protest pero hindi namin sila pinansin.
"BA'T NANDITO KAYO?" tanong ko sa mga anak ko ng bigla nalang silang umupo sa harapan namin.
"Sorry na, pa. Hindi na kami mang-aasar." Sean said.
"Oo nga, Pa. Minsan nalang." sinamaan ko ng tingin si Axle. Sa kanilang dalawa kasi ay mas alaskador si Axle at talagang malakas mang-asar na tipong kahit dugo't laman mo ay gusto mong sakalin.
"Ang mean niyo po kay Daddy ko." sabi naman ng bubwit kong anak at niyakap pa ako sa leeg.
"Aelle, tatay rin naman namin 'yan ah. Maka-"ko" ka naman." Axle rebutted.
"Huwag mo nang patulan, Ax." suway ng mommy nila.
"Sorry po."
Dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain. Puro kwento si Axle sa mga kaganapan niya sa school na ultimo ang pagkahimatay ng guro niya dahil sa kapilyuhan niya ay nakwento niya rin sa amin.
"Mama, 'di ba kilala mo si Ate Samara? 'Yong panganay nila Tita Addieson." Axle said.
"Bakit?" sabay naming tanong ni Kyrie.
"Crush ni Kuya Sean. Ayieee. Pareho pa silang S ang pangalan. Landi mo, kuya." sabi ni Axle. Napahilot nalang ako sa sentido ko. Pitong taon palang ang anak ko pero ang dami na niyang alam at hindi ko alam kung saan iyon nanggagaling.
"Sino kaya 'yong pumitas ng gumamela sa garden ng school at binigay sa apo ng principal pero tinanggihan." sabi naman ni Sean at ngumisi.
"Kuya naman!"
Humalakhak nalang ako dahil sa kwento nila.
"Boys, its okay to have crushes pero please, no girlfriends first, hmm?" Kyrie told them. They just nod their head.
This is contentment. It is the life I've always wanted with Kyrie. My family is my strength and they are the reason why I strive harder. We may not be the perfect family but I will do everything for them to be happy. They are my greatest accomplishment
With Kyrie and my kids, I am happy, I am strong, I am contented and I couldn't ask for more.
BINABASA MO ANG
Captains (Varsities Series #1)
Teen FictionKyrie Saavedra x Drake Lafuente FIRST INSTALLEMENT OF VARSITIES SERIES DATE STARTED: May 19, 2020. 5:36PM DATE FINISHED: June 28, 2020. 1:12 PM